Chapter 9. "The past and future"

5.8K 291 31
                                    

Chapter 9. "The past and future"

Haru's POV

"Paanong...Alazni?"

"Oo, Haru. Nagkita na tayo sa hinaharap." Nakangiti niyang sabi sa akin. "At kapag nawala ako sa panahong ito, Haru magkikita pa tayo."

Napatulala lamang ako sa mukha nito at hindi alam ang susunod na gagawin dahil sa nalaman ko. Parang, imposible pero mayroong ibedensya. Paanong nangyayari ang mga ganitong bagay?

"Wow! Wala akong masabi. I mean, di ko alam ang sasabihin, totoo ba 'to?" tanong ko sa kanya na parang natatawa pa. Tumango lang ito sa tanong ko.

Naupo ako sa tabi niya. Tinignan pa namin ang ibang laman ng time capsule.

"Alazni, sino 'tong kasama ko sa picture? Burado naman 'yung mukha." Angal ko dito habang pinapakita sa kanya ang picture na hawak ko.

"Hindi ko pwedeng sabihin Haru. Dapat nga di ko pinakita sayo 'yan eh. Maaring magulong ang time line kapag sinabi ko pa sayo."

"Ugh, ang KJ talaga ng timeline na 'yan." Bahagya naman itong ngumiti. Pero agad din na naglaho. Napansin ko ito kaya tinanong ko siya. "May problema ba?" halatang nagulat ito sa tanong ko.

"Huh? Wala." sabi nito. Pero alam kung pilit ang ngiti nito. Minabuti kong hindi na siya kulitin pa.

"Tara na, hapon na oh. Magpahinga na tayo at bukas may tour pa tayo." Yaya ko dito.

"Sige, sandali lang at ibabaon ko muna ito."

"Akin na nga tulungan na kita." Inagaw ko sa kanya ang time capsule at ako na ang naghukay at nagbaon nito sa lupa.

Umuwi na kami pagkagaling namin sa bundok na 'yon. Habang naglalakad sa loob ng village namin. Naitanong ko sa kanya ang isang bagay na matagal ng gumugulo sa isipan ko.

"Alazni, pag tapos mo sa panahong ito, saan ka naman mapupunta?" tiningnan ko siya at nagkabanggaan ang aming tingin. Ngumiti siya at umiwas ng tingin sa akin.

"No one knows, it is a new world never seen." Seryosong sabi niya habang diretso na nakatingin sa malayo. Natahimik ako. Alam kong, nalungkot siya sa tanong ko.

"Ayaw mo na bang umalis sa panahong ito?" nagulat siya sa pangalawa kong tanong sa kanya. Pero hindi siya agad na nakasagot at natulala lang sa akin habang namimilog ang mga at bakas ang panghihinayang at kalungkutan.

"Hindi. Hindi ko alam." Maikling sagot niya at napayuko na lamang.

Alazni's POV

"Alazni, pag tapos mo sa panahong ito, saan ka naman mapupunta?" napatingin ako sa biglaang tanong niya. Hindi ko alam ang sagot, pero biglang bumilis ang kaba sa puso ko. Iniwas ko ang tingin dito at diretsong tumingin sa nilalakaran ko.

"No one knows, it is a new world, never seen." Naging seryoso ang pagbitaw ko sa mga salitang, maraming beses ko ng nasabi sa ibat-ibang tao. At tuwing sasabihin ko ang mga salitang ito, kasunod na ang nalalapit na pagkawala ko sa panahong ito.

Biglang tumahimik si Haru. Alam kong napansin niya ang naging reaksyon ko. At kung iibahin ko naman ang usapan. Magmumukha lamang akong guilty.

"Ayaw mo na bang umalis sa panahong ito?" muli akong nagulat sa tinanong niya. Mas bumilis ang kaba at sumikip ang dibdib ko ng itanong niya ito. Hindi ko alam ang sasabihin. Nagtatalo ang puso at isipan ko sa mga nais ko.

"Hindi. Hindi ko alam."

Nang makauwi kami. Inayos ko na ang mga dadalhin namin bukas ni Haru para doon sa tour na sinasabi niya. Sinabihan niya akong matulog na agad pero, hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang mga bagay na maaaring mangyari bukas.

Sleeping ButterflyWhere stories live. Discover now