Chapter 7. "Melody of the heart"

5.5K 279 38
                                    

Chapter 7. "Melody of the heart"

Haru's POV

"Tama na!" isang malakas na sigaw ang narinig ko. Napatakip ako ng tainga at napapikit dahil din sa isang liwanag. Naramdaman kong may humawak sa braso ko, pag tingin ko rito, si Alazni. Nagliliwanag siya. Nakangiti pero pansin ko ang butil ng luha sa gilid ng mga mata niya sa pagitan ng mahinang paghikbi niya. Napapikit na lamang ako nang bigla niya akong yakapin.

Pag mulat ko, nasa tapat na kami ng bahay namin. Mabilis ang paghinga ko at hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan ko. Kahit na sa pangalawang pagkakataon na itong nangyari. Napatingin ako rito at nakita ko siyang umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" umiling lang siya sa tanonga ko. "Bakit nga? May ginawa ba sayo yung mga gagong 'yon?" hinawakan ko na siya sa magkabilang balikat niya habang nakaharap sa akin. Hind siya sumagot pero bigla niya ako niyakap.

Nanglaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Ramdam ko ang paghagulgol niya at ang paghinga niya, ganoon na rin ang init ng katawan niya habang nakayakap sa akin. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, habang patuloy lang siya sa pagiyak at hindi nagsasalita tungkol sa nararamdaman niya. Nang mga oras na iyon, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, aminado akong nag-aalala ako sa kanya, pero ang bilis ng tibok ng puso ko ay may iba pang sinasabi bukod sa pag-aalala ko sa kanya.

Tinapik tapik ko na lang ang likod niya para patahanin siya. Hindi ko alam kung paano mag-comfort ng isang tao. Pero, ayaw ko ang pakiramdam na may umiiyak sa harap ko. Naaalala ko ang sarili ko noong iwan ako ng nanay ko. Ayaw ko. Ayaw ko ng ganito.

Kinabukasan. Maaga akong nagising, Sabado ngayon, wala pang gising ng oras na ito dahil mag-aala-sais pa lang ng umaga. Pumunta ako ng kusina at nagluto na ako ng breakfast. Oo marunong naman akong magluto. Siguro tamad lang ako.

Habang nagluluto, naalala ko ang nangyari kagabi. Naalala ko ang mukha niya, kung paano siya umiyak sa yakap ko. Napabuntong hininga na lang ako at inayos na ang dining table.

"Wow, what's that smell? Hmm, Aling Pas—" hindi na natuloy ni Dad ang sasabihin niya nang makita niya ako. "Anak?" gulat na tanong niya.

"Yes Dad? Come on, let's eat. Gigisingin ko lang si Alazni. Isabay na rin natin si Aling Pasing, pakigising na rin." Masigla kong sabi ko kay Dad. Hindi naman ito makapaniwala at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Maging ako, naguguluhan sa ginagawa ko. Pero I have this urge na gusto ko ang ginagawa kong 'to. For her, for Alazni.

Siguro nasanay lang sila na makita ang Haru na masama ang ugali, na palaging sumisigaw, na palaging mainit ang ulo. Pero hindi ako ganon, I just covering myself in pain. Sa ganoong paraan kahit paano ay nararamdaman kong hindi ako masasaktan ng kahit sino.

Umakyat na ako sa kwarto ni Alazni. Kumatok ako pero walang sumasagot. Kumatok ako ulit at napansin kong, bukas ang pinto at hindi naka-lock. Hinawakan ko ang door knob at dahan dahan na binuksan ang pinto.

Nakita ko siyang nakahiga pa sa kama. Nakasara pa ang kurtina kaya naman binuksan ko ito. Pagtingin ko dito, nakita ko ang mala-anghel niyang mukha. Napaka-payapa niyang matulog. Parang walang iniindang problema. Muling pumasok sa isip ko ang hitsura niya kagabi. Noong umiiyak siya.

Naupo ako sa tabi ng kama niya. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko alam, pero napapangisi ako habang pinapanuod siya matulog. Para siyang baby kung matulog, ang payapa pagmasdan.

"Ano bang ginagawa mo Haru. Gago ka." Natatawa kong tugon sa sarili ko. "Alazni, gising na!" sabi ko dito pero hindi siya umiimik. "Uy, Alazni, gising na!" niyugyog ko na ito.

Sleeping ButterflyWhere stories live. Discover now