1: The Medicine to Boredom

88 5 4
                                    

3-Day Case Files

(sequel to "His Little Miss Detective)

By: bLessAnimated

[The Medicine to Boredom]

"Although Berlin was in the Soviet zone of occupied Germany, the Western Allies occupied part of it. The Soviets resented their..."

'Langya..' Ben cursed inside his head. Ni isa kasi sa mga sinasabi ng prof niya'y hindi mapasok-pasok sa utak niya. Gusto niyang kuwestiyunin ito pati na ang kolehiyong pinasukan niya kung bakit tinuturuan sila ng world history, eh, malayo naman iyon sa degree course na kinuha niya - Commerce.

Ewan din niya sa sarili kung bakit iyon ang pinili niyang kurso gayong wala siyang kaide-ideya sa pinasok niya. Pero iyon kasi ang pinaka-'bagay' raw sa kanya ayon sa kinuha niyang assessment exam.

'Kalokohan.'

"Ardientes?" napatigil siya bigla sa paghikab na tila wala nang bukas nang makita pala siya ng prof niya. "Kung inaantok ka'y bukas na bukas ang pinto ng classroom. You're much free to leave," bakas sa mukha at boses nito ang iritasyon sa inasal niya sa klase nito.

Ngunit isang inaantok na tingin lang ang pinukol niya rito. "I'm glad that you are concerned, madam. But I think scolding a college student isn't necessary. Just continue teaching. Hindi mo na problema kung hindi ko makukuha ang klase mo. Besides, minor lang naman ang subject na 'to. Dapat nga excluded 'to sa dapat naming pag-aralan. Wala kayang kinalaman sa komersyo ang kasaysayan ng mundo."

Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ng propesor niya sa sinabi niya. Maging ang mga kaklase niya'y nagulat sa marahas niyang litanya.

"You really think there isn't, Ardientes?" Nakataas ang isang kilay sabay ngisi na tanong ng prof niya na siyang nakapagbigay ng kaunting pahiwatig ng interes at kuryosidad sa kanya.

Ngunit hindi siya sumagot. At dahil doon ay mas lumapad ang ngisi ng prof niya.

"Clearly, Ardientes isn't listening to my classes all along," pagkuwa'y ani nito sa buong klase. "My subject may be just one of the minors, yes. But you students have no choice but to listen and learn. And for those who were very good and listened well to my topics, I know you can tell why we are discussing this subject and what are the connections of it to your course."

Napairap si Ben sa narinig. Gusto niyang sumagot pa sana ngunit tumunog na ang time alarm ng university. Ibig sabihin, dismissal na ng kasalukuyang subject. Samantalang mabilis na niligpit naman ng prof nila ang mga gamit nito saka lumabas na. Wala na itong anumang sinabi bagaman halata sa tingin at ikinilos nito ang inis.

Ngunit walang pakialam dito si Ben. Eh, totoo naman ang sinabi niya. Walang relasyon sa magiging trabaho niya sa hinaharap ang mga malalayong subjects tulad niyon na tinuturo sa kanila. Ang sabihin ng mga mababarat na taga-eskuwelahan, kailangan pa nila ng dagdag na pera sa bulsa nila kaya nagdadagdag sila ng mga subjects na kailangang bayaran ng mga estudyanteng tulad niya.

"Badtrip," mahinang bulong niya sa sarili habang naglalakad sa pasilyo ng gusali ng unibersidad. Sa oras na may makaalam tungkol sa ginawa niyang kabastusan sa prof niya'y lagot talaga siya.

Lalo na sa babaeng iyon.

Napabuntong-hininga siya habang nakayukong naglalakad at nakapamulsa ang parehong mga kamay. Paminsan-minsan ay umiiral pa rin ang pagiging prangka at suplado niya lalo na kung naiinis siya, wala sa mood, naiirita, kung nasasaid ang pasensiya, o kung bigla na lang siyang tamaan ng saltik.

Tulad ng nangyari kanina sa klase niya.

Naiinis pa rin siya sa sarili dahil hindi pa siya tuluyang nagiging mabait at magalang. It has been already more than a year but he's still working on it. Mahirap naman talagang basta na lang magbago lalo na sa kaso niya na ginawa na talagang habit ang pagiging suplado buong buhay niya.

His Little Miss Detective: 3-Day Case Files (On-going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt