Chapter 24: Suspect

40.7K 1.9K 763
                                    

Isaiah Crane on the multimedia box!

CHAPTER TWENTY-FOUR

_

"Date me for a week." Gusto kong matawa nang malakas. I think I just heard the most funniest word in the world. Date? What the hell?

"Nice joke," I chuckled.

Nagkasalubong ang mga kilay niya na tila nainis. Tumitig siya ng mataman sa mga mata ko kaya hindi ko na naman napigilan ang mga paniki na nagwawala sa sikmura ko. Hindi ko lang pinahalata na na-a-apektuhan ako sa simpleng titig niya.

"I'm not joking, South. Just date me for a week then I'll leave you alone after that," he bargained. Seryoso ito, malayo sa Gab na nangungulit sa akin.

Kumurap-kurap ako habang nagpo-proseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Si Condom boy, niyayaya akong makipag-date kapalit nang kalayaan ko. Why do I feel something strange inside me going berserk at that? Bigla ay gusto kong tumutol na layuan niya ako pagkatapos ng date na sinasabi niya. Hindi ko maintindihan. Bakit ko nararamdaman ito?

Tumikhim ako para matanggal ang mga weirdong nararamdaman. Hindi ako pwedeng magpa-apekto. I need to grab this opportunity for the sake of my normal student life. Kailangan ko rin itong gawin para sa mga Crane.

"Is that a deal?"

Tumango ito saka pilit na ngumiti.

"Yes. It's a deal, Wowo ko."

The insects in my stomach go wild when I heard his endearment for me. Pa-simpleng hinaplos ko ang sikmura. Mukhang kailangan kong magpatingin sa Doctor, hindi na normal itong nararamdaman ko sa sikmura. Baka may ulcer na ako.

I stared at him. His eyes were hues of the forest, surrounded with moss. The kind of color of the forest after it rains. They sparkled like bright, clear emerald lit by the flames of beauty itself. His eyes were captivating and intoxicating me with their depth. It's breathtaking.

"That's a deal then."

His eyes lit up like a fire. His mouth gaped in shock as he held both my shoulders and shook me violently.

"Makikipag-date ka talaga sa akin, Wowo?!" hindi makapaniwalang tanong nito, halos mapunit ang ngiti sa labi.

Halos maalog naman ang utak ko sa pagkakayugyog niya.

"Oo, letche! Bitawan mo na ako kung ayaw mong i-head bang kita!" banta ko, parang may mga nakikita na akong diamond star sa paligid.

"Hehe, sorry!" He let go of me, smiling like he won a lottery.

Tinuktukan ko ang noo para mawala ang hilo na nararamdaman. Peste, kapag lumuwag ang turnilyo sa utak ko malilintikan talaga sakin ang CB na ito.

"Hindi ako makapaniwalang makikipag-date ka talaga sa akin, South!" He beamed, cupping both cheeks and tiptoe like a Princess admiring her new dress.

Napailing ako. Iba din ang klase ng utak na meron ang isang ito.

"Hindi nga rin ako makapaniwala na pumayag ako," sabi ko.

"Am I too irresistible, Wowo ko?" He teased.

I tsked, glancing at my wristwatch. Tatlong minuto nalang male-late na ako. Kapag ako na-late kukumpyangin ko ang CB na ito sa pagdadaldal sa akin.

"Oo," sagot ko nang hindi inintindi ang tanong niya.

"Sobrang gwapo ko talaga, 'no?"

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Where stories live. Discover now