Chapter 2

106 4 0
                                    


Nang pumasok si Danica ay gising na ang lalaking wala siyang nagawa kundi ang iuwi kagabi. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang sapo ang ulo.

"Magandang umaga."

Natigil siya sa akmang paghakbang nang gulat na napabaling ito sa direksyon niya. Una, dahil kumabog ang dibdib niya nang magtama ang mga mata nila. At pangalawa, dahil sa naging reaksyon nito.

Ganoon na lang ang pagtataka ni Danica nang nagmamadaling isiniksik nito ang sarili sa pinakadulo ng kama at nagtakip ng kumot hanggang leeg.

"Who are you?" kinakabahan nitong tanong. Nagpalinga-linga ito sa loob ng silid. "Where am I?"

Nasa earth., tugon niyang hindi naisatinig.

Napakunot-noo siya. Wala itong natatandaan? Gayong kagabi lang ay sambit-sambit nito ang pangalan niya. At ito ba talaga ang lalaki kagabi? Para kasing nag-iba. Parang... sinapian?

"Answer me!"

Napakislot si Danica sa pagsigaw nito. Gusto niyang kausapin ito para sana kalmahin. Kaso ay parang may humihila sa dila niya dahil sa titig nito na nagpapakaba sa kanya. Naka-arko pa ang mga kilay nito na animo'y tinatantiya siya.

Tinalikuran niya ito para magtawag ng kasama. Kaso, hindi pa man siya nakaabot sa bukana ng pinto ay may pumigil na sa kanya sa likuran at tinakpan ang bibig niya.

"Who are you? And where the hell I am?"

Nanigas si Danica sa kinatatayuan. Sa liit ng kanyang katawan, napakadali sa lalaki na sakupin ang kabuuan niyang ipinaglihi sa kawayan.

"Answer me!" ulit nitong may kalakip nang babala.

Tanga ka ba?! Paano ako makakasagot kung halos buong mukha ko ang natatakpan ng kamay mo?! panggagalaiti niya sa isip pero hanggang isip lang. Hindi naman kasi siya ang tipong mabunganga. Hanggang sa utak niya lang siya kayang magmaktol at magreklamo pwera na lang kung mag-isa siya sa kwarto.

Nang hindi pa rin kumibo si Danica ay naramdaman na lang niya ang pag-angat ng katawan sa ere. Bumalik sa lalamunan niya ang pinakawalang tili nang muling takpan ng lalaki ang bibig niya pagkatapos itong pumaimbabaw sa kanya nang mailapag siya sa kama pahiga.

Her eyes widened when his face is so close to hers. Biglang bumalik sa kanya ang eksena kagabi sa bar. Kung ganoong naramdaman niya ang hininga nito sa mukha niya, ibig sabihin ay isang galaw na lang, maglalapat na ang mga balat nila. Kagaya ngayon na pigil niya kahit ang paghinga dahil ayaw niyang gumawa ng extra movement.

"Miss, I can hurt you, you know. Just answer me silently and I'll let you go without a single scratch."

Unti-unti nitong niluwagan ang kamay sa bibig niya. She readied herself to scream but the pounding of her heart seems loud enough for everyone to hear. Pabilis din ng pabilis na para bang may humahabol na pulis.

"Now, can you-"

"Nica?!"

Danica's body straightened. Bigla siyang nagkaroon ng lakas na itulak ang lalaki nang marinig ang gimbal na boses ni Sister May. Dali-dali siyang tumayo at nang makawala ay tumungo sa likuran ng madre para magtago.

"Ano ang ginagawa mo sa pamangkin ko?!" ani Sister May na mas matatag ang boses kumpara kanina.

"Totoong madre ka?" nagdududang tanong ng lalaki. Nagulat pa siya nang malamang marunong pala itong mag-tagalog.

"Walang galang. Saan ka nang itinuro ang 'po' at 'opo' sa paaralan?"

"Sister May, gising na ba ang bisita natin?" sumulpot si Sister Marie, ang mother superior ng ampunan. "O, hijo, buti at gising ka na. Nakakain ka na ba?" anito nang lumipad ang tingin sa lalaking palipat-lipat na ang mga mata sa kanilang nandoon.

Back to BracksWhere stories live. Discover now