Pagkatapos kung ihatid si Patty sa airport dumiretso na ako sa grocery store. Wala na rin kasi akung makakain.

Day off ko rin naman at wala rin akung pupuntahan. Ano kaya kung umuwi na lang ako sa Pilipinas. Dun na lang kaya ako magtrabaho?

Pero trabaho ba hanap ko?

Tumigil ka nga Sophia!

Dito ka lang. Okay na ang buhay mo dito, alam mo naman kung gaano kahirap ang buhay sa PIlipinas.

Kumuha ako ng jar ng mayo sa isang stall. Para to sa tinapay, teka, magkano ba to?

Alam mo pag di mo tinitingnan ang presyo ng pinamimili mo dito, naku! Siguradong makukulang pera mo.

Nilapitan ko yung babae na namimili rin, matanung nga kung magkano to.

"Miss, do you speak english?" tap ko sa likod ng babae. Humarap siya sakin tapo--

Tinitigan niya rin ako, kilala niya ako. Of course! nagkita na kami.

Bakit siya nandito?

"Sophia? Sophia right?" Kilala niya nga ako.

Anung gagawin ko? Tatakbo?

"Hey it's me... Bea, do you remember me?" tanung niya sa'kin. Of course I remember you! Asawa ka ni Ethan...paano ko naman di makakalimutan.

"Aahh...Oo.." ngiti ko. Tiningnan ko ang tiyan niya TT___TT she's pregnant. Magkakaanak na sila ni Ethan. Hindi pa naman ganun kalaki, siguro yung pagaalis ko lang, buntis na siguro yun si Bea nung umalis ako sa Pilipinas.

"Andito ka lang pala sa Paris. My gosh! Everyone is looking for you in the Philippines..." looking for me?

"Ha? Ba-bakit?" HALA! Yung kontrata sa black market, yung warranty! Baka..baka...nalaman nilang umalis ako. Baka hinahanap na nila ako. Ano ng gagawin ko?

Pero, pero si Ethan naman ang nagpaalis sa'kin, kaya dapat alam nila.

"So you don't know?" ano bang problema ng babaeng to? Ano pa bang pwede kung malaman?

"Ano ba yun?" Sophia! asawa pa rin siya ni Ethan. Remember!

"Ethan is looking for you!" Si Ethan? Parang lumukso na lang bigla ang puso ko. Hindi ko alam kung sa tuwa o sa pagkabigla.

Paano niya nasasabi yan?

Hindi ba siya naiilang na hinahanap ako ng asawa niya?

"A-ano?" mukha na akung bobo pero tama ba ang narinig ko?

"Hinahanap ka ni Ethan! Hindi mo rin ba alam ang nangyari kay Sheena?" Kay Sheena?

Tumahimik lang ako. Si Sheena? May nangyari kay Sheena?

Wala na akung balita sa kanila simula nung tumakas ako dun sa apartment na binigay sakin ni Sheena. Kaya paano ko malalaman?

"Hay naku Sophia! Tara, samahan mo muna ako." sa sobrang absorbed ko sa pagiisip, nagpahatak na lang ako kay Bea. Ano bang gagawin ko? I Je-jet Li ko siya? Eh buntis...

Baka...baka mapano pa ang anak nila.

Bakit ako hinahanap ni Ethan?

Sumunod-sunod lang ako kay Bea, hawak niya ang kamay ko habang palabas kami sa grocery. Naglakad sa daan, kasalubong ang mga tao dito sa France.

Naging malayo na nga ako sa dati kung buhay.

Pero hindi nagbago.

Malayo lang.

Kahit anung gusto kung takasan ang nakaraan, eto pa rin, ako ata mismo ang hina-hunting eh.

Badtrip lang sayo Sophia.

"Now sit down." napatingin ako sa upuan. Andito pala kami sa isang cafe. Yung outdoor type.

Napaupo na lang ako at may lumapit samin na waiter.

Nagorder na siya. Ewan, wala akung pakialam.

Gusto ko lang malaman kung ano na bang nangyayari. At wag siyang magkakamali na ikwento ang buhay nila ni Ethan. Kasi magwa-walk out ako!

"It's been long since I've seen you Sophia." tinitigan ko lang si Bea. Hindi rin ako makapaniwala na dito ko pa siya makikita. Buntis, masaya at may asawa.

"Oo nga..." I said.

"Nasa rehab ngayon si Sheena alam mo ba?" Si Sheena?

"Ha? Kelan pa?" tanung ko. Kaya pala...kaya siguro hindi siya masyado tumatawag nung nandun pa ako sa apartment, pero. "Bakit?" nag da-drugs ba siya?

"May mental illness si Sheena, akala nga namin okay na..." aahh...oo, yung nasabi sakin ni Carmina dati, pero, hanggang ngayon pa pala, sana naman di ganun kalala, "... you know she tried to kill me once, pero buti na lang naagapan. And here I am, still alive. We became friends, for the sake of tito Joaquin at kay Ethan na rin." casual niyang sinabi. Parang wala lang.

"Wala na akung pakialam sa mundo nila Bea, I'm sorry to be rude pero matagal ko ng iniwan yun" seryoso kung sabi. Kung ganun nga ang nangyari kay Sheena, wala na akung magagawa. Salamat na lang sa kaniya at napadpad ako dito.

Pero okay na ako ngayon...siguro. Hindi man fully recovered pero darating ang panahon na magiging okay ako.

"She sent you here right?" Paano niya nalaman?

Hindi kaya, sinasabi ni Sheena sa kaniya lahat?

"Oo, paanong--"

"She wasn't well Sophia. Can't you see she was trying to ruin your relationship with Ethan all along?" Ano?! Ang sinasabi niya ba sa'kin yung gabing nagsinungaling siya kay Ethan?

"Oo, alam ko yun! Pero siya rin ang tumulong sakin na layuan ang sakit! Hindi ka pa ba kuntento Bea? Sayo na si Ethan! Andito na ako...Malayo na! The least you can do is to leave me alone! Take care of that baby!" sigaw ko, hindi ko na inintindi ang mga tao sa paligid, alam ko namang wala rin silang pakialam. Napayuko na lang ako sa sobrang frustration. Napatahimik ko siya.

"You really don't know anything, do you?" tahimik na sabi niya. Ano pa bang kailangan niya???

Tiningnan ko siya.

"I got married six months ago, I got pregnant. We moved here in Paris para malayo sa mata ng media. And yes, we love each other. But no, it's not Ethan." ngumiti siya sakin. Ano? Ano bang nangyayari?

"Kung ano mang kabaliwan ang sinabi ni Sheena sayo that caused you to go away, well, hindi yun totoo. In fact, Ethan is looking for you. Nababaliw na rin ata." hindi ko alam ang sasabihin ko. Totoo ba to?

"H-ha?" Anung sasabihin ko? Shit!

"Ethan called me last night. Sinabi niya sa'kin na nawawala ka nga, I told him na sasabihin ko kung makikita kita. Pero I didn't expect na makikita nga kita dito. Must be serendipity." ngumiti na naman siya. Sophia! Ano na?

Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo Sophia!

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Sheena.

Hindi ko alam kung uuwi na ba ako ng Pilipinas.

Hindi ko alam!

"Mahal mo naman si Ethan diba?" :| mahal ko nga ba siya?

Sa tagal ko dito.

Sa tagal kung tumira dito ng wala siya, hindi ko alam.

Hindi na ako sigurado.

Oo, naiisip ko siya. Palagi. Dinadasal ko na sana nandito siya, pero sa sobrang asa na ganun nga.

Parang biglang nag sara ang puso ko.

Hindi ko na alam.

"Mahal mo naman si Ethan. Diba Sophia?" tinanung ulit ako ni Bea. Hinawakan niya ako sa kamay.

Ngayon ko lang naramdaman at naisip. Na sa tagal ng panahon na nawala kami sa isa't-isa, ngayon ko lang narealize na hindi na ako sigurado.

Hindi na ako sigurado.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now