Chapter 5 "Day 7"

3 0 0
                                    

Chapter 5 "Day 7"

"Good morning po!"

"Pasok kayo mga totoy!"

Naunang pumasok si Hubert kaya sumunod na kaming dalawa ni Sir Vincent sa loob ng bahay ng iinterviewhin namin. Isang malaking bahay lang naman ito, kulay pink ang loob at labas na pader.

Naupo na kami sa salas habang iniinterview na sya ni Hubert.

"Inday, makikihain nga ng mga biskwit at juice tong mga bisita natin!" utos nya sa kasambahay nyang nasa bakuran nila at naggagamas ng damo.

"Opo." tugon naman nito.

"Makikisagutan nalang po ng mga chineckan po namin mam dito sa form." pagbibigay ko sa kanya ng ballpen at nung form sa folder. Dapat kasi ito ang gawain ni Sir Christian ngayun, kaso wala sya ngayun dahil nagka-emergency daw sya sa bahay nila sa probinsya. Babalik naman daw sya sabi nya sa akin.

Di ko nga alam kung bakit nya pa kailangan magpaalam sa akin. So as usual, sinakayan ko nalang din. Tinext ko nalang ng 'sige, ingat ka po Sir!'.

Nakita kong patapos ng magsagot si Aling Minda sa form kaya naman kinompose ko na ng maayos ang sarili ko para nasa wisyo ako habang nasa trabaho. I put up my sweet smile.

"Ineng, tapos na itong sinasagutan ko." sabay abot sa akin nung form. Iniscan ko yung form nga lang may kulang pa. Ibinalik ko ito ulit kay aling Minda na ngayon ay pinapaayos na sa kasambahay niya yung mga pagkain.

"Aling Minda, kailangan niyo pa po pirmahan itong nasa ibaba kasama ng pangalan niyo po." pagturo ko sa pipirmahan niya.

"Ay ganuon ba ineng? Sige pipirmahan ko na ito."

Nang matapos pirmahan ni Aling Minda eh nagjoke pa ito na baka daw mawalan sya ng kayamanan sa pinirmahan nya. Palabiro din pala ang matanda.

"Naku, lupa at bahay lang naman po ang kabayaran." pagbibiro rin ni Sir Vincent.

Nakakagulat nga na tumugon sya ngayun. Simula kasi kagabi ay hindi na ulit sya umiimik. Mysterious siguro talaga syang tao, di mahilig umimik kaya hanggang ngayun wala parin akong ideya sa personal na buhay niya. Hindi gaya ni sir Christian na laging dinadaan sa bola ang kanyang pagkukwento tungkol sa sarili nito. Tapos ngayun naman nagjoke sya, naguguluhan tuloy ako sa ugali nya. Teka, bakit ba ako interested!? Grrr nakakaasar ka na sarili ko! Focus, focus Georgelyn.

"Miryenda na muna kayo mga tutoy at dalaga, baka nagugutom na kayo." pang-aalok sa amin ni Aling Minda ng pagkain na nakahain na ngayun sa lamiseta.

"Naku, hindi po kami natanggi sa ganyan. Salamat po." masayang tugon ni Hubert at nagsimula ng kumuha ng Biskwit at Juice.

"Salamat po." Narinig kong tugon ni sir Vincent nung naglalagay ako ng mga gamit namin sa bag ko.

Paglingon ko sa lamiseta, nakita ko si Sir Vincent na inilalagay sa tapat ko ang biskwit at juice na ipinahanda ni Aling Minda. Tinignan ko sya ng mataman at binigyan nya lang ako ng isang matamis na ngiti.

No, no ,no... Ano na naman tong nararamdaman ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Wag, huwag ganito.

"Ay nako, ang tamis naman ng pag-aalaga sa iyo ng boyfriend mo ineng." parang kinikilig na sabi ni Aling Minda na bigla ko namang itinanggit.

"Naku, imposible po. Lalaki po ako." Pagbibiro ko nalang, ayoko kasi ng ganitong pakiramdam. Parang nanghihina ako. Ayoko nito.

"Asus, nagkunwari pa. Haaaayyy. Ganyang ganyan din kami ni Kulas ko nung kabataan namin." banggit nitong parang may naalala.

How To Love A RabbitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon