Chapter 6 "Day 8"

4 0 0
                                    

Chapter 6 "Day 8"

Naalimpungatan ako sa aking mahimbing na pagtulog. Unti-unti kong minulat yung mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag galing sa bintana.

Ano ba yan, inaantok pa ako eh... 5 mins. pa...

Ipinikit ko ulit ito dahil sa nanghihina parin ang buong katawan ko, idamay mo na ang sobrang sakit ng ulo ko.

Siniksik ko ang sarili ko sa malaking unan ko na yapos yapos ngayun. Pero parang may mali sa unan na ito, nataas baba kasi. So ang ginawa ko kinapa ko ito mula sa nataas baba pababa ng pababa ng may maramdaman akong humawak sa aking kamay.

And there i heard a male voice. "Huwag dyan, may kiliti ako dyan." and chuckled manly.

Naimulat ko ng malaki ang aking mga mata at ng makita ko kung sino yun ay gumulong ako na parang cartoon character pababa ng kama.

Isang malaking katanungan ang naglalaro sa aking isipan. KATABI KO SI SIR VINCENT MAGDAMAG!!???

"Wag ka muna masiyado gumalaw, may hang-over ka pa."

Tinignan ko ito at naramdaman ko na ang hilo dahil sa biglaan kong kilos, dumilim ng bigla ang paningin ko. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.

*****

"waaahhh, grabe me is sooo kinikilig kilig!"

Nagising ako dahil sa maingay na nilalang na naglililikot sa higaan ko. Dahan dahan akong umupo galing sa pagkakahiga at nagkusot ng mga mata.

"Jenny, hmmm nu ba!"

Pinaghahamapas ako nito ng unan at nagtitili ng walang habas ang boses.

Ano ba talagang problema nito?

"Friend, grabe ka kagabi ha. Di mo naman sinabing may galas ka kapag nalalasing. Sobrang shock tuloy kami."

Nagtataka kong tinignan ito. Ako? Ano bang pinaggagawa ko kagabi?

Tinignan ko ang paligid at nasa kwarto na pala ako nila Jenny.

"Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanya.

Napansin kong iba narin ang suot kong damit. "Ikaw ba nagpalit sa akin ng damit?"

Hinampas ulit ako nito. "Grabe ka ha. Nakalimutan mo agad?"

"Ang alin?"

"Nag-iiyak ka ng malakas kagabi sa bar, nakakhiya nga kaya umuwi na agad tayo dito. Tapos si Sir Vincent ang nag-asikaso sayo kasi ayaw mong bumitaw ng pagkakayakap sa kanya. Kapag naman aalis sya, lalo mong nilalakasan ang iyak mo. Kaya nga magkatabi kayo natulog. Ayeeeee~"

Bigla akong napahawak sa ulo ko, unti-unti ko ng naalala ang nangyari kagabi.

~~~~~~

"Tama na yan Georgelyn, nakakarami ka na!"

Tinignan ko ng masama si Hubert. Bakit ba nangingi-alam to? Hindi naman sya ang malalasing kundi ako. Inirapan ko nalang sya at nagpatuloy sa pag-inom.

Tumingin tingin ako sa paligid at ng makita ko na yung hinahanap ko. Inistraight ko yung pag-inom ng isang basong beer.

Nakita ko lang na masayang nakikipagdaldalan si sir Vincent kay Maylee. Nalulungkot ako, nagseselos. Inaamin ko, may paghanga ako kay sir pero wala akong karapatan kasi hindi naman kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How To Love A RabbitWhere stories live. Discover now