CHAPTER TEN

7.1K 256 68
                                    

NOTE FROM THE AUTHOR: Sa previous chapter, nakilala n'yo si Kassie. Meron din syang sariling story! Siya ang bida sa #SocialMediaAddict (SCH series #4). Nandito rin siya sa Wattpad account ko pero published na ang book nya at available na sa bookstores. Hope you grab a copy! :) - <3Yngrid


"MALAPIT na ba tayo?" tanong ko sa katabi ko sa upuan sa coaster na si Raisy na secretary ng community service club.

Papunta kami sa Manila Bay para sa clean up drive project na kung saan kasama namin ang community service club ng St. Catherine University. Joint project iyon ng high school at college department. Ang layunin ng proyekto ay tumulong sa paglilinis ng maruruming bahagi ng shores ng Manila Bay para sa mas malinis na kapaligiran.

"Malapit na," sagot niya at ibinalik ang tingin sa folder na may naka-fastener na bond papers. Hindi ko alam kung ano iyon. Siguro ay listahan ng schedule ng upcoming projects ng club.

Tumango ako at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Tiningnan ko ang mga commercial establishments na kay bilis na nagdaan sa mga mata ko. Bigla kong naisip si Calix. Walang konek sa mga establishments pero basta ko na lang siyang naisip.

Nabalitaan ko kahapon na gumawa raw siya ng school offense. Matagal-tagal na simula nang gumawa siya ng gulo sa loob ng eskuwelahan. Nag-vandalize raw siya sa pader sa likod ng gymnasium. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Ang ganoong klaseng school offense ay gawain lang ng mga gang rookies. Dapat ay pass na siya sa ganoong stage. Anong pumasok sa kukote ni Calix at ginawa nito iyon? Naniniwala akong smart siya at hindi na ipapahamak ang sarili sa school sa ganoon ka-dumb na school offense. Hindi siya naging lider ng Mercurial Gang for nothing.

Nang makarating kami sa baywalk ay natipon-tipon ang mga miyembro. Lahat ng high school ay nakasuot ng green shirt na may print ng simbolo ng club at ang college naman ay red shirt. Habang nagsasalita sa megaphone ang leader ng college team upang i-brief kami sa mga gagawin ay lumapit sa akin si Gilbert para bigyan ako ng rubber gloves. Niyaya ko siyang maki-selfie sa akin habang ang background ay ang umpukan ng mga taong kalahok sa proyekto. Ang sabi ko ay ipo-post ko lang sa Instragram. Cool naman si Gilbert at naki-wacky pose pa sa akin sa twofie namin.

Natigil ako sa pakikipag-twofie kay Gilbert nang mapuna kong nakatingin ang mga kasamahan namin sa bagong dating na black topdown car na humimpil sa gilid ng driveway. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tumalon mula sa loob ng sasakyan palabas si Calix na nakasuot ng black sando at pants. Si Mark ang nagmamaneho ng kotse.

Anong ginagawa ni Calix dito? Manggugulo ba siya?

May inihagis na berdeng tela si Mark kay Calix na sinalo naman ng huli. Green shirt? Green shirt! Iyon ang t-shirt na suot namin. Napanganga ako sa pumasok na ideya sa isip ko. Kasama sa clean up drive si Calix?

Napabaling ako kay Gilbert na kay Calix din nakatingin. Halos lahat naman ng high school volunteers ay nakatingin kay Calix na habang naglalakad palapit sa amin ay nagsusuot ng t-shirt.

"A-Anong..." nauutal na tanong ko kay Gilbert. "Anong ginagawa ni Calix dito? Bakit siya nandito? Kasama ba natin siya?"

"Oo." Halatang hindi masaya si Gilbert na makita ang lider ng Mercurial Gang. "Kasama siya."

"Don't tell me nag-volunteer siyang sumali sa clean up drive?"

"Hindi. Order ng guidance counselor na isama siya sa three consecutive projects ng community service club as punishment sa recent school offense niya."

"T-Talaga?" Ang vandalism offense ni Calix ang malamang na tinutukoy ni Gilbert.

"Hindi na bago ito. Second time niya, actually, na makasama sa amin nang labag sa loob niya."

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon