7: The suspect's Revelations

11 0 0
                                    

Pa - A.N. muna..

Hello. This is Bree, yours truly..
That wants to tell you that, if you are reading this and somehow you like it, please let me know. Pero pasensiya na lang din muna at magiging super slow ang updating nito since hindi naman ako active lagi. First time ko nga lang nakapag-open ng wattpad app kasi walang access lagi. Hehe.

Masyado nang mahaba. Enjoy reading po. If there is. Haha]


*~*~*~*~*~*~*~*

Matagal bago muling nagsalita si Charles. Ngunit sa mga katagang sinabi nito kalaunan ay matinding gulat ang hinatid nito sa lahat ng mga naroon.

"Edi aaminin ko na....ginawa ko nga ang sunog," pagtatapat nito sa lahat. At mula sa kunwa'y tumatangging turan ay nagbago na lang ito bigla at sa pananalita'y parang wala lamang dito ang ginawa. Kulang na lang ay sabihan siya nito na: 'Eh, ano ngayon kung ginawa ko nga?'

Walang bakas ng pagsisisi sa mukha ni Charles. Samantalang purong pagkagulat naman ang makikita sa mukha ng mga nalalabing tao na naroon. Especially Ben. Ngayon lang ay may napaamin si Eve....ulit.

Parang tulad lang noon sa kanya, kay Derby at sa iba pang kinompronta na nito.

"You.." napatayong muli si Simon ngunit bago pa ito may gawin ay ito naman ang hinarap ni Eve.

"You really are impulsive and short-tempered, hmm...sir Oroso," aniya rito. "Hindi kaaya-aya para sa isang professional teacher."

Sa ikalawang pagkakataon ay napatigil uli ang guro. Hindi direktang nakikita ni Ben ang mukha ni Eve, ngunit alam niya ang babalang hatid ng tingin nito kay Simon, maging kay Charles kanina. It's been a while since he saw that frightening trait of hers. Wala sa sariling napangiti na naman siya. Samantala, kasabay ng pagbalik ng upo ni Simon sa upuan nito ang pagharap muli ni Eve kay Charles na mula nang umamin ay naging maangas na.

"Alam mo na ang susunod kong tanong, de Jesus," aniya sa kaswal na tinig. "Bakit mo iyon ginawa?"

Nakatitig lamang si Charles sa kanya. She could see confusion, worry, fear...and a hint of hope.

"Please...tell us, Charles," sandali namang napatingin ang lahat sa head ng faculty nang bigla itong sumabad ng pakiusap sa binatilyo. Patagong pinagtagis nito ang mga ngipin sa galit saka tinapunan ng matalim na tingin ang gurong si Simon.

"Dahil demonyo ang isang iyan." Isang nakakagulat at mabigat na pasaring ang binitawan ni Charles mismo sa mukha ni Simon na nagbigay ng sandaling katatawanan kay Eve. Kaya ngayon ay sa kanya naman napatingin ang lahat.

"Well, it seems that you're in wrath over your teacher, de Jesus. What's the reason behind that?"

Iritadong umirap ito mula sa guro patungo sa kanya. "Dahil sa ginawa niya sa girlfriend ko."

Another mystery's about to be unvieled before Eve's eyes. It's getting interesting...at least for her.

Humalukipkip siya saka muling nagtanong sa binatilyo: "And what is it that he did to your girlfriend?"

Bigla itong napahampas sa armrest ng upuan nitong gamit. "Hindi ba obvious, miss Eve? That bastard! He...he.." nanliit ang tingin niya rito nang tila bigla itong nag-alinlangan na magsalita. Ngunit hinintay niya pa rin ang mga sasabihin nito. Kalauna'y napayuko ito.

"He raped her," bulong nito na hindi agad nila narinig.

"Ano iyon?" Napatanong ang faculty head na katabi lang nito.

"Ni-rape niya ang girlfriend ko!"

From there, complete shock overwhelmed the whole room.

"Kalokohan," salungat naman ni Simon kay Charles sabay napahampas din sa kandungan nito.

"Totoo ang sinasabi ko," sagot uli ni Charles. "He raped my girlfriend, miss Eve. Dito mismo sa Manscaster!"

"At saang planeta mo naman narinig ang walang kwentang kasinungalingang iyan, ha?"

"Hindi iyon kasinungalingan, ser!"

"That's absurd!"

"Hold it!" Parehong natahimik ang dalawa sa saway na iyon ng head disciplinarian. Pareho namang natahimik ang mga ito.

"Mabigat ang akusasyong binibintang mo sa kanya, de Jesus. Kaya mo ba iyong patunayan?" Tanong naman ng Principal kay Charles. Doon ay napayuko ang binatilyo.

"Wala po akong anumang maipapakitang ebidensya, sir. Pero, martes ng gabi noong nakaraang linggo, tumawag sa 'kin ang girlfriend ko. Takot na takot at umiiyak siya dahil may humahabol daw sa kanya. Ngunit bago pa ako makapagtanong ng kahit na ano sa kanya'y bigla na lang naputol ang linya. Kaya hinanap ko siya buong gabi. Ngunit bigo ako.

"Nang sumunod na araw ay hindi siya pumasok, maging si sir Oroso ay hindi rin pumasok. Pinasya kong umabsent at pumunta sa bahay nila. At doon ko nalaman..." Kumislap ang mga mata ni Charles kasabay ng unti-unting paggaralgal ng boses nito habang nagku-kuwento. "Na binaboy siya ng g*@ong iyan!" Biglang tumayo si Charles at akmang susugurin na sana ng suntok si Simon nang pigilan ito ni Eve. Maging si Ben at ang head disciplinarian ay tumulong sa pagpapakalma sa binatilyo.

"Nababaliw ka na, de Jesus. Hindi ko magagawa ang sinasabi mo," mariing salungat naman ng guro sa galit na si Charles.

"Kalma muna, loverboy." Tuon ang tinging utos ni Eve kay Charles na hawak-hawak ni Ben sa parehong braso. At dahil sa tingin niyang iyon ay tumalima rin ito at bumalik ng upo. Maging si Ben at ang head disciplinarian ay bumalik na rin sa kani-kanilang puwesto.

Pagkuwa'y muling nagsalita si Eve. "Kanina'y nakipag-usap si Ben sa mga estudyante mo, mister Oroso. Baka magulat ka sa sasabihin nila tungkol sa 'yo," aniya saka bumaling kay Ben.

"Tell them what you've heard about their teacher."

*~*~*~*~*~*~*

His Little Miss Detective: 3-Day Case Files (On-going)Where stories live. Discover now