chapter 16- Promise sealed&locked

6K 103 6
                                    

Pagkatapos ng mahabang diskusyon nagkasundo kami ni Hd para sa mga bata. Naisip namin na mas makabubuti kung magkakasundo kami para sa kapakanan nilang dalawa.

"Okay. Okay. Chill. It's settled then. You won't marry me. Pero tanggapin mo padin at isuot 'tong singsing. This will be the proof na tinanggap mo na ako bilang tatay nila Nat-nat at Bingbing. This will also be the proof that I will always keep my promise of protecting the three of you and love you with all the best of me", mahabang sabi nito.

"Love ka diyan?! E bigla ka na nga lang hindi nagpakita dati. Hay Hd, tama na nga ang emote mo diyan. Akina yang singsing at ng maisuot na. Para makatulog na din tayo. Maaga pang papasok sina Nat at Bing bukas", sabi ko dito.

"Ba't ba emo blocker ka na lang lagi ha? Hay... ito na", at isinuot nito ang singsing sa akin.

"It fits perfectly"

Hinila niya ako payakap sa kanya at iniunan ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Let's forget about what happened in the past Ish. Let's just focus on the kids and us. Please?", sabi niya.

"Okay", humihikab na sabi ko.

"Hd?"

"Hmmm?", sabi niya habang hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Hindi ka na ba talaga aalis?", nakapikit na tanong ko.

"Yes", sagot niya.

"Promise?"

"Promise Ishang. Cross my heart. Sealed. Locked. Tapon susi", nakangiting sabi ni Hd.

Napamulat ako ng mata.

"Kanino mo naman natutunan yun? May patapon-tapon susi ka pang nalalaman"

"Kina Nat-nat at Bingbing. They know a lot of things. You did a great job of raising our kids Ishang. Thank you", saka niya ako magaang hinalikan sa labi.

Hottie Daddyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें