Paulit-ulit siyang sinusuntok nung lalaki. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Gago ka talaga! Wala kang kwenta. Hindi ka bagay maging ama! Lalo na maging asawa!"

Sobrang may pinanggagalingan yung galit nung lalaki. Hindi pa lang masyadong klaro sa akin ang nagaganap.

Tumigil lang yung lalaki nung may dumating na mga security. Okay pasensya na nilamon ako ng takot ko. Huhu.

"Hoy Miller! Ayusin mo buhay mo! Sabihin mo kung di mo kaya buhayin mag-ina ko! Hayop ka!" Hindi ko alam kung saan ako unang magrereact sa lalaking mukhang rapist, sa pagkakasuntok kay Cyron o sa mga narinig ko.

"Okay ka lang? Putek malamang hindi." inalalayan ko siya para makaupo. "Ang tanga mo naman bakit hindi ka lumaban!" nakakaasar eh.

Tinext ko si Jizika para umuna na lang sila at bumili ako ng betadine at kung anik-anik sa may drugstore sa baba ng condo para magamot ko si Cyron.

"Nakita mo ko sa ganitong sitwasyon. Pasensya na Ysh. Ha-ha." pinilit niya tumawa. Para saan? Shunga-shunga talaga tong lalaking to.

"Siraulo ano ka ba may pinagsamahan naman tayo. Pero naguluhan ako sa sinasabi nung lalaki kanina." natawa lang siya sa sinabi ko "Wag ka tumawa kailangan ko ng sagot." sabi ko sa kanya habang ginagamot yung mga sugat niya.

"Hindi ko anak yung baby kanina." Hindi ko alam anong dapat ko ireact. Magalit ba ko? Dagdagan ko ba sugat ng gagong to?

"Sinundan ako ni Steph nung nagpunta ako ng Italy. Buntis na siya nun." pinapakinggan ko lang bawat sinasabi ni Cyron "Alam ng nasa taas Ysh na ni minsan hindi ko ginalaw si Steph kahit maghubad pa siya sa harap ko bihisan ko pa siya." TALAGA LANG HA? TALAGA LANG?

So all this time palabas lang ang lahat? "Naawa ako sa batang dinadala niya. Gusto niyang ipalaglag kapag hindi ko pinanagutan. Ayokong ipagkait sa bata na makita tong mundo, na mabuhay siya."

Konti na lang iiyak na naman ako. Ano ba to wala ng araw ata na hindi ako umiyak "Ysh hindi ko niloko si Saab never. Simula't-simula pa lang minahal ko na si Saab alam mo yan."

Lalo akong naawa sa kanya. "Naging mahina lang ako dahil hanggang ngayon hindi ko masabi kay Saab. Hindi ko alam paano sabihin sa kanya lalo na ngayon wala siyang maalala." niyakap ko si Cyron huhubells may makakita man wala akong pakialam dahil never ko siyang pinagnasahan.

"Ayokong ipaalala kay Saab na sinaktan ko siya kasi nagsinungaling ako sa kanya. Hindi ako naging honest sa kanya. Hindi ako mabuting asawa sa kanya." umiyak na rin si Cyron.

Bihirang-bihira sa lalaki ang umiiyak pero hindi yun tatak na mahina sila kundi matapang pa nga sila kasi nailalabas nila saloobin nila.

"Araw-araw pumupunta dito yung tatay nung bata pero hindi siya nakakaakyat. Ayaw siya paakyatin ni Steph kaya tuwing umaga at hapon ganun set up namin ilalabas ko dito yung bata para makita niya." kawawa din yung totoong tatay ng bata.

Nung mag sink in sakin yung mga pangyayari saka ako nakapagsalita "Ipaglaban mo si Saab Cyron. Kung talagang mahal mo siya. Aminin mo sa kanya yung totoo."

Cyron kahit ikaw na lang gumawa ng mga bagay na hindi ko kayang gawin. "Para kay Saab Cyron maging matapang ka, maging malakas ka." Wag mo kong gayahin dahil ako mahina ako sobrang mahina ako.

-

Pasado alas nuebe na nung matapos kami sa masinsinang usapan namin ni Cyron. Ay grabe iyakan naming dalawa.

"Una na ko Cyron  gabi na rin." paalam ko sa kanya.

"Hatid na kita." offer niya.

"Naku hindi na ano ba malaki na ko kaya ko na sarili ko. Basta ha si Saab alagaan mo."

"Parang di ka na babalik ah." sabi niya sakin.

"Siguro. Ewan. Bahala na." pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya.

Pumara na ko ng taxi pero bago ako pumasok sa taxi ginawa ko yung pinaka purpose ng pakikipagkita ko sa kanya. Di ko na dapat gagawin yun pero parang kusa na lang yung kamay ko. Hehehe. Sorry not sorry.

*PAK*

"Isa na lang ha. Para kay Saab yan. Para yan matauhan ka. Ay nako Cyron utang na loob gawin mo yung mga hindi ko nagawa. Ipaglaban mo si Saab UTANG NA LOOB!" napahawak siya sa pisngi niya na sinampal ko.

Hindi ko na nga nilakasan kasi gulpi sarado na siya dun sa lalaki kanina.

Tumawa siya bago magsalita "Alam mo bang kanina ko pa yan iniintay. Salamat Ysh. Di bale pag naging okay na kami ni Saab papadala ko agad sa'yo picture namin. Buong pamilya."

Matapos yun sumakay na ko sa taxi at tuluyang umuwi. Nakakagaan ng loob kahit di ko masulusyunan problema ko nakatulong naman ako sa ibang tao.

Atleast sakin malinaw na kung anong nangyayari. Sana magkaayos na sila ni Saab.

Pagdating ko sa Hotel na tinutuluyan namin ni Andrei nag-aayos na siya ng mga gamit. Damn France wait for me. We'll be there soon. See you France! :3

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Where stories live. Discover now