Chapter 3- Inubos

9.6K 176 3
                                    

Inubos.
Inubos ni hottie daddy ang paninda namin. TULALA ako the whole time kanina.

Tuwang tuwa naman si Taniang at ang nanay niya dahil maaga kaming nagsara.

Pinakyaw kasi ni HD ang mga paninda namin.

HD. Hottie Daddy. Yun na muna tawag ko sakanya dahil until now, di ko parin alam ang pangalan niya.

Hanggang ngayon kasi, hindi parin kami nagkikibuan.

Andito ako ngayon sa loob ng sasakyan kasama niya habang binabagtas ang daan patungo sa... sa... teka... hindi ko pala alam kung saan kami papunta. Basta ang alam ko lang papunta itong norte... Nlex e... bigla nalang niya ako hinila kanina pagkatapos niyang bayaran yung mga pinamili niyang ulam sa karinderya. Ni hindi na ako hinayaan pang makapagpaalam man lang kina Taniang.

Nasalubong pa nga namin si Buklet na tinanguan lang si HD...
Teka? Tinanguan?
Magkakilala sila?
Hmmm...

FC din tong si Buklet a... 😅 (feeling close agad kay Hd)

Anyways... hindi na ako makatiis...
Dahil pakiramdam ko, mapapanisan na ako ng laway dito kaya...

"Ahm... san mo ba ako dadalhin?"
Tumingin naman siya sa akin ng saglit saka ngumiti... tapos itinuon ulit ang tingin sa daan at nagdrive lang...

"Ahm...haist... bahala ka na nga!", ayaw niya akong sagutin.. e di itutulog ko nalang... tutal, ilang araw nadin naman akong puyat dahil sa kakaisip sakanya...

Naalala ko tuloy yung kantang...

"Di makatulog sa gabi sa kaiisip... sa diwa ko'y ikaw ang panaginip..."

(o di ba, maka 90s lang... kaway kaway ang mga batang 90s diyan! 😀)

...

Nagising akong nasa isang kwartong di ko alam kung saan
...

Base sa itsura... mukhang ancestral house ito... makaluma kasi e...

Paglibot ko ng tingin sa kwarto, nakita ko siya sa may upuan sa gilid ng kwarto.

"Asan tayo? Saka ba't mo ako dinala dito?", tanong ko.

"Ibabahay na kita", nakangising sagot niya.

"Haaaaaaaaaaa???????"

To be continued... 😰

Hottie DaddyWhere stories live. Discover now