Chapter 12

89 1 0
                                    


"Pero, Trixia, ano ang ginagawa mo rito?"

Ang buong akala ni Trixia ay hindi na siya pupunahin ng ate-ate niyang si Russ na siyang may-ari ng Cagandahan Lounge. Nakatuon kasi ang atensyon nito kay Caille na siyang may dinadala ngayong mabigat na bagay na involve ang minamahal nilang si Governor Deo. Pero heto at siya naman ang nasalang sa hotseat.

"Umiinom ako, Ate. Mukha ba akong sumasayaw?" She tried to crack a joke that wasn't really funny from the start.

"Kilala kita. Hindi mo ako madadala sa ganyan."

Hindi kumibo si Trixia. Nang unang umapak siya sa Capogian Grande ay si Russ ang kauna-unahang tubong-probinsya na nakadaupang-palad niya at nakapalagayan ng loob. Kaya hindi niya maikakailang nailalabas niya ang ibang side niyang tagong-tago sa iba.

She smiled and continued drinking the bottle of Baileys she ordered. Ayaw niyang sumagot at alam niyang naiintindihan siya ni Russ. Lihim na lamang siyang nagpasalamat nang hindi na ito nang-usisa pa.

Ilang praktis na ng runway na pilit ni Trixia ang sarili na huwag magpa-apekto. Sinusubukan niya sa abot ng makakaya niya na maging propesyonal sa harap ng mga taong naging parte ng nakaraan niya at malaki ang naging papel pagdating sa usaping pampuso. She wanted to forget everything for the last four years and she thought she managed. But seeing them in front of her, talking to her as if nothing, it makes her emotion stir.

Hindi na niya alam ang gagawin pa para panatilihing kalmado ang sarili. She's mad about something but she knew it didn't make sense at all. Siya lang talaga itong loka-loka na nagagalit at nasasaktan pa rin dahil sa mga taong kung tutuusin, walang muwang sa pinagdaanan niya. Ang masaklap lang kasi, minahal niya ang mga ito at nagtiwala siya kaya hindi niya matanggap na pakitang-tao, peke, at ang lahat ay palabas lang pala.

"Ate Caille, nag-away kayo ni Kuya Deo?" She needed a diversion. Iyon ang dahilan kaya dumayo siya sa bar sa kabila nang kaliwa-kanang trabaho.

"Medyo."

"Kung ikaw ang inaway, pagpasensyahan mo na. Baka stress lang siya sa trabaho. Pero kung ikaw ang nang-away, mag-sorry ka at huwag mo nang uulitin. Ngayon ko lang ulit nakitang masaya iyon. As in napakasaya," tuluy-tuloy niyang sabi.

Tama naman ang mga salitang binitawan ni Trixia. Mabait at masayahin si Deo sa harap nila kahit istrikto pagdating sa rules and regulation nito. Pero iba ang saya na nakita niya kanina nang makita nito si Caille sa entrada ng probinsya kung saan nandoon din siya. Kung siguro, siya ang taong hindi pa nakakaranas na magmahal, baka hindi mapuna iyon. Pero heto at-

Cut that, Trix! saway niya sarili. Kailangan ba dapat may mapaghambingan ka para mapatunayan ang natunghayan?

"Bakit mo sinasabi sa akin iyan? It's not as if I'm his happiness," nagpapaka-bitter na tugon ni Caille.

"Sino pa ba?"

"Kayo. Ang mga mamamayan ng Capogian Grande."

She laughed. "Ate, abogada ka kaya huwag kang tanga. Hindi pwede sa 'yo ang maging tanga." Mas matalino ito kumpara sa kanya kaya kahit papaano ay katanggap-tanggap ang katangahan niya noon.

"Imposibleng hindi mo nararamdaman, Caille," komento ni Russ. "Imposibleng hindi mo nakikita."

"Agree ako. Nag-uumapaw pa nga. Lalo na ang eksenang yakapan kanina. Para kayong nag-sho-shooting. Nakakadala!" At nakakakilig!

"He deserves someone better."

Those words rang a bell- so loud Trixia almost couldn't take it. Sunud-sunod na tungga ang ginawa niya na dapat ay lumaklak na lang siya mula sa bote nang maramdaman ang pagbabara ng kung ano sa lalamunan niya.

Back to BracksWhere stories live. Discover now