Chapter 7- Tani&Oli

7.2K 116 1
                                    

Ishang's POV

"Ano ka ba naman Taniang! Bakit mo naman pinatulan si Manang Oring! Alam mo namang may ulyanin na yun! Baka nga naman nakalimutan niya lang talaga na binigay mo na yung piso na sukli niya", sermon ko kay Tani, habang ginagamot ang bukol niya sa noo. Dinadampian ko ito ng yelo. Saka isinunod ang putok niyang labi dahil napuruan ng suntok ni Manang Oring.

"E paanong di ko papatulan, aba'y sabihan ba naman akong putok sa buho saka malandi daw si mudrabels! Na kaya daw nakapagpatayo ng karinderya dahil sa kinita sa pagiging kabit!", bigla itong napatayo at napakuyom ang kamao! Parang anumang oras ready ulit makipag away at sugurin si Manang Oring.

"Ano ka ba naman, alam mo naman kung anong totoo di ba? Bat pinapatulan mo pa! Niloko ng tatay mo ang nanay mo! Pinaniwalang binata! Kung ano mang sabihin ng ibang tao, bahala na sila", naku, lagot nito si Tani pag dumating si Mudrabels at nakitang puro bukol siya. Matabang babae kasi si Manang Oring. Dati itong female boxer. Patawa din itong si Tani e, akala ata kahit matanda na yun, kayang kaya na niya.

"Hay... halika ulit dito. Gamutin natin pati yang black eye mo sa mata. Sana kasi binigyan mo nalang ng piso para umalis na", hinila ko ulit siya saka ginamot.

Mayamaya dumating si Manang Oring kasama si Oliver na anak nito.

Napatayo si Tani at agad na nasa ready to fight position. Nakakuyom ang kamao na animo'y anytime ready kung biglang sugurin ni Manang Oring.

"Tani, nandito kami para humingi ng tawad ni Nanay", ngiting paumanhin ni Oliver.
Bigla namang umamo ang mukha ni Tani. Wala na. Bumigay na ang loka. Crush na crush kasi nito si Oliver. Mula pa noong mga bata pa kami. Madalas siyang magpacute dito. Sa tuwing nakikita niya si Oli, itinataas niya ang palda ng uniform niya saka ipinapakita ang panty nito, pagkatapos kakaripas ng takbo, lilingon sa kalagitnaan, tapos magpaflying kiss kay Oli. Hayi, si Tani na talaga ang dakilang fan girl ni Oli. Bata pa lang wild na. Kaloka.

Pangarap ata ni Tani kabugin ang mga loveteams sa bansa. Tani plus Oli equals TANOLI. O di ba tarush!

"Sana wag ka nang magreklamo sa barangay Tani. Nagsisisi na si Inang. Saka nakita na niya yung piso sa bulsa niya. Alam mo namang medyo ulyanin na si Inang", lumapit ito kay Tani at hinawakan ang kamay nito.

Napatapik ako sa noo. Wala na talaga. Ginamitan na ng charms. Paano di matatablan e kagwapo naman kasi ni Oli. Kasingkit, kaputi, katangkad at kakinis, kabait pang anak. Hay... bet ko siya para kay Tani.

"Oo nga naman Tani, sorry na", lapit ni Manang Oring sa kanila.

"Nadala lang ako kanina. Sorry sorry sorry", hawak din nito sa isa pang kamay ni Tani.
Natatawa na ako sa itsura nilang tatlo pero pinigilan ko.

Hay. Mga patawa talaga itong mga to.

"Ano bang pwede kong gawin para mawala galit mo sa akin Taniang?", puppy eyes pang sabi ni Manang Oring kay Tani.

"Mmm... gamot sa bukol meron kayo?", tanong nito.

"Oo, meron kaming dalang isang tray ng yelo", sagot ni Oliver.

"Halika, gamutin natin. San ba masakit?", tanong ni Oli habang hinila ito sa bakanteng lamesa sa karinderya.

"Dito", turo nito sa bukol sa noo.

"Saka dito", turo ulit sa pisngi.

"Tapos dito", turo nito sa labi saka nakapout pa.

Aigoo. Gustong magpakiss ng loka.
Napailing nalang ako.

●●●

Napangiti nalang ako ng makitang naghaharutan na sina Oli at Tami. Tuwang tuwa pa ang loka kahit nabugbog sarado ng nanay ng crush niya. Hayi... napatingin din ako sa isang sulok ng karinderya, kung saan masaya ding nagkwekwentuhan sina mudrabels at Manang Oring.
Dumating kanina si mudrabels at halos magwala pagkakita sa mukha ng anak. Pero ng makitang sising sisi naman ang ginang sa ginawa, at nang makita kung gaano kasaya at kinikilig ang anak, hinayaan nalang nito ang nangyari. Kabait talaga ni mudrabels. Pasensya at patawad is a virtue ang mottoo nito sa buhay.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng...

"Pabili nga ng isang order ng menudo", agad akong napalingon sa boses ng bibili... kabisadong kabisado ko na boses niya.

"Hd..."

To be continued...

Hottie DaddyWhere stories live. Discover now