Chapter 51: 3 feet

29.6K 1.4K 677
                                    

CHAPTER FIFTY-ONE

_

SOUTHERN BENEDICTO

Pagkatapos naming kumain ni Gab ay nagyaya ito agad na maligo sa dagat. Pumayag naman ako dahil gusto ko naring maligo. Parang gusto ko ngayong magbabad sa tubig. I want the blue ocean to erase all the negativity of my system.

I've been so stressed this past few weeks, I feel like I aged a decade since I live with the Crane, I was so stressed and occupied that I forgot the meaning of relaxation. Magandang oportunidad na rin ito para makapag-pahinga kahit saglit at para makapag-isip na rin ng mas malinaw. Kapag kasama ko kasi ang mga tokmol, parang ang kalat palagi ang utak ko lalo na nitong mga nagdaang araw na sunod-sunod na problema ang dumating sa akin.

"Wowo, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nabusog ng ganito ka-grabe! Ang saya-saya ko!"

Napatingin ako kay Gab na hinahaplos ang tiyan. Paano siya hindi mabubusog kung ito halos umubos sa in-order namin? May takot-takot pa siyang nalalaman ang takaw naman niya. Kulang na nga lang ay pati iyong plato na may disenyong alimango ay kakainin narin niya.

"Syempre, hindi ako ganito magiging masaya kung hindi dahil sa'yo," ngumiti siya ng malapad sa akin. "Salamat, South."

Hindi na napawi ang ngiti sa mga labi niya simula kanina, ang mga mata niya ay makislap pati ang araw masisilaw sakanya. He was blooming, his brightness was contaminating. Hindi ko rin tuloy maiwasang ngumiti. Ganito pala ngumiti? Nakakangawit.

"Para saan?"

"Para sa pag-sama na harapin ang kinakatakutan ko," he bit his lower lip then scratch his nape. "Because of you, I conquered my fear and most especially, thank you, because you let me stay in your side. You don't know how much you made me happy today, Wowo." His genuine gratitude melted me.

Umiwas ako kaagad nang tingin nang magsimula na namang humarumentado ang dibdib ko. Is this a sign that I have heart disease? Langya, hindi pa kasi ako nagpapa-check sa Doctor.

"Ang dami mo talagang alam. Tara na sa cottage baka hinahanap na nila tayo," rason ko at nauna na ulit maglakad pabalik sa cottage namin.

Hindi kami nakapag-paalam sa mga kasama namin kaya malamang nagtataka na ang mga 'yon kung bakit wala kami. Baka kung ano na naman ang mga iniisip nila.

Habang naglalakad ay nanigas ako nang maramdaman ang kamay ni Gab na humawak sa kamay ko. Kung hindi ko lang alam na siya iyon ay baka nabali ko na ang kamay niya. I swing my face to his side to catch him smiling wildly like he just won a precious prize. Huminto ako sa paglalakad dahilan para tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"Wowo, bakit ka tumigil?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ay tumingin ako sa kamay naming magkahawak. Pansin ko na kinagat muli nito ang ibabang labi at nahihiyang napayuko, pero hindi parin niya binitiwan ang kamay ko.

"Ngayon lang, Wowo, hayaan mo akong hawakan ko ang kamay mo. Kahit ilang minuto lang." He begged voice low almost a whisper.

'-Holding hands while walking in the seashore.'

Bigla kong naalala ang isa sa sinulat niya sa listahan niya. This is one of his goals for this day. Wala pa kami sa dalampasigan pero okay na 'to. Basta magkahawak kami ng kamay.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Where stories live. Discover now