Chapter 5

88 0 0
                                    


"Nica, gumagamit ka ba ng glutathione soap?"

Napahinto si Danica sa paglalakad at kunot-noong binalingan si Bracks. "Bakit?"

"I don't know." Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Dalawang linggo lang kasi akong nawala pero ang skintone mo nag-iba. It glows. In love ka ba? O may natitipuhan ka na sa mga manliligaw mo?"

"Wala akong manliligaw," aniyang muling naglakad.

Hindi na niya pinapansin ang mga tinging ibinibigay ng mga estudyanteng nadadaanan nila. Sa ilang buwan mula nang magkakilala sila ni Bracks ay naging hobby na nito na sunduin siya. Kumalat ang balitang nobyo niya ang lalaki pero alam nilang dalawa ang real score. Wala naman itong pakialam sa tsismis at ganon na rin siya. Nong una, ikinabahala niya iyon pero na lumaon ay naiignora na niya.

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko."

"Wala akong ginagamit. Natural iyan." She said while flipping her natural straight hair.

"Hindi sa buhok ginagamit ang glutathione."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Alam ko. Pero wala nga kako akong ginagamit. Normal na kulay ko ito. Nagkataon lang na few months ago, feel na feel ko ang araw. At siyempre hindi mo mapapansin. Halos araw-araw ba naman tayong nagkikita."

"Hmm..." sambit nitong nagdududa pa rin.

"Bracks, normal sa aming mga babae ang magkaroon ng pagbabago." pahayag niya. "Lalo na sa dyosang gaya ko."

He laughed. "Hindi ka na dyosa ng uling ngayon. Makikita ka na kahit sa dilim."

"Nasa bright cycle ako. Tingnan mo bukas o makalawa, makakakita ka na naman ng kadiliman sa pagkatao ko."

Nang buksan ni Danica ang pinto ay nanlaki ang mga mata niya. A big pack of snickers chocolate filled the whole seat. Ngiting-ngiti lumapit siya kay Bracks na nasa kabilang side at niyakap ito.

"Ano ang kapalit ng kabaitan mong ito? Paglilinisin mo ako ng sasakyan mo?"

"Na-miss kita, e." Ginulo nito ang buhok niya. "Kaya araw-araw bumibili ako ng snickers at iyan ang sumatutal."

"Thank you."

"You're most welcome, honey."

"So, kamusta ang bakasyon?" Nilalantakan na niya isa-isa ang tsokolate.

"I was on a business trip. Kaya masakit sa ulo."

Pumunta kasi ito ng ibang bansa at isinama ng magulang nito para unti-unting matutunan ang takbo ng negosyo ng pamilya nito. Sa araw-araw na magkasama sila, naging open na rin sila sa isa't-isa kaya marami na rin siyang alam tungkol kay Bracks.

"Masasanay ka rin."

"Ikaw? What's your plan? Months from now, gra-graduate ka na. Balak mong mag-apply sa iilang kompanya?"

Umiling siya. "Magmumukmok ako sa ampunan. Masaya na ako roon."

"You should explore, Nica, while you're still young."

"Nagsalita ang matanda." Ang alam niya, tatlong taon lang ang tanda nito sa kanya.

"I've been to many places."

"You're a traveler by heart, Bracks. Samantalang ako, hindi. Kanya-kanya lang iyan."

"Kunsabagay. But you should try at least," pangungumbinse pa nito.

"Pag-iisipan ko."

Nang nasa ampunan na sila, gaya nang nakasanayan na, nakikipaglaro sila sa lahat ng bata. Bracks loves kids a lot. Higit pa nga sa kanya kasi hindi ito nauubusan ng pasensya. He has energy for every child and it amazed her.

Back to BracksWhere stories live. Discover now