Chapter 1. "A way to fantasy"

17.5K 415 83
                                    

Chapter 1. "A way to fantasy"

Haru's POV

Nanglilisik ang aking mga mata habang diretsong tinitignan ang lalaking kasama niya. Nakakuyom ang aking dalawang kamao dahil sa inis at gigil. Maingay dito sa park kung nasaan kami pero parang wala akong marinig kundi ang galit ng isip at puso ko.

"Mga hayop." Mariin kong sabi. Nagtago naman sa likod niya ang girlfriend ko. Matapang ang isang 'to. Napaling naman ang tingin ko kay Gayle at iniwas niya lamang ang kanyang tingin sa akin.

Muling bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari sa akin dati. Ang buong akala ko iba siya sa ibang babae, akala ko hindi siya katulad ng babaeng 'yon. Pero nagkamali na naman ako. Hindi ko akalain na sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, maloloko na naman ako. Nakakasawa. Pare-pareho silang lahat, mga walang kwentang babae.

Marahan akong naglakad palapit sa kanila habang masamang nakatingin kay Gayle ngunit kagaya kanina ay hindi niya pa rin makuhang tingnan ako. Paglapit ko sa kanila ay hinawakan ko ang braso ni Gayle at hinila mula sa likod ng lalaking kasama niya na kanina ay nakita kong kahalikan niya.

"Haru nasasaktan ako." Daing niya at pilit na kumakalas sa pagkakahawak ko. Hindi ko naman siya pinansin at hinila na palayo pero natigilan ako nang maramdaman kong may humila sa kanya.

Pagtingin ko ay hawak na ng lalaking kasama niya kanina ang isa niyang braso. Pinanlisikan ko siya ng mata nang magtama ang mga tingin naming pero gumanti lang din siya ng tingin.

"Let her go!" Sigaw ng kumag sa akin. Napangisi ako sa ginawa niya at tsaka sinamaan ng tingin.

Hinila ko ng malakas si Gayle mula sa kanya dahilan para mabitawan niya ito. Inilayo ko siya Gayle sa lalaking kumag na 'to at tsaka kwinelyuhan.

"Ako bang inuutusan mo?" Nanggigil kong sabi sa kanya at tsaka siya sinapak ng malakas sa mukha. Bumulusok siya sa semento rito sa park sa lakas ng suntok ko. Pinagtinginan na kami ng mga tao rito sa park dahil sa pagsapak ko sa mokong.

Susugod pa sana ako nang biglang humarang si Gayle sa daanan ko. "Tama na Haru!" Naiiyak niyang sabi.

"Hindi pa ako tapos sa gagong 'to." Hinawi ko siya sa dadanan ko at tsaka tumuloy sa paglalakad papunta sa lalaki niya. Akmang sisipain ko ang lalaking nang biglang sumigaw si Gayle dahilan para mapahinto ako.

"Tama na Haru!" Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pagluha niya. Umiiyak siya para sa lalaking 'to? Ugh! She's so hopeless.

Hindi ko na siya pinansin at sinipa ang lalaki sa sikmura niya. Hindi pa ako tapos at hinawakan sa buhok ang lalaki at hinarap ang duguan niyang mukha sa akin.

"Gago ka, ako pang sinulutan mo." Mariin kong sabi. Bibigyan ko na sana ng isang malakas na suntok ang lalaki nang biglang sumigaw si Gayle kasabay ng paghagulgol niya.

"Tama na Haru! Ayoko na nga sayo! Hindi na kita mahal!" Nagpanting ang tainga ko at nanlaki ang mga mata sa narinig. Sumikip ang dibdib ko sa narinig kong sinabi niya. Katulad noong naramdaman ko dati noong iniwan niya ako.

Dahan-dahan kong hinarap si Gayle. Patuloy pa rin siyang umiiyak. Pero bakit siya umiiyak? Dahil ba sa sinaktan ko ang ungas na 'to o dahil sa sinabi niyang hindi niya na ako mahal?

Natulala na lang ako sa kanya habang masama siyang nakatitig sa akin. Iniwas niya ang tingin at tsaka tumakbo papunta sa lalaking ginulpi ko, sinundan ko siya ng tingin. Bakit parang nasasaktan ako. Mali. Talagang nasasaktan ako. Nasasaktan akong makitang nagaalala siya sa ibang tao. Nasasaktan akong makitang galit siya sa akin. Nilapitan ko si Gayle.

Sleeping ButterflyWhere stories live. Discover now