15: Everyone on the move

0 0 0
                                    

Habang kanya-kanya nang laban sina Eve, Herc at Harry sa tatlong mga bakulaw, at si Phil naman na nakikipag-agawan sa ginang na may hawak ng nakaw na bag, hindi makapag-isip si Ben nang tama. Kung ano ang gagawin niya, kung sino ang tutulungan niya o kung may maitutulong pa nga ba siya o baka makagulo lang siya. Everyone's trying to do good, struggling hard to almost risking their lives, just for a stupid case of theft that on the contrary, has nothing to do with them. Kita na nahihirapan sina Eve, Herc, at Harry na labanan ang tatlong lalaki dahil bukod sa malalaki ang katawan ng mga ito ay may alam din ito sa pakikipag-pisikalan. Kaya hindi talaga makapaniwala si Ben sa tapang ng mga ito.

Ang hihilig talaga sa gulo at hustisya, saisip na lang niya.

Nang makabawi naman siya mula sa pangangatog kanina ay tinungo niya ang kinaroroonan ni Phil at tinulungan itong patigilin ang babaeng magnanakaw. Todo kung pumiglas ang medyo may edad nang babae at nahihirapan silang pigilan ito nang hindi naha-harass o nasasaktan. Kaya nang matantong hindi talaga kaya ng kapatid niya'y siya na ang nagpulupot ng isang braso niya sa leeg ng ginang.

"Get the bag, Phil!" utos niya sa kapatid nang mapatigil na ang ginang. Agad namang tumalima si Phil at hinablot mula sa lumalaban sa kanyang ginang ang bag. Dahil doon ay naging malaya na rin ito sa pag-pumiglas at pagkawala mula kay Ben. Tumakbo palayo ang babae nang makawala ngunit bago pa ito makarating sa gate ay dumating na ang mga pulis mula sa labas at hinarangan ito. Sa pagsigaw ng commanding officer ay napatigil ang lahat. Mula kina Eve na hinihingal na sa pakikipag-laban hanggang sa mga tao doon sa karnabal na nanonood sa kanila. At dahil sa nakatutok na sa mga kriminal ang mga baril na hawak ng mga pulis ay tumigil na rin ang mga ito at sumuko. Tinaas ng mga ito ang kani-kanilang mga braso at hinayaan ang mga pulis na posasan ang mga ito.

Samantalang agad namang nilapitan ni Ben ang mga kaibigan na pawang hinihingal pa rin at pagod. Sina Herc at Harry ay pareho nang may ilang pinsala sa mukha at iba pang parte ng katawan. Samantalang pinapagpag at inaayos naman ni Eve ang sarili nang datnan niya. Parang walang nangyaring kahit ano kung kumilos ito, maliban lang sa ilang malalalim na hingang ginagawa nito.

"Nakakainis," sambit pa ng dalaga habang matalim na sinusundan ng tingin ang mga kawatan na kasalukuyan nang dinadampot ng kapulisan. "Hindi ko siya natalo."

"Ate naman, nakakatakot nga iyong ginawa ninyong tatlo kanina, eh," bigla namang sumabat si Phil na kararating lang mula sa pag-surrender sa mga pulis niyong bag na ninakaw.

"They really are tough," kumento pa ni Harry.

"Yeah. Sakit ng katawan ko!" segunda naman ni Herc.

"Pero hindi ko pa rin siya tuluyang napatumba. Nakakahiya," inis na wika pa rin ni Eve sa kanila. Dahil doon ay nakaramdam din ng inis si Ben sa dalaga.

"Natural hindi mo matatalo iyon! You don't see the difference between you two? He's huge, and you're not. Ang liit-liit mo kumpara sa kanila!"

Lahat sila ay napatingin sa bulalas na iyon ni Ben. At nang ma-realize ng binata iyon ay agad niyang kinalma ang sarili at nag-iwas ng tingin. Mamamatay muna siya bago niya sabihin mismo na pinag-alala siya nito nang husto. Ngunit nang bumawi uli siya ng tingin dito ay ganoon na lang ang panlalambot niya sa katahimikan nito. Nakaramdam siya bigla ng guilt.

"D-don't make that face," he said then looked away again. "After all, you saved me and that stolen bag. "Hindi mo nga siya napatumba at natalo nang tuluyan. Pero hindi ka rin naman niya napatumba. He didn't even made a little scratch on your face so there's no reason for you to be upset."

He saw her startled face for a couple of seconds. But after a while she pleasantly smiled for the first time since the amok that just made his heart lost a beat.

"Heh. Reverse psychology now, Ardientes?" taas-kilay pa nitong tanong na tila ikinukubli ang ngiting iyon. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay nakarinig sila ng palakpak mula sa mga taong naroon na nakapanood ng aksiyong nangyari kanina. Gustong sigawan ni Ben ang mga taong iyon sa pag-iisip na baka ginawa lang silang 'live entertainment show' ng mga ito. Ngunit nang makita niya ang ngiti sa mukha ng mga kaibigan niya'y pinigil niya na rin ang sarili sa huli.

"Eve!" Sabay-sabay silang napalingon sa likuran nina Ben nang may tumawag kay Eve.

"Sir Carson," bati naman ni Eve sabay lapit dito.

"Kung hindi ka pa tumawag ay hindi rin namin malalamang umuwi ka pala. Nakakalungkot, alam mo ba iyon?"

Napangiti si Eve sa pahayag na iyon ng dating kasamahan sa JCPS. "I was actually planning to surprise you tomorrow when this happened."

"Ganoon ba?" Sandaling ginulo ng pulis ang tuktok ng ulo ng dalaga. "Hihintayin ka namin bukas sa station, okay?"

"Don't you need our statements, sir?"

Sandali silang tinitigan nito saka umiling. "Sapat na ang magiging statement ng guwardiya doon at ng complainant. We don't want to spoil your...fun time here, Eve."

Napabungisngis si Eve. "Thank you. Ingat na lang kayo, sir. Ikumusta n'yo na rin ako sa lahat do'n."

"Makakarating. Una na kami," anito saka umalis na. Ilang sandali pa itong sinundan ng tingin ni Eve. Ngunit pagkuwan ay sa mga kasama naman bumaling, naka-kunot ang noo nito lalo na kay Ben. Nilapitan siya ng dalaga at hinawakan sa panga.

"Aw!" he complained. "What the-"

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yong huwag kang gagawa ng makakasama sa 'yo? Ang kitid ng utak mo," putol nito sa kanya.

"Wala kang pakialam. At kung hindi ko rin ginawa ang ginawa ko bago ka dumating kanina ay baka nakatakas din sila. Magiging kasalanan ko pa pag nagkataon, tss."

Dahil doon ay natahimik si Eve. Then she turned to the other boys and checked them.

"You're hurt, too." wika nito sa mag-pinsan. "I'm sorry. All of you, for dragging you suddenly into this."

Napatda siya sa paghingi nito ng paumanhin. He actually didn't literally mean what he said to her earlier. Now he felt guilty again.

"Naku, ayos lang, miss Eve. Karangalan naming makatulong sa paghuli doon sa mga magnanakaw," sagot ni Herc.

"Yeah, miss Eve. At tsaka kahit paano, nakapag-exercise kami ni Herc. 'Di ba, 'insan?" dagdag naman ni Harry. Tinanguan ito ni Herc.

"We're really happy to help. And it's an honor for us to get in real action with you for the very first time, miss Eve!"

Ngiting umiling-iling si Eve sa mga ito. "Mga sira."

Parehong bumungisngis ang mag-pinsan bilang tugon sa kanya.

"Sa bahay tayo, gagamutin ko iyang mga pinsala ninyo," wika ng dalaga pagkuwan sa kanila.


*~*~*~*~*~*~*

His Little Miss Detective: 3-Day Case Files (On-going)Where stories live. Discover now