Chapter 9: August Rush (Part 2)

359 6 0
                                    

 

Lewis’ POV

 

Lahat ng first time masaya, first kiss, first love, first girlfriend. Pero sa lahat ng first time eto lang ata ang kinatatakutan ko.

Pinagpapawisan ako ng malamig. Jusko po maryosep.

Siguro nagtataka kayo kung anong gagawin ko, eto nanliligaw.

Minsan lang kabahan ang isang Madrigal. Mas marami akong chix kesa kay Kuya pero mas duwag ako sa mga ganitong bagay. Syempre iba na to. Seryosohan na to.

Di tulad ng normal kong gawain pang-gaguhan lang.

Inaamin ko naman eh. Naging gago ako. Naging. Ibig sabihin past. Magkalinawan lang tayo. Baka isipin niyo niloloko ko si Bela. No way highway.

“Yatz nakikinig ka ba?” – Bela.

Nako po. Ayan sa sobrang kaba ko. Sorry naman. First time ko nga kasi.

“Ah ano nga ule yun?” – Ako.

Di niyo alam kung anong klaseng leon tong si Bela. Eh mas malala pa ata to kay Ysh. Ngayon ko lang napagtanto. Siguro nga kung bibigyan ako evaluation test at i-e-evaluate ko si Ysh at si Bela baka mas mataas pa yung kay Ysh.

Malubha kaya si Bela. Beyond imagination.

*FLASHBACK*

Si Carl isa’t kalahating pahamak. Kung di sana siya umalis, hindi sana ako mag-isa sa mga practices. Huuuuuuu.

Ang bakla ko na naman pero tignan niyo naman kasi forever alone ang peg ko. Rookie lang ako sa college department.

Mamaya patakbuhin din ako ng soccerfield para sa initiation rights. Oh diba ang O.A ko na mag-isip.

“Madrigal!” oh pero hanggang college department kilala ako. NAKS. Hahaha.

Ay. Akala ko kung sino. Si Zharm lang pala.

“Yes Miss Beautiful?”

“Mister Bolero gusto ko lang sabihin na merong babae dun sa gate na nag-aadik. Hinahanap ka ni Hayley ba yun? Ay hindi si Annika ata. Ah basta.”

Sabe ko dati lang po ako mahilig sa chix not now. Ayoko ng gulo pero talagang gulo na lumalapit sakin.

Tumakbo agad ako papunta sa may gate.

Eskandalosa kahit kailan si Annika.

Paglapit ko sa may gate. Andun si Bela. Maghahalo ang balat sa tinalupan.

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon