CHAPTER SEVENTEEN

3.8K 126 3
                                    

NOTE FROM THE AUTHOR: There is a missing scene at the end of this chapter and before the next chapter na available lang sa print book para lang po pakonsuwelo sa mga bumili ng book :) - Heart Yngrid


"ANONG sabi ng mommy mo tungkol sa akin?" tanong sa akin ni Calix nang magkita kami ng pasekreto sa "lair" niya. Magkatabi kaming nakaupo sa isang sulok ng silid.

"Huh? Ah..." Hindi ko puwedeng sabihin ang halos lahat ng sinabi ni Mommy. Lalo na iyong part na tungkol sa 'ligaw.' "Sabi niya, okay ka raw."

"Okay? Paanong okay?"

"Okay kang maging kaibigan ko."

Ngumiti si Calix. "Talaga? Ibig sabihin, nagustuhan niya ako?"

Tumango ako.

Naglaho ang ngiti ni Calix. "Dahil hindi niya alam na gangster ako kaya okay ako para sa kanya."

"Iiwan mo rin naman ang pagiging gangster, 'di ba? Bakit hindi mo pa gawin ngayon?"

"Dahil kailangan pa nila ako sa ngayon."

"Puwede namang may pumalit sa 'yo bilang leader, 'di ba?"

"Hindi ko sila kayang pabayaan."

"Pero darating ang panahon na kailangan mo pa rin silang iwan. Tulad ng ginawa ni Little Prince sa pilotong naging kaibigan niya."

Bumuntonghininga si Calix. "Masyadong maraming kaaway ang Mercurial ngayon. Baka hindi nila kayanin nang wala ako."

"Bakit kasi kailangan n'yo pang makipag-away?"

"Ang away ng isa, away ng lahat. Para din kaming fraternity."

"Paano ba kayo nabuo?" curious na tanong ko. Gusto kong maintindihan kung bakit ganoon na lang kalakas ang emotional attachment ni Calix sa mga miyembro ng Mercurial.

"Nag-e-exist na ang Mercurial bago pa ako mapunta sa kanila. Si Don ang lider namin dati. Fourteen years old ako nang makilala ko sila. Napag-trip-an ako noon ng Ruckus Gang. Akala ko noon mamamatay na ako sa bugbog pero dumating si Don at ilang members ng Mercurial. Ipinagtanggol nila ako. Isinama nila ako sa tambayan nila at ginamot nila ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanila kaya nang sabihin nilang gagawin nila akong bagong member, hindi ako tumanggi. Hindi lang out of gratitude, kundi dahil nakita ko kung paano ang samahan nila. I just wanted to belong that time. Pakiramdam ko kasi walang nagmamahal sa akin at walang tatanggap at lahat ng tao sa paligid ko, walang gagawin sa akin kundi pagsamantalahan ang sitwasyon ko sa buhay. Naisip ko, kailangan ko ng mga kaibigang tulad nila, ng friendship na tulad ng sa kanila na walang iwanan kahit ano pang mangyari. Kailangan kong maging kasing tapang at tatag nila para makaya kong mabuhay sa miserableng sitwasyon ko. Tinuruan ako ni Don na makipag-combat. Hanggang sa gumaling ako, mas magaling kaysa sa ibang members ng Mercurial. And I've developed real friendship among the members. Para na kaming magkakapatid kung magturingan. Nang mag-migrate ang family ni Don sa States last year, sa akin niya ibinilin ang Mercurial. Since then, ako na ang naglingap sa gang. They've become my responsibility. Kaya hindi ko sila maiwan. Kasi sila lang ang nagparamdam sa akin ng pagtanggap at affection na hinahanap ko sa adoptive parents ko."

"Paano kapag may dumating na isang babae sa buhay mo at ma-in love ka sa kanya? Pero para makasama mo siya, kailangan mong iwan ang gang, gagawin mo ba?"

Halatang natigilan si Calix at pagkatapos ay tumingin sa akin. Nakita ko ang paghihirap ng loob niya. "I'm too young for love though."

Bumuntonghininga na lang ako. May punto naman siya. Bata pa siya para magdesisyon sa ganoong klaseng bagay. May tamang panahon para sa pag-ibig. Ipinapakita lang niyon na nag-mature na si Calix. Parang hindi na siya isang teenager na impulsive at gagawin ang kahit anong magustuhan. Marunong na siyang mag-set ng priorities.

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon