Chapter 8. "Overlap harmonies"

5.7K 277 25
                                    

Chapter 8. "Overlap harmonies"

Haru's POV

"Tara na, okay na ba ang mga nabili mo?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Yup!" tumango naman siya at tumawa. Hay nako, kahit na sungitan ko siya, ngingiti pa rin siya. At siguro, 'yon ang isa sa mga dahilan kaya ko siya nagustuhan.

Huwebes na. Bukas na ang tour namin sa school. This past few days, mas lalo akong napalapit sa babaeng takas sa mental na 'to. Unexplainable, I don't know how, but it's really happened. Mabilis man ang mga pangyayari, pero masasabi kong. Nagbago ako ng dahil sa kanya. Ipinakita niya sa akin kung ano ba talaga ang kailangan ko, at 'yon ay ang kalinga ng isang babae. Hindi ko alam, simula noong niyakap niya ako at nakita ko siyang umiiyak. May kung ano sa puso ko na nagsasabing, gusto ko siya. At sana si Alazni na ang babaeng mamahalin ko habang buhay, pero tuwing naiisip ko ang mga kwento niya sa akin tungkol sa mga nangyari sa kanya, hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang kaba nab aka bukas, pagmulat ng mga mata ko, wala na siya.

"Tara na, magaayos pa tayo ng gamit para bukas." Aya ko sa kanya. Kinuha ko naman ang mga pinamili niyang pagkain at damit.

"Sige." Naglakad na kami palabas ng ng department store ng may ngiti sa labi. Nakaka-inis talaga. Yung inaakala mong taong hindi mo magugustuhan, bigla mo na lang magugustuhan. There are things in the world, that unpredictable. Hindi mo inaakala bigla na lang mangyayari. And those things na alam mong magiging masaya ka. I found my happiness to her.

Mabilis lang naman ang mag-move on, lalo na kung hindi mo deserve ang mag-suffer sa pangloloko sayo. Naaalala ko noong una ko siyang nakita. Doon ko lang naisip na, she saved me from death. Siguro kung hindi siya nahulog mula sa ibang panahon noong araw na 'yon. Malamang hindi na ako himihinga ngayon. Nakakatawa pa noong sinabi nitong wala siyang bahay, noong sinabi niyang galing siyang future. Hindi ako noon naniwala. Pero noong nag-teleport siya at niligtas ako. Doon ako naniwala. Totoo pala ang mga bagay na 'yon. Maaari palang mangyari 'yon.

Kung hindi man siya galing sa future or what. Baka siya ang guardian angel ko. She nice, she's kind, she's sweet and she's innocent like an angel. Siguro ibinaba siya rito to change and fix everything in my life. Alazni, You've changed me. Napangiti ako at napalingon dito.

"Alazn—" paglingon ko sa likod ko. Wala na siya rito. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot, tulad noong iniwan kami ni Mommy. "Alazni!" agad akong pumasok pabalik ng department store. Binalikan ko ang mga dinaanan namin kanina.

"Alazni! Where are you?" mahina kong nasasabi sa sarili ko habang iniikot ang buong department store. Hindi, hindi naman siya agad ganun kabilis mawawala hindi ba?

"No, this can't be! No!" palingon-lingon ako kung saan. "Alazni!" napaupo ako sa isang bench dito. "Nasaan ka na?" I'm wasted. Hingal na hingal na ako kakatakbo dito sa mall. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi nito.

"Hmmm, sabi ko nga sayo di ba? Hindi ako sigurado. Hmm, alam mo ba ang life span ng paro-paro?"

"Oo? Bakit?"

"Baka ganun kaikli lang."

"Hindi. Hindi. Ang bilis naman yata." Napayuko ako't naitakip sa mukha ko ang dalawang palad ko. Muli ay naalala ko ang mga sinabi niya.

"Nalulungkot ako."

"Bakit ka nalulungkot?"

"Kasi, walang katiyakan ang oras ko sa panahong ito."

Sleeping ButterflyWhere stories live. Discover now