9: "A word, or a tooth?"

11 0 0
                                    


"Grabe, nakakagulat naman iyon." Kumento ni Harry tungkol sa buong katotohanan sa likod ng pagsunog sa desk ng gurong si Simon Oroso sa eskuwelahan nila kaninang tanghali. Binuod lamang ni Eve sa kanila ang buong pangyayari, sapat upang maintindihan nila. Kasalukuyan silang naglalakad sa daan, mula sa Manscaster ay balak nilang pumunta sa isang asian restaurant.

"Hindi na ako nagtataka. Ako kasi mismo, nakikita ang mga hindi magandang ginagawa ng teacher na iyon," kumento naman ng pinsan ni Harry na si Herc.

"Nakakadiri siya, sa totoo lang," si Eve. "Professional teacher, may kalaswaan palang taglay sa katawan. Geez, what a ma...err, forget it."

"Simula pa lang ay may pagka-disgusto na talaga ako sa kanya. Buti na lang at hindi ako na-under sa subject niya," wika uli ni Harry.

"Haaaynaku kayo, huwag n'yo ngang pag-usapan iyan? Nakaka-irita," sabad naman ni Phil. "Forget that topic, okay? And let's have some partey!"

"Yey! Miss Eve's back!" segundang bunyi naman agad ng mag-pinsan.

"Magpakabusog tayo nang bongga sa resto!"

"Tama ka, 'insan!"

"Wohoo!"

Habang masaya nang nagkukulitan sina Herc sa daan, napukaw naman si Ben mula sa kanyang pananahimik dahil sa ibang pagtitig sa kanya ng kapatid. He gave him a bored look.

"Ano na naman?"

Dumikit ito sa kanya at bumulong. "Badtrip ka nga. Hindi mo totally na-solo si miss Eve, eh."

"Heh! Tumigil ka nga," kinutusan niya ito sa sentido. Parang may alam talaga itong kapatid niya, ah. Kinabahan tuloy siya bigla.

"Aww! kuya naman, eh." Reklamo naman ni Phil sa ginawa niya.

"A word or a tooth?" Mabilis na napatakip si Phil sa bibig nito. May sinabi ito ngunit hindi nakuha ni Ben dahil nga sa nakatakip ang bibig nito. At doon ay napatawa rin siya.

"Saya n'yo diyan, ah?" Na natigil naman bigla nang sumabat sa kanila si Eve. Mabilis niyang iniwas ang tingin sa nangingislap nitong mga mata sa kuryosidad.

"Wala, makulit kasi ang isa diyan," sagot niya.

"Ewan ko sa 'yo, Ben." Si Phil na binaba na ang mga kamay. "Palibhasa, masyado kang pa-cool. Wala naman sa lugar."

"Isa ka na lang talaga, Philip." Tinaas niya ang isang kamao rito. Pero nakangisi lang ito habang pumipitlag sa kanya.

"Which reminds me...Phil, ano ba iyong binulong mo kay Ben kanina?"

Napadilat nang husto si Ben sa tanong na iyon ni Eve.

"Ah, iyon? Sinabi ko lang nama-nrmmph..hmmp!" Hindi na natuloy ang sana'y sasabihin ni Phil nang marahas na takpan ni Ben ang bibig nito.

"Masyado ka talagang madaldal, manok kong kapatid." Kunwa'y panirang-puri ni Ben kay Phil habang nakangiti nang makahulugan dito.

"Ikaw naman, malambot, mahal kong kapatid," pero sa halip na masindak ay gumanti pa ito nang makawala mula sa mga kamay niya. "Mabagal ka masyado, binabaye, at higit sa lahat...torp-"

"Oy, andito na tayo!" Masayang sambit ni Herc kaya napatingin silang lahat dito. Saka lang nila napansin na nasa tapat na pala sila ng isang Japanese restaurant.

"Let's go!" Agad na sumunod sa pagpasok dito ang pinsan.

Samantala, pisikal na nagbabangayan pa rin ang magkapatid na Ardientes kaya umiling-iling na lamang si Eve sa kanilang dalawa.

"Gusto n'yong gawan ko kayo ng ring at kumuha ng referee?"

*~*~*~*~*~*~*


Haha...hirap taLaga pag iNactive na. Anyways at i'll have my back-up once mawaLan ako ng draft. 😸 Ciao!
- Benedica

His Little Miss Detective: 3-Day Case Files (On-going)Where stories live. Discover now