Chapter 9

89 2 0
                                    

Nag-umpisa na ang palaro nang makarating si Trixia sa ampunan. Nagkakasiyahan na ang lahat at may nakikita siyang mga batang nagtatakbuhan. Nang maiapak niya ang paa sa lugar, gumaan ang kaloob-looban niya. Pakiramdam niya ay nakauwi siya sa tahanan niya mula sa mahabang pagliliwaliw.

Tumuloy siya sa comfort room para magbihis. From dress, she changed it to a pair of jeans and shirt. Itinago niya ang nakakamatay na heels at isinuot ang komportableng sneakers. Tinanggal niya ang lahat ng anik-anik sa katawan tsaka itinirintas ang buhok pataas. Naghilamos siya at nang maayos na ang lahat ay napangiti siya. Sa mga mata niya, sa anyo niya, parang bumalik si Danica.

Trixia fixed her things. Kumakabog ang dibdib niya sa excitement. Gusto niya pag-uwi mamaya ay hihilik siya sa sobrang kapaguran. Gusto niya, simula ngayon at sa susunod na mga araw, maging parte siya ng buhay ng mga bagong miyembro ng Capogian Grande sa pangangalaga ng kanilang ampunan.

Hinahanap niya ang mga magulang nang lapitan siya ni Chard- her ex boyfriend. Kumunot ang noo niya nang mapansing iba kung makatitig ito. When he smiled like he found what he's looking for, inabot nito ang kamay niya at saka hinawakan.

"Trix, may sasabihin ako."

"Go ahead."

He took a deep breath. "I'm in love with someone." Isang tao lang ang pumasok sa isip niya subalit hindi siya umimik at hinayaan itong magpatuloy. "I'm in love with someone to the point that my feelings for you before didn't even able to make a half of it. Sorry."

"No need. At masaya ako sa estado ng buhay pag-ibig mo ngayon."

"No. I need to apologize." Lumamlam ang mga mata nito. "I hated you. Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo. Nagalit ako kasi ako si Chard Tan at ginanon mo ako. You dumped me."

"Naiintindihan kita, Chard. At karapatan mo iyon."

"Pero wala ka namang kasalanan. Dahil karapatan mo ring ayawan ako lalo na at wala ka naman talagang gusto sa akin. Kung tutuusin, ginawan mo pa ako ng pabor. Pasensya na sa pagiging childish ko."

"Alam mo, kalimutan na lang natin iyon," pagtatapos niya sa usapan. Wala na talaga sa kanya ang nangyari at ito lang ang inaalala niya. Nagagalak siya na natagpuan na nito ang babaeng talagang mahal nito. "Pwede bang malaman kung sino ang babaeng iyon?"

Nang ngumiti si Chard na umabot sa mga mata nito, napagtanto niyang in-love nga itong talaga. It reflects on his aura that's blooming no one would never notice.

"Next time."

"Si Grasya," she said, more of a statement. Bumagsak ang balikat nito na ikinatawa niya. Ang babae ang head ng ampunan.

"Trix, you should smile and laugh more often," komento nitong nakapagpatigil sa kanya. "I know you're nice and beautiful in total. Nakikita sa gawa mo. But what's keeping you hide the real you, iyon ang 'di ko alam."

"Nature ko na," alibi niya.

"Tell that to other tribes." He winked.

Trixia felt at ease. "Ano pa ang ginagawa mo rito? Alis na!" pagtataboy niya. "Mag-propose ka na at libre ang design sa traje de boda ng bride."

"Thanks. I'll keep that in mind."

Nang mawala ito sa harapan niya ay hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ni Trixia. Kahit naman kasi hindi niya ipinapahalata, ang makagawa nang hindi maganda para sa iba ay nagpapabigat ng nararamdaman niya. She's happy for Chard since she considered him a friend. And she wishes him all the best.

Back to BracksWhere stories live. Discover now