Chapter 3 "Day 3"

9 0 0
                                    

Day 3

4 am in the morning dapat gising na dahil mahaba ang pila sa banyo. Since newbee kami, dapat mas maagap kaming gumising sa Seniors. Bawal makipag-agawan sa kanila ng banyo, kusina, pagkain, at kung anu-ano pa. Dapat sila ang laging priority pagdating sa loob at labas ng area. Kaya ito ako ngayun, hihikab hikab at dala dala ang aking toiletries papuntang banyo.

Nung nadaan ako sa kwarto nila Jenny, napansin ko na nakahiga pa ito. 'Mag 4:30 na ah' sambit ko sa isip ko. Siguro sinasamantala ni Jenny yung oras kasi mas malapit ang kwarto nila sa banyo, mas mabilis makakatakbo pagkahablot ng towel at sabunan tapos sabay ligo. Hmmm di malayong gawin niya yun kasi yun yung napapansin ko na gagawin niya based on her personality and appearance. Bahala nga siya.

Dahil maikli ang pila at pito lang kami sa bahay eh nakaligo na yung dalawa. Pagkatapos nung kasamahan ko na maligo eh ako na ang pumasok sa banyo. Hindi ko pa naisasara ang pinto ng bumalik si Maylee.

"10 mins. Lang tayo sa banyo Georgelyn." Paalala niya. Tumango lang ako bilang sagot. Nagwave na sya ng kamay pagkatapos nun.

Habang naliligo ako, napapaisip ako. Ang grupo kasi nila Jenny sa kwarto ay binubuo ng tatlo. Si Jenny, Maylee at Christian. Si Christian yung isa sa mga seniors dito. Buti nalang binati ko ng good morning si Sir.

Wait, binati ko nga ba oh hindi. Aish' hayaan na nga.

Habang nagmumuni muni ako sa banyo at halos matatapos na ako eh may narinig akong humiyaw na para bang nagmamadali tapos Palapit ng palapit yung yabag sa akin.

Nagtatowel na ako nung sinimulan ng katukin na parang masisira na yung pinto sa banyo nung tao, buti nalang patapos na ako. Agad ko itong binuksan ng makuha kona lahat ng gamit ko. Tumambad sa mukha ko ang pawis na pawis na si Jenny.

"Maliligo na ako.. ha.. ha..." hapong hapong pagsusumamo niya. Kaya tumango na lang ako at binigyan na siya ng daan papasok ng banyo. Nagkaripas na sya ng takbo papuntang shower at hubad bigla ng damit, i was taken a back dahil sa pagkablunt niya. Whole body naked sya. Isinara ko nalang ang pinto at nilock ito, mahirap na marami pa mandin boys dito. Makalibre pa sila ng live show.

"Thank you!" Sigaw niya sa loob ng banyo. Napailing nalang ako.

Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto para hindi magising ang mga seniors namin. Opo, nasa iisang kwarto lang po kami ng kateam ko. Dalawa lang naman kasi ang kwarto ng apartment na ito, bunggalow type kaya wala masiyadong hagdan.

Tiptoe tiptoe. Hayun malapit na yung closet dresser. Makakapagbihis narin sa wakas. Nakatingin ako sa mga seniors ko na mahimbing pang natutulog habang nagbibihis ako ng pangbaba sumunod ang pangtaas, nang matapos na ay kinuha ko na ang bag ko na may lamang polbo at lipstick pati narin ballpen at papel. Kakailanganin ko ito sa area mamaya. Dahan dahan parin akong naglalakad palabas ng marinig ko ang pagtikhim ng kung sino man kaya napatayo ako ng ayos.

When i turn my head to look who it is, all I saw was a genuine smile and a pair of shining eyes, di katangusan na ilong pero akmang akma sa kanyang malambing na mukha na maaaninag mo kahit malamlam ang ilaw ng lampshade. Biglang tumigil ang mundo ko ng saglit dahil sa mga larawan na lumantad sa aking mukha, Larawan ng lalaking ito at ako na magkasama na nakahiga sa kama at magkatabing nakahubad. I shake the thought after that...

"G-good morning po." bati ko rito Sabay labas ng kwarto. Napasandal ako sa pinto sa panghihina dahil sa aking naging imahinasyon kanikanina lang.

Anong pumasok sa isip ko at masiyadong green ung nakita ko. 'Si Sir Vincent talaga? Ano ba yan!!!' Nahilamos ko nalang ang mukha ko sa sobrang inis. Di pa ako nakuntento sinabunutan ko narin ang sarili ko ng konti, konti lang.

How To Love A RabbitWhere stories live. Discover now