Kahit papano ay nabawasan ang pangungulila ko kay Nanay Abby. Mabuti pa siya nagaalala sa akin samantalang ang Mommy ko mas mahalaga sa kanya ang negosyo niya. And Dad alam ko namang kaya niya ako pinapahanap ay para sa kasal na dapat ay sa susunod na buwan na.

Nagbasa nalang ako ng kwento sa wattpad para hindi mainip. Nag update ang mga kwentong binabasa ko, paminsan minsan ay malakas ang connection ng pocket wifi ni Lala.

I'm a wide reader at hanga ako sa kakayahan ng mga writers sa watty na bigyan ng buhay ang mga characters at ang kwento mismo. Iniisip ko na napakalawak ng imagination nila para gawin yon. At bilang reader ay lubos ang paghanga ko sa kanila sa didikasyon sa pagsusulat kahit wala silang bayad na tinatangap. Masaya na sila sa simpleng vote at comment.

Napatigil ako sa pagbabasa ng dumating si Ate Icel para tulungan akong maligo at magpalit ng damit. Binalot niya ng plastic ang kaliwang paa ko para hindi mabasa ng tubig. Si Mama Beatrice naman ang naglinis at nagpalit ng benda ng sugat ko sa paa.

" Ayos ka lang ba dito Hija?" tanong ni Mama. " Gusto mo ba ay magpatawag ako ng bubuhat sayo para makababa ka?" dagdag niya pa.

" There's no need for that Ma' I'm here at ako ang bubuhat sa asawa ko." pareho kaming napatingin kay Gabriel.

Mukhang kakauwi lang nito at may butil pa ng pawis sa gilid ng noo.

" Okay Son, ang akala ko kasi ay nasa bukid ka pa. Siya maiwan ko muna kayo." lumabas na ang Mama niya ng kwarto.

" There's no way I will allow anyone to touch you." anito.

Lihim na nagdiwang ang puso ko sa sinabi niya. He's possessive..

" Ready? " tanong niya sakin. Tumango ako bilang pagsang ayon. I'm busy admiring him. Bakit tila mas gumagwapo niya sa paningin ko.

Binuhat niya na ako ulit bridal style. Nalanghap ko na naman ang mabangong amoy niya. Mabango siya kahit pinagpapawisan.

" Sa- salamat sa bulaklak kanina." tinignan niya ako at hinalikan sa noo..

" Nako Gab, yong mata sa hagdan, baka mamya mahulog mo pa yang si Ate Mariel kakatitig mo sa kanya." Si Lala na nasa baba ng hagdan at nakatingin samin.

" Tsk! Kuya Isabella! Bakit ba lagi mo nalang nakakalimutan?" napangiti ako dahil alam kong sinasadya ni Lala na asarin siya.

" Whatever KUYA!" aniya sa kapatid.

Binababa ako ni Gabriel sa wheelchair na nakaready sa may sala. Ayaw kasi nitong pumayag na magsaklay ako.

" Pinalinis ko iyong dating kwarto mo sakaling gusto mo matulog mamya, ayon na ang snacks mo para mainom mo iyong gamot mo ng 9:30." tinuro nito ang bananacue at juice saka may sandwiches pa. May prutas din doon na kulay pula at may malilit na buhok.

Takang kumuha ako ng isa at tinignan iyon. Hindi pa ako nakakakita na ganon tanang buhay ko.

" Rambutan iyan. Hindi mo ba kilala ang prutas na yan?" kumuha siya ng isa at pinakita sakin kung paano buksan. Bilog ang nasa loob nito. " Here try this one. Seedless yan kaya pwede mo nguyain." sinubo ko naman iyon.

" Matamis." ang lambot sa bibig, medyo malamig at malinamnam ang juice nito.

" Seryoso? Hindi ka pa nakakain ng Rambutan?" takang tanong niya.

" Wala naman kasi n'yan sa sub, sa lugar namin." subdivision talaga Mariel? Kastigo ko sa sarili ko. Muntik nako madulas.

" Don't worry marami n'yan dito, magsasawa ka..kainin mo na muna iyong sandwich para hindi ka sikmurain." hinanda niya rin ang gamot ko.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now