Chapter 8

95 2 0
                                    


"Hey, Sis! Sasabay ka ba sa akin?"

Pinupunasan ni Trixia ang basang buhok nang biglang buksan ng kapatid niyang si Ted ang pinto ng kwarto niya. Ngumisi ito nang imbes na sumagot ay tinitigan niya lang ito nang hindi nagpapakita ng kahit na anong reaksyon.

"Alright!" Itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Sorry. Dapat kumatok muna ako."

Nilapitan niya ito at in-unbutton ang unang dalawang magkasunod na botones na mukhang sumasakal na sa leeg nito. "Kuya, hindi ka naman magpapari."

"Sinadya ko iyan." He kissed her forehead. "Ano na? Sasabay ka ba sa akin sa ampunan? Wala akong dalang date."

"Kailangan ko pang dumaan sa opisina kaya huwag na lang. Magpapahatid na lang ako."

"I thought Aaron asked you to come with him?" kaibigan nito ang tinutukoy nito na may gusto sa kanya. "Mas matutuwa ako kung ang sinagot mo ay hindi ka sasabay dahil nandiyan na siya."

"I declined." Hinawakan niya ang pinto na parang sinasabing ayaw na niyang pahabain pa ang usapan nila.

"Trix, Aaron is a nice guy. You should consider him," pagtutulak ni Ted. Botong-boto ito sa lalaking tingin niya'y hinakot ang lahat ng kayabangan sa sanlibutan. "Si Chard na ayaw ko, sinagot mo. Tapos-"

"Kuya, may pulong pa akong dadaluhan kasama ang mga manggagawa. Kapag pag-uusapan natin iyan, aabot tayo ng siyam-siyam," putol niya sa gusto nitong pag-usapan nila. Sinubukan niyang pababain lamang ang boses para hindi ito magtampo sa kanya.

"Okay." Nakakaintinding tumango ito. "But I want us to talk about him. Ang tagal ka nang nililigawan ni Aaron at tingin ko ay dapat mo rin siyang bigyan ng chance."

Nang walang sagot na nagmula kay Danica ay bumuntong-hininga ito at nagpaalam na. Nuncang susundin niya ang sinabi ng kuya niya kahit gaano pa ito kapursigido. She hates Aaron's guts. Makita niya lang ang lalaki ay umiinit na ang ulo niya dahil sa bagyong dala nito. Kung hindi pa nasabi ng ina nila na mula pa pagkabata ay best buddies na ito at si Ted, magkaka-amnesia na muna siguro siya bago niya paniwalaan iyon.

"Hija, magkikita tayo mamaya, di'ba?" tanong ni Tirso, ang kanyang ama.

"Baka ma-late ako, Pa. Pero hahabol talaga ako. Gusto kong makilala agad ang mga bata."

Nang magpadala ng liham si Governor Deo sa bawat mamamayan ng Capogian Grande para sa plano nitong pagpapatayo ng ampunan ay agad siyang sumang-ayon at ipinalagay ang kompanya niya bilang isa sa mga sponsor. She misses being around with children and knowing she could be with those little cuties again, it bloats her heart.

Mula kasi nang ipasok niya ang sarili bilang Trixia at iniwan na ang nakasanayang Danica, ginugol niya sa pagpapa-unlad sa sarili ang lahat ng oras niya upang maging karapat-dapat na miyembro ng mga Allegre. Masyado siyang naging abala sa pagbabago ng buhay niya na hindi niya namalayang taon-taon na rin pala ang nagdaan.

Subalit... siguro ganoon talaga. No matter what kind she'd become and how many changes occurred in her surroundings including the new people she let in, there are things that she will always treasure. Ang pag-uugaling kung saan man siya lumaki, hinding-hindi niya iyon makakalimutan at parating lilingon ano't-anuman.

"Nandoon na ba ang lahat ng mga damit na edo-donate mo?" tanong naman ng ina niyang si Maria Shana.

"Opo, Ma. Masaya ako nang ibalita ni Grasya na tuwang-tuwa ang mga bata sa mga disensyo."

"Keep it up, Trixia. Proud na proud akong sabihin na ang aking prinsesa ay nagmana sa kanyang ama."

"Anong sa 'yo?" kontra ng esposa nito. "Sa tangkad at ganda pa lamang, halatang sa akin na lahat. Huwag ka nang sumingit."

Back to BracksWhere stories live. Discover now