Foolish Heart

1.6K 21 9
  • Dedicated to Lhorvanie Gavaran
                                    

~FOOLISH HEART

Written by: WhoCaresWithYouBaby

--

Ang pangit pala mabuhay sa mundo pag hindi ka kagandahan.

Lagi ka nalang nila kukutyain.

Lagi kang lalaitin.

Ipaparamdam nila sayo na hindi ka nababagay sa mundo na ito.

Para kang galing sa ibang planeta kung husgahan ka nila.

Tao din naman ako. Lahat ng mga naririnig ko galing sakanila ay tumatagos sa puso ko.

Isa akong simpleng babae.

Lahat ng ginagawa ng normal na tao ay ginagawa ko din.

Umiinom ng tubig,

kumakain,

tumatae,

umiihi,

tumatawa,

umiiyak,

umiibig at nasasaktan.

Pero bakit hindi ko nararamdaman na kabilang din ako sakanila?

Isa akong simpleng babae.

May simpleng pangarap.

Ang gusto ko lang ay maramdaman na meron din saking nag mamahal.

Meron akong mahal.

Isa siyang walang pusong lalaki.

siguro may puso siya pero kalahati lang ang gumagana kasi yung kalahati bulok na. tapos yung kalahati naman, para lang sa sarili lang niya.

Hindi ko alam kung papaano at kung bakit ko siya nagustuhan.

Ampangit ng ugali niya, makasarili, feeling gwapo, mayabang, magaling pag dating sa laitan, at kung anu-ano pa!

Pero, kahit ganun ay MAHAL KO SIYA. At kahit napaka itim ng budhi niya, ay patuloy ko padin siyang mamahalin.

--

TANGA MUCH?

Foolish Heart (Completed)Where stories live. Discover now