Narinig ko na naman syang bumuntong-hininga. Kanina pa yan, parang may gusto syang sabihin pero hindi nya alam kung dapat ba ito o hindi.

“Anong sinabi nya sayo?” tanong ko at mukhang may pag-aalangan pa sa mukha nya.

“She told me to take care of you and to say sorry to Aeron.” sabi nya pero parang hindi pa ako nakuntento. Alam kong meron pa.

“Tell me everything, Duke. Everything.” matigas na sabi ko sa kanya. Ngayon ko lang yata nagamit sa kanya ang ganitong tono kaya mukhang nagulat sya.

He sighed for the nth time. “Her father died a few weeks ago at dahil dun bumagsak sya sa mga exams nya kaya nawala sa kanya ang scholarship nya. Napilitan syang bumalik sa kanila. Hindi nya sinabi yun sayo dahil ayaw nyang mag-alala ka para sa kanya.” paliwanag nito at pagkatapos nyang sabihin yun ay napatulala lang ako.

Pakiramdam ko ay parang ako na ang pinakawalangkwentang best friend sa mundo. I’m selfish dahil sarili ko lang ang iniisip ko at nakakalimutan ko na ang ibang tao na mahalaga sa akin.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na tumulo. It’s my fault. Dapat nandun ako habang malungkot sya pero nasaan ako, ayun naghahabol sa taong hindi naman ako magugustuhan. I’m really selfish.

Natauhan ako ng marahas na huminto ang sasakyan at narinig ko ang pagmumura ni Duke habang nakatingin sa akin. Natataranta sya at mukhang hindi alam ang gagawin.

“Shit. Audrey, ahm. Shit, what should I do?” natatarantang sabi nya at hindi mapakali na inabutan ako ng panyo. Agad ko iyong kinuha at pinunas sa mga luha ko. Hindi ako pwedeng umiyak sa harapan nya.

“Sorry.” bulong ko at nahihiyang inabot sa kanya ang panyong basang-basa na.

He patted my head. “Keep it.” sabi nya at bumaba na ng sasakyan. Tumingin ako sa paligid at mukhang nandito na kami kaya bumaba na din ako.

Nasa malawak na bukid kami. Wala ako halos nakikita kundi matatas na damo at iilang mga puno. May ilan ding kubo pero kakaunti lang.

Naglakad sya kaya sumunod ako hanggang sa makarating kami sa isang mataas na lugar. May lawa doon at sa gitna ng lawa ay may puno ng acacia. Para kaming nasa itaas ng bundok dahil sa gilid namin ay parang bangin at sa ibaba nito ay parang gubat. Sa malayo ay makikita mo ang maraming bahay.

May ganito pa palang lugar sa panahon ngayon. Akala ko puro building na lang ang makikita ko.

“Try to shout.” sabi ni Duke na nasa tabi ko at nakatingin din sa tinitingnan ko.

“Duke!!” sigaw ko at nagulat ako ng biglang mag-echo ang boses ko. Ang galing, sa halos seventeen years kong nabubuhay, ngayon lang ako naka-experience ng ganito. And wait, ngayon ko lang naalala na next week na pala ang birthday ko.

“Shout all the agony in your heart, Audrey. It will ease the pain.” sabi nya at parang yun na ang cue ko at bigla nalang akong sumabog.

“I hate you. I hate everyone. I hate this feeling. I hate myself! I’m selfish!” buong lakas na sigaw ko at naramdaman ko ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko. “Sana hindi nalang ako na-inlove! Sana nandito pa din ang best friend ko! I hate myself for feeling this way. Nawala na sa akin ang lahat pero mahal ko pa din sya..” pahina ng pahina ang boses ko habang nagsasalita.

Napaupo nalang ako sa damuhan at para akong nanghina. Pumikit ako at maya-maya ay nakarinig ako ng tugtog galing sa gitara.

[Falling Up - The Cab(media)]

 

“In the darkest
You're the only light
I remember
Tried your hardest
Made me feel alive
Now I can't forget ya”

Dumilat ako at tumingin sa side nya. Nakapikit sya habang kumakanta. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang panyo na binigay nya kanina. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya simula kanina. Nakakahiya ang mga pinaggagawa ko dito.

“What you found was a lost, lonely heart
Torn into pieces
With you I feel like myself”

 

Tumabi ako sa kanya. Nakaupo sya habang nakasandal sa isang puno. Sumandal ako sa balikat nya at ipinikit ang mga mata ko. Hinihiling ko na sana huwag nyang alisin ang ulo ko sa balikat nya at pagbigyan nya ako. Mukha naman na hindi nya gagawin yun dahil nagpatuloy lang sya sa pagkanta.

“Nothing but gold when we're together
You were my one forever
Feels like I'm falling
But I never touch the ground”

 

Bigla akong inantok at nakaramdam ng pagod. Halos hindi nga pala ako nakatulog kagabi at parang dinuduyan ng boses nya para matulog.

“Feeling so right when I'm around you
How can I live without you?
It's like I'm falling
But I'm not falling
I'm not falling down”

 

Malabo na sa pandinig ko ang boses nya. Hmm, para na akong lumulutang. Hindi ko na talaga kaya at inaantok na ako.

“Audrey, I lo..”

 

That is the last thing that I heard, then I went to my dream land. This is the happiest moment in my life.

*

This is dedicated to her. Thank you sa pagsuggest ng kanta.

Expect more kilig and drama sa mga susunod na chapters. Nagsisimula na talaga tayo. LOL. Comments, please?

Aeron[media]

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon