CHAPTER EIGHT

5K 173 19
                                    

"BAKIT mo ako pinapunta rito?" tanong ko kay Calix kahit alam ko na kung bakit niya ako pinapunta sa abandonadong silid na tinatambayan niya.

Baka bibigyan na niya ako ng kuwintas na emblem ng Mercurial Gang at sasabihin na rin niya sa akin ang mga kailangan kong malaman tungkol sa gang nila. Excited akong malaman ang lahat ng tungkol sa kanila. Nalaman ko na ang secret handshake nila. Mayroon kaya silang secret gestures at words?

"Dahil tuturuan kitang makipaglaban," sagot ni Calix.

Namangha ako. "Tuturuan mo akong makipag-combat?"

"Oo."

"Pero hindi ko kailangan ng combat knowledge. May pepper spray naman ako."

"Hindi gumagamit ng pepper spray ang Mercurial. Bilang miyembro ng gang, kailangang marunong kang makipaglaban. It's a must."

Nakagat ko ang kuko ng hintuturo ko. Ayokong makipagrambulan. Hindi ako pumayag na sumapi sa gang para doon. "Ayoko."

Naningkit ang mga mata ni Calix. "Kung ganoon, tanggal ka na sa gang." Umakma siyang lalabas sa silid pero pinigilan ko siya.

"Teka! Bakit mo ba ako isinali sa gang n'yo?" Iyon talaga ang gusto kong malaman.

Saglit na tumitig sa akin si Calix bago sumagot. "Wala lang."

"Anong sabi mo? Wala lang?"

"Sa tingin mo, may logical reason ba kung bakit isasama ko sa grupo ko ang isang tulad mo?"

Napanganga ako. Ngumisi si Calix at muling naglakad palayo. Hinabol ko siya.

"Anong ibig mong sabihin? Nagt-trip ka lang kaya mo ako isasali sa gang mo?"

"Parang gano'n na nga."

Naningkit ang mga mata ko. "Puwes, patutunayan ko sa 'yo na may logical reason kung bakit dapat akong mapasali sa grupo n'yo. Turuan mo na akong makipagbakbakan."

Naisip ko na magagamit ko rin naman ito para sa self-defense.

Nag-twitch ng mga labi si Calix. Mukhang biglang na-bore. "I changed my mind. Laglag ka na sa gang."

Nalaglag din ang mga panga ko. "Ano? Wala pang isang araw, tanggal na 'ko?"

"Yeah," tila bale-walang tugon ni Calix. Muli siyang tumalikod pero hinarang ko siya.

"Gano'n lang 'yon?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.

"Oo."

"Bakit? Bakit tanggal na agad ako? Sinabi ko naman sa 'yo na payag na akong matutong makipaglaban, 'di ba?"

"Basta ayoko na. At 'wag mo akong kukulitin dahil lagot ka sa 'kin kapag nainis ulit ako sa 'yo." Walang gaanong puwersang itinulak niya nang daliri ang noo ko.

"Gano'n ba talaga kadali sa 'yo ang lahat? Gano'n ka lang kadaling mag-decide? Gano'n lang kadaling umayaw na parang bale-wala lang sa 'yo?"

"Oo. Bakit? May angal ka?"

"Paasa ka! Siguro ganoon ka rin sa mga naging girlfriend mo. Madali mo silang pinagsawaan at inayawan agad nang gano'n-gano'n lang at ni walang reason, basta ayaw mo na lang."

Biglang naging mapanganib ang tingin ni Calix sa akin. Medyo naalarma ako. Lalo na nang humakbang siya pasulong. Napaatras tuloy ako. Pero bawat paghakbang ko ay siya namang paghakbang niya palapit. Mukhang nagalit talaga siya sa sinabi ko. Mali naman talaga na sinabi ko iyon. Masyado nang personal. Napalunok ako. Anong gagawin niya sa akin? Ibibitin na kaya niya ako nang patiwarik?

Bubuwelo na sana ako para biglang tumakbo palayo para pumuslit kaya lang nang iatras ko ang paa ko ay tumama iyon sa sementong nakaangat sa sahig sa mismong pinto. Para akong natalisod nang patalikod at tumili ako dahil alam kong babagsak ako pero hinagip ako ni Calix kaya hindi ako bumagsak sa sahig. Napakapit ako sa kanya.

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon