12: Eve's skills test

23 0 0
                                    

"Aagh, bwisit!" bulalas ni Harry nang hindi ulit makatama sa kahit saang nakatayong plastic tubes doon sa platform sa unahan nila. Hinamon ni Eve ang apat na kasamang lalaki na tumama kahit isa man lang sa mga plastic tubes na kasinglaki lamang ng isang double A na baterya, gamit ang mga toy guns mula sa booth. Tatlong metro rin ang layo ng mga ito mula sa kanila at tigli-limang pulgada naman ang pagitan ng mga ito sa isa't-isa kaya hirap na hirap ang mga kasama niya sa pagtama.

"Grabe, ang hirap naman nito, miss Eve!" Reklamo pa ni Herc.

Tigda-dalawang piso lang ang halaga kada tira kung tingi samantalang labinlimang tira naman para sa dalawampu't-limang piso na bayad. Medyo malaki-laki na rin ang na-lustay nilang pera sa shooting booth na iyon ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nakakatama ni isa sa apat. Kaya tawa nang tawa si Eve. Badtrip na badtrip na ang apat dahil maging sa paghuli ng isda sa pamamagitan ng panikop na papel kanina na nauna na nilang ginawa ay bigo rin ang mga ito na makahuli.

"Sh*t, this sure is hard!" maging si Phil ay napa-reklamo na rin sa kawalan ng pasensiya.

"Ayoko na." At si Ben na lang ang natatanging naiwan sa apat. Todo ngisi na rin tulad ni Eve iyong nagbabantay ng shooting booth sa matinding determinasyon ni Ben na maka-isang tira. Ngunit pagkatapos ng ilang sunod-sunod na pagtatangka ay wala rin itong natamaan ni isa kaya napamura rin ito sa inis. Halos pabagsak nitong inabot sa nagbabantay iyong toy gun na ginamit nito at tahimik ngunit inis na tinalikuran sila. Napabuntong-hininga dahil doon si Eve sabay dukot ng barya sa bulsa niya.

"Pasubok, manong," aniya sabay abot ng pera sa lalaki saka kumuha ng isang laruang baril na naroon.

"Hmmm," hawig sa isang Beretta M9 sidearm ang toy gun na hawak niya. Isang beses palang siya nakahawak ng totoong tulad niyon. Ngunit ang itsura, maging ang bigat ng laruang hawak niya ay hindi malayo sa tunay na bagay. Hindi iyon nakakasa tulad ng isang tunay na baril, pero may kunwaring magazine naman iyon kung saan nakalagay ang mga pekeng bala, not bad.

Sinipat niya ang rear at front sight niyon at mukhang okay naman ang pagkakagawa. "Ang ganda nitong laruan mo, manong, ah." Hindi niya tuloy napigilang purihin iyon.

"Salamat sa papuri, munting iha," ngiting tugon naman ng may-ari ng booth na bahagyang nagpabura ng ngiti niya.

Okey na sana, eh. Ba't may 'munti' pang kasama?

Pero winaksi niya na lang din ang munting inis na iyon at nagsimula nang itutok ang hawak niyang laruang baril sa mga nakatayong target sa harapan nila. She focused at the plastic tube nearest her and aimed ready for the first firing. At nang masiguro na nga niya ang mga tamang anggulo ay nagsimula na siyang tumira, limang beses sunod-sunod mula sa unang plastic tube pa-kaliwa. Ngunit ganoon na lang ang pagka-dismaya niya dahil dalawa lang sa lima ang nakuha niyang tamaan.

"What?" nawika niya.

"Wow!"

"Grabe.."

"Ang galing!" ngunit puri at pagkamangha ang narinig niyang kumento mula kina Herc.

"Wow, ha...kung mainis ka'y parang wala ka ring natamaan," inis namang wika ni Ben na hindi pala tuluyang lumayo at pinagmasdan siyang tumira.

"Ang totoo, inasahan kong maka-apat man lang sana sa attempt na iyon," sagot naman ni Eve sa binata. "Kulang pa talaga ako sa training."

"Woo, yabang.."

"Ano?"

"Wala."

Mahinang tumawa si Harry na nataong malapit kay Ben at siyang tanging nakarinig lamang sa binulong nitong iyon.

"Heto, iha.." sabay silang napatingin kay manong na nagbabantay sa booth. May hawak na itong isang dilaw na teddy bear. Masayang inabot naman iyon ni Eve at nagpasalamat. Tuwang-tuwa si Eve sa natanggap lalo na nang matantong hindi lang pala iyon basta stuffed toy. May bulsa na de-zipper at strap kasi iyon.

"It's a bag!" she happily stated. Humalakhak pa siya sabay sinukat ang bag na sling-type. "Ang cute nito, manong. Thank you po!"

Tila nakakita ng kung anong kumikislap sina Ben, Phil, Herc at Harry sa pagkurap-kurap nila sa kanilang mga mata sa nakikita.

"Mahilig ka pala sa mga stuffed toys, miss Eve?" 'di na nakapagpigil na magtanong si Harry.

"Ha?" tumingin naman dito si Eve pagkatapos isukat iyong teddy bear na bag. "Medyo. Pero ang cute naman kasi, eh. Hindi ba?" aniya sabay pinakita sa kanila ang suot-suot na niyang bag.

"Yeah, looks good on you, ate," sang-ayon ni Phil.

"Nakakatuwa naman na malaman ang cute side mo, miss Eve," kumento naman ni Herc. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng nag-iisang babae sa kanila.

"Well, now you know-"

"AAAAAAAAHH!" ngunit sa bigla at malakas na sigaw na iyon na narinig nila'y natigilan sila sa pag-uusap. "ANG BAG KO!!"

Sa halos sabay-sabay nilang paglingon sa kaliwa nila, isang naka-jacket at sumbrerong lalaki ang nagmamadaling tumatakbo ang papalapit sa kanila. At may hawak-hawak itong shoulder bag na kulay pula.

*~*~*~*~*~*~*

His Little Miss Detective: 3-Day Case Files (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon