CHAPTER THIRTEEN

4K 144 10
                                    


NAPANGITI ako nang matapos kong ipatag ang lupa sa paligid ng itinanim kong maliit na halaman na balang-araw ay magiging isang puno. Feel na feel ko ang Plant-A-Tree project ng school community service club dahil mahilig ako sa nature. Balang-araw, babalik ako sa gubat na iyon sa Batangas para makita na puno na ang mga itinanim ko. Sana lang, matandaan ko ang eksaktong location kung saan ko itinanim ang mga ito.

Lumipat ako sa kabilang parte ng lupa na may marka at nagbungkal doon. Habaqng nagbubungkal ako ay hindi ko maiwasang tingnan ang kinaroroonan ni Calix. Kasama siya sa Plant-A-Tree project bilang ikatlo at huling partisipasyon niya sa community service bilang parusa sa school offense. Malayo ang puwesto niya. Nakita ko siyang nagbubungkal din ng lupa.

Bigla siyang nag-angat ng mukha at tumingin sa direksiyon ko na para bang naramdaman niyang nakatanaw ako sa kanya. Nagtama ang mga paningin namin. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.

Feeling ko, may secret M.U. sila ni Maui. Parang kinukurot ang puso ko kapag naaalala ko kung paano dinampi-dampian ng bulak ni Maui ang sugat sa mukha ni Calix. Ganoon mag-alaga ang isang girlfriend. Baka nga talagang may relasyon sila.

"What's wrong?" tanong ni Gilbert na hindi ko alam na nasa tabi ko na pala at nakatunghay sa ginagawa ko. "Bakit malungkot ka?"

"Ano ba talaga ang trabaho mo? Ang mag-observe ng pagtatanim ng volunteers o mag-observe ng mood namin?" Ngumiti ako.

Ngumiti rin siya. "Actually, ang mood mo lang ang napansin ko. Pagod ka na ba?"

"Hindi, ah! Kahit mga isandaang puno, kaya kong itanim. 'Wag mo akong intindihin. Okay lang ako. May naalala lang ako bigla na nakakalungkot. Pero okay na ako. Oo nga pala, allowed ba tayong i-explore ang gubat pagkatapos natin dito?"

"Hindi, eh. Hindi tayo pinayagan ni Ma'am Olivar," tukoy niya sa adviser ng club na sumama para i-ensure ang safety namin.

"Kahit saglit lang? Kahit during breaktime lang."

"I'm sorry, Nadine. Kailangan nating sumunod sa superior. Baka nga naman mapahamak tayo. This is the safest spot in this forest kaya dito lang tayo dinala."

Tumango na lang ako. Gusto ko sanang ma-explore ang kakahuyan. Sayang.

Nang breaktime na ay kumain ng lunch ang lahat. Hindi kami magkasamang kumain ni Gilbert dahil ang kasabay niya ay si Mrs. Olivar. Habang kumakain ako katabi ang ibang miyembro ng club ay namataan ko si Calix na mag-isang lumakain sa ilalim ng puno. Napansin kong wala siyang inumin. Mukhang pagkain lang ang kinuha niya at hindi siya dumampot ng bottled water mula sa ipinamahagi ng ilang members.

Wala ba talaga siyang pagpapahalaga sa buhay niya? Paano kung mabulunan siya at wala siyang inumin? Hindi ba siya natatakot na ma-choke to death? Kunsabagay, pagkaka-choke pa ba ang ikakatakot niya? Samantalang walang habas niyang inihahambalang ang sarili sa gulo?

May pag-asa pa bang magbago ang isang Calix Roque?

Naniniwala pa rin ako na hindi siya ganoon kasama pero gusto ko siyang magbago. Gusto kong iwasan na niya ang pagsabak sa mga gulo at pagiging isang gangster. Sinabi ko sa sarili ko noon na susubukan kong pagbaguhin siya. Pero mukhang kasama sa kahibangan ko noon ang isiping kaya ng isang tulad niya na iwan ang ganoong klaseng buhay.

Tapos nang kumain si Calix pero hindi siya kumuha ng tubig. Sa halip ay lumakad siya palayo, papasok sa liblib na parte ng kakahuyan. Naalarma ako. Ang first instinct ko ay sundan siya dahil baka kung ano ang gawin niya sa kakahuyan. Baka maligaw siya, matuklaw ng ahas o mahulog sa bangin. Hindi ko akalaing gusto kong protektahan ang isang taong walang pakialam sa buhay niya.

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang