CHAPTER ELEVEN

4.2K 151 6
                                    

NOTE: Hi, guys! New update after a long time :) I Knew He Was Trouble (The edited version) is already out in the bookstores in case you want the printed book version but if you are patient and do not mind some typo errors and unedited drafts, pwede nyo naman basahin dito sa wattpad until the end. I will be updating this every now and then. But I still hope you can grab the print book. Thanks :) -HEART YNGRID<3


HABANG kumakain kami ni Gilbert sa isang pizza restaurant ay natigilan ako nang makita ko si Calix na pumasok sa entrance. Umupo sa mesa sa likod ni Gilbert at sa silyang paharap sa akin.

Paano nangyaring nakarating si Calix sa restaurant na iyon? Medyo malayo iyon sa pinagganapan ng clean up drive. In fact, wala ni isa man sa iba nilang kasama sa project ang naroon. Sinadya yata ni Gilbert na lumayo sa location para hindi makasabay ang mga kasama namin. Siguradong magtataka rin si Gilbert kapag nalamang naroon si Calix kaya minabuti ko na lang na hindi ipaalam na naroon din si Calix tutal ay hindi naman siya nakikita ni Gilbert.

Pero bakit naroon si Calix? Sinundan niya ba kami? Gusto kong mapailing-iling. Bakit naman niya pag-aaksayahang sundan ako? Hindi ba at itinaboy na niya ako?

"Why don't you ask your friends to come join us in the club?" tanong ni Gilbert.

"Naku. Kung walang kinalaman sa KPop, hindi sasali si Sandy. Si Alex naman since volleyball player na, hindi na iyon magdadagdag ng extra curricular."

"Gano'n ba? Buti na lang ikaw sumali. Aaminin ko sa 'yo na noong una kitang makita, feeling ko you're not the type na sasali sa ganito. Don't get offended. It's just that I thought you were shallow just like some of the girls I've met. Hindi pala."

Napangiti ako. "Kaya nga dapat talaga kinikilala natin ang tao bago natin sila hinuhusgahan. Kasi puwedeng iba talaga siya sa akala natin." Napatingin ako kay Calix na nahuli kong nakatingin sa akin pero agad siyang naglipat ng tingin sa service crew na lumapit sa kanya para kunin ang kanyang order.

Kaya puwede talagang iba si Calix sa image niya o sa inaakala ng marami. Gusto ko sanang banggitin iyon kay Gilbert pero baka marinig ni Calix.

Tumangu-tango si Gilbert. "I agree."

Napatingin ako sa isang babae at lalaking mukhang kasing edad lang namin ni Gilbert na magkaholding hands na nagdaraan sa labas ng glass wall. Mukhang nakita rin sila ni Gilbert.

"Ang sweet nila, no?" puna ni Gilbert.

"Oo nga, eh. Alam kaya ng parents nila 'yan?"

Nagkibit-balikat si Gilbert. "Hindi naman mapipigilan ang mga kabataan na magkaroon ng love life as early as our age. Basta may mga limitasyon lang. Gawin lang inspirasyon ang isa't-isa. You know, to have a reason to feel special at make someone feel special." Tinitigan ako ni Gilbert. "Nagka-boyfriend ka na ba?"

"Hindi pa," sagot ko habang ngumunguya ng pizza.

"You're not allowed to have one yet?"

"Allowed naman kasi cool ang mommy ko. Pero kikilatisin muna daw ng mommy ko ang suitor ko bago niya ako payagang mag-boyfriend."

Mukhang nagkainteres si Gilbert. "Ano bang klaseng guy ang gusto ng mommy mo para sa 'yo?"

Bigla akong napatingin kay Calix na nahuli ko na namang nakatingin sa akin na parang nag-aabang ng sagot ko. Curious din siguro siya tulad ni Gilbert.

No gangsters. Iyon ang naalala ko sa mga sinabi ni Mommy. Pero hindi ko iyon kayang sabihin nang nandiyan si Calix. Ayokong ma-offend siya.

"Hindi ko alam kung anong eksaktong klase ng guy ang gusto niya para sa akin."

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Where stories live. Discover now