19: Feelings....and Phil

1 0 0
                                    


"Kuya?"

Mula sa tahimik na pag-iisip ay nauntag si Ben sa tawag na iyon sa kanya ni Phil. Tumabi ito ng upo sa kanya sa couch na inuupan niya sa sala ng condo unit nila. "Ano ba'ng plano mo?"

Kumunot ang noo niya sa tanong nito. "Plano?"

"Oo, plano."

"Plano saan?"

"For wooing ate."

Namilog ang mga mata niya sa gulat sa pahayag nito. "H-ha?"

"You heard me, kuya. Pormahan mo na si ate Eve." Just by hearing her name made his heart beat fast. Ano pa kaya sa ideyang popormahan na niya ito? There's no way he'll admit that to Phil. At bakit nga ba bigla na lang siya nitong pini-persue in the first place? Hindi niya naaalang may sinabihan siyang kahit na sino tungkol sa nararamdaman niya para sa dalaga. But on the second thought, back to what happened at Eve's house...mukhang napaghalataan nga siya doon. Oh, yes, he never had any experience, nor have broad understanding about that damn feeling, but he's not a total idiot not to know well enough. Plus there's Phil who justified it, too. He's inlove. Really. With that girl named 'Eve.'

"Ridiculus," pero sinubukan niya pa ring ikubli iyon at sumalungat sa kapatid. "Ano ba'ng pumasok diyan sa kukote mo't naisip mo na ligawan ko si Eve?"

"Duh, kuya. It's obvious that you like her!" he factly stated.

"What? I...no!" tanggi ulit niya.

"No use denying it, kuya. You like ate Eve." Gusto niya sanang matuwa dahil bunsong-bunso ang pakiramdam nito sa pagtawag nito sa kanya ng 'kuya,' at 'ate' naman kay Eve kahit na halos dalawang taon lang ang agwat ng mga edad nila ni Eve dito. But because of Phil acting like a much more experienced adult than him now, he felt like hitting his brother.

"Puwede ba, Philip. Hindi ka nakakatuwa," he stood up then started to walk away from Phil.

"Now you're avoiding. Puwede rin ba, kuya, huwag kang...pa-cool at pa-mysterious masyado. Hindi nakakababa ng pride o nakaka-tapak ng ego ang pag-amin na gusto mo si miss Eve!" There he stood dumbfounded. Napakuyom siya, ngunit pagkuwan ay nagbuntong-hininga na lang. Sa naisip na tanong ngayon para sa kapatid ay biglang uminit ang magkabilang-pisngi niya. Kiming nilingon niya ito.

"P-paano mo nalama-"

"Hah!" Humagalpak ng tawa si Phil sa kinauupuan. "I knew it. You like her! YEES!" halos tumalon ito sa couch sa tuwa at excitement. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba siya o magtataka sa naging reaksiyon nito.

"So ano na? You'll court her? What're your plans, kuya? When will you start? Can I help?" sunod-sunod na ang tanong nito na sa kakatwang dahilan ay nagbigay ng mumunting kirot sa tiyan niya. Sa mga tanong nito'y tila may mga eksenang bigla na lang nag-flash sa utak niya. Moments of him and Eve together. Doing things they love, play, hang-out... Expressing sweet nothings and stuff. Napakuyom siya, ngunit nakapagtatakang tila wala siyang makapang lakas sa buong braso niya. He felt weak against his thoughts. As far as he can remember, it was the first time he's teased with liking Eve. Everything inside him's in complete rush, raging, warm, and he couldn't calm himself. Sobrang kakaiba at bago, yet, ibang tuwa at pananabik din ang nararamdaman niya. He cursed silently to himself. Masasapak na niya si Phil dahil sa mga kakaibang nararamdaman niya ngayon.

"I'm planning nothing, Phil," pero seryoso niyang pahayag kalaunan na nagpatahimik sa bunsong kapatid.

"What? Are you serious? Ben, you can't!" Kulang na lang ay sabihan niya ito ng 'weh' sa naging reaksiyon niya sa sinabi nito.

"Hindi ka ba nag-iisip? It's not like she's staying here for long. Tatlong araw lang siya rito. Bukas babalik na siya sa academy. And God knows when she'll come back again. You won't expect me to do anything impulsive and stupid, Phil. I already learned."

His Little Miss Detective: 3-Day Case Files (On-going)Where stories live. Discover now