CHAPTER TWELVE

4.1K 143 14
                                    

NOTE FROM THE AUTHOR: Hi, guys! St. Catherine High has now 6 books already published and available in bookstores. Please do grab a copy. Meanwhile, may facebook page din ang St. Catherine High, sana mai-like nyo (facebook.com/SCHseries) and it also has a website (heartyngrid.com/st-catherine-high). Thank you! Enjoy reading! :) -Heart Yngrid



DINALA ako ng mga batang kalaro ko sa puwesto ni Calix dahil siguro malilim doon kaya umupo ako sa bench na kinauupuan niya. Sumali na ang batang kausap niya kanina sa mga batang kasama ko. Naglaro sila sa harapan namin.

"Nag-e-enjoy ka ba?" naisipan kong itanong kay Calix. Para rin akong siya kanina nang samahan niya ang batang nag-iisa. Gusto ko siyang samahan dahil nag-iisa lang siya. Wala talaga ni isa sa mga kasamahan ko sa club ang gustong lumapit kay Calix.

Nagbuga siya ng hangin. "Sa tingin mo?"

Tinitigan ko si Calix. Bumalik na naman ang bored look sa mukha niya. "Sa tingin ko... nag-e-enjoy ka kahit papano."

"Really?"

"Anong sinabi mo sa batang parang may toyo kanina? Ba't sumaya na siya at nakipaglaro na sa iba?"

"Sinabi ko na leader ako ng isang gang at ipapagulpi ko siya kapag hindi siya tumigil sa pagmumukmok dito at hindi makipaglaro sa ibang mga bata."

Napabulanghit ako ng tawa. "Nagpapatawa ka ba?"

"Hindi na mahalaga kung anuman 'yong sinabi ko sa bata."

"Na-amaze lang naman kasi ako. Kaya mo naman palang mang-amo ng mga mata. May gentle side ka rin pala."

Hindi sumagot si Calix. Nakamasid lang siya sa mga batang naglalaro.

"Nakakaawa sila, 'no? Wala na silang parents. Ang iba sa kanila, abandoned pa. Pero halos lahat naman sila mukhang masaya. Parang hindi nila alintana na wala silang pamilya. Pero nararamdaman ko sa kanila 'yong pag-asa. 'Yong pag-asang may pamilyang pupunta rito at kukupkop sa kanila one of these days."

"Hindi lahat ng batang nasa bahay-ampunan nagiging masaya kapag inampon ng isang pamilya."

Kumunot ang noo ko. "Paano mo nasabi 'yon?"

"Minsan kasi mas masaya pa sila na narito sa bahay-ampunan kaysa mapunta sa isang pamilya na hindi naman sila mamahalin."

"Bakit naman mag-aampon ang parents kung hindi naman nila mamahalin ang bata?"

"Hindi lahat ng nag-aampon may magandang hangarin sa bata."

"Anong ibig mong sabihin?"

Nagpakawala ng buntonghininga si Calix. "Nakatingin na 'yong boyfriend mo. Baka magselos 'yon."

Lumipad ang tingin ko kay Gilbert na nakatingin nga sa amin. Nakita ko ang kaunting pag-aalala sa mukha niya. "Bakit ka ba boyfriend nang boyfriend? Magkaibigan lang kami."

"Pero may gusto ka sa kanya, 'di ba?"

"Wala akong gusto sa kanya."

Sa wakas ay tumingin sa akin si Calix. Hindi ko alam kung relief ba ang nakita kong saglit na lumarawan sa mga mata niya bago napalitan ng pagtataka. "How could you not like the guy? I mean, he's good-looking, mabait, may utak, may direksyon ang buhay..."

Tumingin ako sa mga batang naglalaro. "Hindi ko alam. Hindi naman kasi laging ang nagugustuhan natin, eh, 'yong mga dapat nating magustuhan. Minsan, magkakagusto tayo sa taong alam nating hindi natin dapat magustuhan. Ang weird." Nang balingan ko si Calix ay nasalubong ko ang titig niya. Saka ko lang na-realize ang kahulugan ng sinabi ko. Nag-iisip ba si Calix na may gusto ako sa kanya kahit hindi ko dapat siya magustuhan?

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Where stories live. Discover now