Chapter 10- paano?

5.6K 111 1
                                    

"Chandler, kapag nalaman to ni mom siguradong..."

"Just shut your mouth ate Cham! You will never tell mom! Masyado na siyang nasaktan dahil sa pagkawala ni Ate Chane! Wag na nating dagdagan", mariing sabi ko.

"Pero Chandler, maawa ka naman kay Ishang. Inosente siya. Ni hindi nga niya alam na may pamilya pa pala siya. Wala siyang kinalaman sa ginawa ng kapatid niya!", galit na sabi ng kapatid ko.

"Kumpleto na ang mga plano ko. Whether you like it or not. I'll do it. Aren't you glad, maipaghihiganti na natin ang pagkamatay ni ate Cham, about what her sister and brother did to me and ate; we got to ruin their family and at the same time, makukuha ko pa ang mana ko kay papi. It's like hitting many birds with one stone", nakangisi kong sabi.

"I'll just have to get her pregnant. Make her really fall in love with me. Present her to lolo them make her family know na nasa akin ang matagal na nilang hinahanap na unica hija. Pagkatapos, I'll drop her off like a hot potato. Simple as that", sabi ko dito.

"You're insane. Hindi kasalanan ni Ishang kung niloko ng mga kapatid niya kayong dalawa ni ate. Chand, sobrang bait niya para siya ang pagbuntunan mo ng galit mo", natigilan siya sa sinabi ng kapatid.

Tama nga ito.
Ishang is too good to be true.
Naisip na din niya minsan kung gaano ito kabait at kabuting tao. Kung gaano ito kamapagmahal sa mga kaibigan at mga itinuturing nitong pamilya.

Madalas din niyang mapansing iba na rin ang tingin niya dito. Na unti unti nang nabubuksan ang puso niyang binalot na ng lumot ng nakaraan. Pusong binalot ng sakit na kalaunan ay naging galit at pagnananasang makapaghiganti.

Pero hindi.
Hindi siya papatinag.
Hindi siya pwedeng mawalan ng focus.
Andito na siya. Abot kamay na niya ang rurok ng paghihiganti.

"Stop it. Hindi mo ako mapipigilan", sabi niya sa kapatid.

Samantala, lingid sa aking kaalaman... isang tao ang nakatago sa ilalim ng mesa sa opisina niya kung saan sila nag-uusap.

Ni hindi napansin ng mga ito na kanina pa siya nakatago sa may ilalim ng mesa. Hawak hawak ang maliit na bagay na gustong gusto niyang ipakita kay Hd?

"Bakit Hd? Bakit?", patuloy ang pagluha niya ng tahimik. Mga piping hikbi. Patuloy lang ang luha sa pagbuhos.

Masakit.
Sobrang sakit.

"Bakit Hd? Bakit ang sama mo?"

Ganun ba kasama ang ginawa ng mga kapatid niya dito?

Ganun ba ito kagrabeng nasaktan ng mga ito?

Masyado. Sobra. Grabe.
Napahawak siya sa impis pa na tiyan.

"Paano na tayo ngayon baby?"

Hottie DaddyWhere stories live. Discover now