"Gutom ka na?" Tanong niya bigla. Napataas naman ako ng kilay atsaka sumagot.

"Yeah."

Kaya andito kami ngayon sa isang fast food chain, malamang kumakain. SILENCE. Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor yung madidinig mula sa mesa namin, e sa walang bumabasag ng katahimikan eh.

"Margarette," At hindi yata siya nakatiis.

"Yeah?"

"Would you mind if.... If...." Nagdadalawang isip pa yata siya kung itutuloy niya yung sasabihin niya.

"Uh... nevermind."

"What was that?" Tumingin siya sakin na parang nagtatanong kung okay lang bang ituloy niya yung sasabihin niya so I nod.

"If I ask about what happen between you and.... Lucy?"

Natahimik ako sa sinabi niya, sa totoo lang ayoko na munang pag-usapan yun, hindi pa ako move-on eh masakit pa din.

"Anthony, sorry pero ayoko munang pag-usapan yon."

"That's okay. Hmm sor--"

"Uwi na ako." Hindi siya agad nakareact nung tumayo na ako, hinabol niya ako sa labas at ng-offer na ihatid na ako but I refused, gaya ng sinabi ko ayokong may nakakaalam kung san ako nakatira kaya nag commute na lang ako. Syempre taxi.

Saturday na. At gaya nung sinabi samin nung organizer nung event or contest na sinalihan namin may photo shoot kami ngayon, at ako? Heto nakahiga pa din. 8:00am ang photo shoot, and 5:00am pa lang. Maaga pa naman. Ang aga ko ba magising? Oh well di talaga ako kusang nagising, tinawagan lang ako ng best friend ko from states and said na malapit na siyng umuwi, I asked kung kelan ang sagot lang niya eh soon tsaka niya ako binabaan ng phone (._.)7

7:00am na, paalis na din ako ng bahay nung magring yung phone ko so I answer the phone call.

"Margarette."

"Yeah?"

"Where are you?"

"Coming, paalis na ng bahay."

"Okay, I'll wait you here in front of the venue." After he said that he hung up na.

Taray naming mag-usap ano? So ayun gaya ng sinabi ko pumunta na ako sa venue kung saan daw kami magpho-photo shoot. Malayo pa lang ako tanaw ko na siya na nakatayo habang tingin ng tingin sa watch niya, nainip ata.

Oh well sino ba naman kasing nagsabing antayin niya ako diba? Nag-park ako dun sa tabi ng sasakyan ng kung sino man, pero ang ganda ng kotse niya in fairness, tumingin muna ako saglit sa salamin. Glossy lips check. Eye glasses, check. Ngumiti ako at tiningnan yung ngipn kong may braces. Kulay black ito ngayon oh well I love black. Simplicity is beauty.

Bumaba na ako ng sasakyan at nilapitan si Anthony na hindi man lang ako tinipunan ng tinging nagandahan siya sakin ngayon, aba't! Nakasuot siya ng plain white v-neck shirt and simple pants.

"Ang tagal mo, 7:45 na oh." Ang sungit. Problema nito?

"8:00 ang usapan, at sino bang nagsabi sayong antayin mo ako?" Sabi ko at nagpatiunang maglakad.

"Paano tayo mananalo kung hindi naman tayo mukhang sweet?" Ano daw? Haller photo shoot pa lang to at hindi pa kami rarampa! Duh!

"And bakit natin kailangan maging sweet?" Tanong ko nung katabi ko na siyang naglalakad, pinagtitinginan kami in fairness.

"Nadinig ko kasi kanina na nag-uusapyung mga staff ata ewan kung ano yon basta sabi nila dagdag points daw kung kahit off cam eh sweet ng mag-partner." Sabi niya habang nakangiti, ba't nakangiti 'to? Nang-aasar ba siya?

"Oh well wala akong pake."

"Psh, sungit talaga."

"Narinig ko yon ah!"

"Ang alin?" Painosente! Pwe. Inirapan ko na lang siya at tuloy-tuloy na naglakad at siya naman tinawanan lang ako. Psh.

"Ladies and gentlemen! Come here. Malapit ng mag-eight and we're about to start." Sabi nung lalaking may hawak ng camera, gwapo siya ah! Pero hindi ako interesado.

"So sino pa ba ang--- oh buti naman at andito na kayo!" napatingin naman kami doon satiningnan niya at nakipag-apiran naman 'tong si Luhan dito kay Anthony, he's with lisa. Nginitian niya ako at ngumiti ako pabalik. Kahit papaano naman ay mabait pa din ako no. So sila pala yung dalawang paVIP noon? So sino yung dalawa pa?

"Silang dalawa na lang ang kulang at magi-start na talaga tayo, asan na ba kasi sila?" Mukhang naiinis na siya, sino ba kasi yung dalawang paVIP na yon?

"Sirrrrrrr! Sorryyy we're late!" Nakangiting bati ng isang babae habang papalapit sa amin. The hell, bakit siya pa!? Agad akong tumalikod para di niya ako mapansin. Pakingsyet men.

"Oh, Lucy! Asan si Jake?"

"I'm here sir! Sorry po nalate kami, hehe." Sabi ni Jake habang nagkakamot ng ulo. Oh no. Not now please.

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now