Chapter 13- bayad

5.4K 94 1
                                    

Ishang's POV

Ilang araw na akong masama ang pakiramdam at parang nasusuka na ewan. Kaya ilang araw nadin akong hindi nakakapasok sa karinderya.

Kaninang umaga, dinalhan ako ni Taniang ng goto pero hindi ko rin naubos dahil biglang bumaliktad ang sikmura ko pagkaamoy dito.

Sabi ni Taniang, magpacheck up na ako at baka ito na daw yung matagal ko nang hinihintay.

Mamaya siguro susubukan ko munang bumili sa pharmacy ng pt kit.

●●●

Bumangon ako at nag-umpisang mag-ayos para sumunod sa karinderya. Kailangan kong magtrabaho. Kung totoo nga ang hinala namin, kailangan ko talagang kumayod at mag-ipon.

Sa mga katulad naming mahihirap, malaking kawalan na ang hindi pagpasok sa trabaho sa loob ng ilang araw.

Saktong pagbukas ko ng pintuan ng makita ang isang magandang babae na nasa harapan ko. Nakaputing bestida na off shoulder ito. Nakalugay ang mahaba at alun-alon na buhok nito. Siya yung kasama ni Hd sa reunion nila. Mas maganda siya sa malapitan.

Agad ako nitong nginitian. Pero ngiting parang pilit.

"Can we talk?", tanong nito.
"Ah e... sige...sige... pasok ka", napipilitan ding sabi ko.

Pinapasok ko siya at pinaupo sa sopa.
Naghanda din ako ng juice at nilagay sa dalawang baso.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa", sabi niya at may inilapag na tatlong envelope.

"This one", turo niya sa isa.
"Is the invitation sa kasal namin ni Chandler. Invited ka...ah... what's your name again? Ah tama... Ishang. Nabanggit pala ni Chandler",
nanatili lang akong nakatingin sa kanya at walang imik. Wala akong lakas sa ngayon para makipagtalo sa kanya.

"And this one is the sonogram of our baby. Yes, we're pregnant. At itong huli, blank check. Ikaw na bahalang maglagay ng presyo. But here's the catch, wag na wag ka nang magpapakita sa amin kahit kailan. Layuan mo na ang fiancee ko", madiing sabi nito.

Napakuyom ang kamay ko. Nangangati na ang kamay kong sabuyan siya ng juice sa mukha pero pinili kong huwag nalang magsalita. Kinuha ko nalang ang baso at uminom.

Tumayo na siya at akmang aalis na...
"And oh, don't bother to make a scene like trying to tear that check Ishang. I know kailangan mo yan. After all, you had kept Chandler satisfied these past few days that I wasn't around. Bale, bayad na namin yan sayo", at saka na siya tumalikod at lumabas ng apartment.

●●●

Ilang oras na mula nung nagpunta dito yung babae pero parang lutang parin ako. Hindi ko alam kung paanong sa bilis ng pangyayari ni hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili. Ni hindi ako nakasagot kanina at hinayaan nalang siyang insultuhin ako.

"Anong akala niya sa akin mukhang pera?", bulong ko sa sarili.

Mayamaya... nagring ang cellphone ko...

"Taniang"
"Ishang...", humihikbi ito sa kabilang linya.
"Bakit anong nangyari?", bigla akong kinabahan...
"Si nanay..."

Hottie DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon