Chapter 12- reality

5.5K 101 1
                                    

Ishang POV

Naabutan ko si Taniang na nagsasayaw sa labas ng apartment. Tumigil siya pagkakita sa akin. Pagkatapos sumayaw ulit. Sinasabayan pa niya ito ng pagkanta.

"Yeah pacito pacito...yeah...O andito ka na pala Ishang girl! Kamusta ang family gathering niyo nina Hd? Masaya? Masarap ang pagkain? O masarap si Hd?", sunud-sunod na tanong nito.

Napabuntong hininga na lang ako. Nalulungkot ako. Pero ayoko namang umiyak. Pag umiyak ako, mamumugto ang mga mata ko. At kapag namugto ang mga mata ko, papangit ako. At saka pag nalungkot ako... hay...

"Uy Ishang! Kilala kita! Bakit malungkot ka! Tang...na inapi ka dun noh! Sabihin mo naku! Susugod ako dun!", nakapamewang na sabi ni Taniang habang gumagalaw galaw ang bewang at sumasayaw parin at gumigiling.

"Wala naman. Pagod lang siguro ako. Uwi ka na Taniang. Bukas nalang tayo magkwentuhan", taboy ko kay Taniang. Mukhang naunawaan naman agad ako nito kaya sumunod ito. Isang mahabang buntong hininga ang ginawa nito pagkatapos ay tinapik ako sa balikat.

"Okay. Pag kailangan mo ng kausap, katok ka lang sa baba. Sige pahinga ka na", sabi nito saka na umalis.

Pagkaalis ni Taniang, pumasok na ako sa loob ng bahay. Agad akong sumalampak ng upo sa sofa.

Kanina, tinext ako ni Hd na hindi niya ako masusundo dahil medyo busy daw siya. Itinext nalang niya ang lugar kung saan ang family gathering nila. Sa isa sa mga five star hotel ito ginanap.

Sumakay nalang ako ng jeep papuntang mrt. Pero pagbaba ko ng jeep, may nakita akong isang batang namamalimos na may kasamang lola ata nito. Lumapit ito sa isa sa mga dumadaang nakakotse pero itinaboy ito. Kahit medyo sakto lang ang pera ko, ibinili ko sila ng tinapay sa isa sa mga panaderya sa malapit. Pagkatapos ay ibinigay sa mga ito. Nilakad ko nalang ang papunta sa venue ng pagdadausan ng family reunion nila Hd. Tutal naman malapit narin ito mula sa binabaan ko.

Pagdating ko sa hotel, agad akong lumapit sa receptionist at tinanong kung saan ang pagdadausan ng reunion nila Hd. Magalang at mabait naman itong tumugon sa aking mga tanong at itinuro kung saang pavilion ito gaganapin.

Nalula ako pagpasok ko sa pavilion. Puro mga nakaamerikana at gown ang mga tao sa loob. Reunion ba ito o js prom? Natanong ko sa sarili? Napatingin ako sa suot na puting blouse at itim na skinny jeans na pantalon. Mukhang hindi ako bagay dito.

Agad na nakita ko si Hd. Ang gwapo nito sa suot na gray na amerikana. Nagtago ako sa sulok kung saan hindi niya ako makikita. May tinatawagan ito sa cellphone. Napansin kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Tiningnan ko at siya nga ang tumatawag. Natigil lang ito sa pagtawag ng may lumapit na magandang babae dito at hinila ito sa kwelyo at hinalikan sa labi. Napangiti naman ang mga nakakita sa kanila. Ano ba tong pakiramdam ko? Bakit ako naluluha?

Agad akong lumabas ng pavilion hanggang sa labas ng hotel.

Pinatay ko ang cellphone ko. Ngayon lang ata ako nahimasmasan sa kakapantasya kong magugustuhan ako ni Hd. Ang layo layo pala niya sa akin. Hindi ko siya maaabot kahit anong kayod ang gawin ko. Kahit pa nga siguro magbenta ako ng sandamakmak na lutong ulam hindi parin.

Naglakad ako palayo sa lugar na yun.

Naiiyak ako pero pinipigilan ko.

Ayoko kasing mas magmukhang kawawa at magmukhang emoterang palaka dito sa daan. Ganito pala ang pakiramdam ng natatauhan. Masakit. Saka...masakit...basta masakit...wala akong ibang salitang maisip basta masakit.

Uuwi nalang ako sa bahay, kakain, matutulog at kakalimutan ang kahit na anong tungkol kay Hd.

Hottie DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon