Chapter 19: New member of the family?

164 3 4
                                    

Saab's POV

It's been 8 and a half months already. Malapit na ko manganak. Hihihi. Konting-konti na lang. Hindi ko akalain na masusurvive ko. Akalain mong nakayanan ko yun.

"Jai! Pasuyo naman ng unan please." - Ako.

"Wow Saab buntis ka lang hindi ka bedridden o kung ano man." reklamo ni Jairo.

Ilang buwan ko na ding kasa-kasama tong si Jairo at bute siya hindi nagsawa sakin. Hindi siya napagod sakin.

"Sorry Jai for dragging you into this situation. Salamat sa pagtatyaga. Di bale konti na lang titiisin mo. Konti na lang talaga." - Ako.

*pok* (A/N: binatukan)

"Ikaw ang drama mo masyado. Kusang loob ko tong ginawa. Wala akong hiniling na kapalit dito. Wag mo ko dramahan dyan. Ginusto ko to no. Gusto kitang tulungan at hindi ko yun pinapasuklian sa'yo." he explained.

Sana si Jairo na lang. Sana hindi na lang si Airo.

"Wag ka ng malungkot Saaby! Laking pagsisisi nung ugok na yun dahil iniwan ka niya. Yaan mo na yun okay? Ini-stress mo sarili mo diba sabi nga ng doctor apektado yang baby mo?"

Oo nga pala. Ayoko na talagang maging makasarili kailangan ko ring isipin yung magiging ba--

"Aray ko. Shit Jai. Ang sakit!" - Ako.

"Hala ka. Teka Saab bakit anong nangyayare? Okay ka lang?" - Jairo.

"Jai mukhang manganganak na ko! Pucha dalhin mo ko sa ospital! Tawagan mo si Carl si Bela sila lahat dali! Pucha wag mo ko basta titigan." - Ako.

Gahd anak naman nag momomentum ako bigla ka namang sumabay.

Jairo's POV

Shit. Teka ano ba to.

"Teka Saab! Ano ka ba naman! Anong gagawin ko?! Fvck! Kaya nga hindi pa ko nag-aasawa! Matatarantahin ako!" - Jairo.

"Tumawag ka ng ambuLANSYAAAAAAAA!" sumisigaw na si Saab and it's causing me to panic. More panic and panic!

"Hello emergency! Gosh may manganganak dito!" - Jairo.

Gahd I don't know what to do! Someone help me!

Bela's POV

"Tummie kaya mo yan hindi daw kasi talaga kame pwede dun sa loob. Sorry. Gustuhin ko man." paliwanag ko kay Saab.

"Oo Tummie fighting! Kaya ko to!" makapagsalita si Saab parang hindi manganganak. Akala mo sasabak lang sa quizbee.

Pero kinakabahan din ako. Dinaig ko yung manganganak. Gosh. Yung dibdib ko parang matatanggal.

"Carl nakontak mo na ba si Ysh?" tanong ko kay Carl.

Yung babae namang yun kapag isang tawag mo lang andito na agad pero ngayon missing in action. Di ko alam anong pinaggagawa nun.

"Hindi eh. Busy pa din cellphone niya." sagot ni Carl.

See? Napapadalas pagiging missing in action niyang babaeng yan di ko alam anong problema nun.

"Okay lang ba kayong dalawa?" - Ako.

"Okay naman. Kami na parang hindi. Labo din ng bestfriend niyo eh di ko na rin maintindihan. Sige lalabas muna ko. Pati ako nakikikaba sa kaba mo eh. Tawagan mo na lang ako hah. Ge" - Carl.

-_____________________-

Ysh kung kelan kailangan ba't ba wala ka!

"Myel kalma ka lang. Kaya yun ni Saab. Si Saab pa ba? Kaya niya yun mas matapang pa nga yun sa'yo." pagpapakalma sakin ni Lewis.

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon