Chapter 1 "Day 1"

14 0 0
                                    

All rights Reserved 2017
Author: Bevmo

George's POV

"P*tang ina, Gago!!!!, ohm nadali mo, P*tang ina, wag ka dyan pare, sa kabila ka dalian mo bilis bilis, aaaarrrggghhhh!!!!"

Napasinghap ako sa nagpapapadyak ng paa sa katabi kong upuan, puro mura iniimik niya ang lakas lakas pa. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pagsearch ko ng LET result ko dito sa comp. Shop. Aish.

Sige wag mo na pansinin yang nag SF na katabi mo di rin naman ikaw maririnig niyan kapag pinagsabihan mo yan Georgelyn kasi ang laki ng headset niya na nakatakip na sa buong tigkabilang pisngi niya, mapapahiya ka naman. Ok ok,

SCROLL
SCROLL.

Tnignan ko yung monitor ng maigi nung tumambad sa akin yung Secondary Education LET Results Sept.2015 major in Physical Science. Kinlick ko ito at hinanap ko ng maigi yung pangalan ko.

"Nasan ba dito yung Apilyedo ko?" Nasambit ko nalang kahahanap ng letter ng apilyedo ko... actually alam ko na naman na nakapasa ako. Pero iba parin kasi yung first hand mo nakita eh.

Basta kasi nakarecieve ako ng tawag galing sa Review center na pinasukan ko na "hello Mam Georgelyn Luwalhati Manlabag, you passed the LET exam. Congratulations!!!" Ang narinig ko lang ng malakas eh yung congratulations, nun time kasi na yun kagagaling lang namin ng MOA Arena from the Anniversary of our Company kaya medyo maingay pa, idagdag mo na ako yung ginawang photographer ng Mommy ko so inisa isa ko yung mga sinabi niya.

Passed. Yung ung inintindi ko. And the latter says congrats so that means the result of the exam is within that day kasi after 45 working days daw ang result so i checked and poof! Binganggit ko nalang sa family ko and there you have it. Kinauwian nagpunta agad ako ng comp. Shop to check.

"Manlabag, Georgelyn Luwalhati rl00000089"... Oh Em. GOSH.

So nakapasa talaga ako. Haaayy...

Hindi ako masaya na half part lang. Pinaghirapan ko to para magkalisensya ng 4 years and idagdag mo ung highschools and elementary. Pero nung nakagraduate ako. Iba naging priorities ko. Gusto kong magnegosyo, makapunta sa iba't ibang lugar. Yung hindi natatali sa apat na sulok ng kwarto. Makakilala ng maraming tao. Iba't ibang tao. Yung mas maedad sa akin at mas maraming ikukwento.

Lumabas na ako sa comp. Shop matapos kong magbayad sa account na nagamit ko.

Haaayyy, ang hirap makipaglaban sa pangarap na tatay mo sa iyo. My mommy never let me make any decisions that i won't like. Oo magulo kasi ako nasusunod sa aming dalawa. My tatay naman, siya nagpapaaral sa akin kaya kahit sa aming tatlong magkakapatid na ang dalawa ay parehong nakapag-asawa na at hindi natapos ang pag-aaral, hindi siya naggive hope na makakatapos ako. Kaya kahit parang ayaw ko ng pumasok ng College eh pinilit ako ni mommy. Una, para hindi siya awayin at guluhin ni tatay kahit magkahiwalay na sila at ako'y piniling nasa puder ni mommy. Pangalawa, eh matupad ang pangarap niya na may makatapos ng pag-aaral ng Kolehiyo sa angkan ng mga Manlabag. And because of being a good child, i did what he wanted.

Tinapos ko ang pag-aaral ko ng walang kahit anong distractions, di ako nagpaligaw sa kahit na sino dahil narin sa takot na baka mapagaya ako sa panganay kong kuya at bunsong kapatid na babae na nakapag-asawa ng maaga dahil lang sa hindi nila sinunod na wala munang bf gf habang nag-aaral.

Lahat ng conditions nila na pwedeng makasira sa akin ay sinunod ko. Hindi naman ako nasakal sa mga ganun kasi dun sila masaya at nakakabenefit naman ako dun. Pero mahirap labanan ang gusto sa dapat. Kada nahihirapan ako sa pag-aaral ko, thesis and such di ko maiwasang isipin ang talagang gusto ko. Nahahati ang utak ko dahil sa mga yun, kaya kada nalamig ang panahon eh nasakit ang ulo ko dahil narin sa stress.

Nandiyan naman si mommy nung mga panahon na yun. Kaya kinaya ko thanks to them. At eto nga, pagkagraduate eh nagreview naman ako para sa LET. At ngayun nakapasa ako ay sobra talaga ang tuwa ni tatay.

Nakakatuwa man pero sana pagbigyan ako ni tatay sa hihilingin ko.

Sasali ako sa surveying team para magawa ko naman ang gusto kong gawin. Kahit yun lang, kahit magawa ko ang iba't ibang gusto kong gawin. Kahit yun lang.

Alam kong pinaghahandaan nila ang aking future. Reality, pero kahit yun lang na tumira muna ako sa Fantasy sa loob ng anim na buwan. Magawa ko ang gusto ko. Kahit yun lang.

Kaya eto ako ngayun sa kwarto ko at nakatulala sa cellphone ko. Halos 30 mins. narina kong nakatingin sa contact no. Ng tatay ko. Di ko mapindot ang call button dahil ayoko siya madisappoint.

Di lang katagalan eh may narinig akong kumatok sa pintuan ko, hindi ko ito tinugon kaya ilang sandali lang eh may pumihit na ng seradura. Tinignan ko si mommy, wearing her attire from work.

"Nabanggit mo na ba sa tatay mo?" I shook my head in response. Napailing nalang si mommy habang papalapit sa akin sa isang sulok ng kwarto.

"Banggitin mo na at binigyan na kita ng team para bukas, sa Cavinti ang Area mo. Good night." After that she kissed me on the forehead at iniwan na akong mag-isa sa kwato ko.

Huminga ako ng malalim. Here it goes. Pinindot ko ang call button at ng makailang ring na ay may sumagot na sa kabilang linya. Isang malagong na boses na mukhang pagod na pagod.

"Hello anak, kamusta na ang maganda kong dalaga?"

"Tay, di po muna ako magtuturo...."

......to be continued...

Author's note:

Hi! Simula palang po ito. Malapit niyo narin naman malaman kahat., wait and see. HAPPY Reading!!!

How To Love A RabbitWhere stories live. Discover now