Chapter 32: SS part 1

7.8K 189 17
                                    

Pasensya na po if nahuhuli sa update, enjoy!


Mia's POV

Determinado akong bumangon sa kama ko kasi ngayon ako magsosorry kay hubby. Nag-ayos na ako sa sarili ko tapos pinatay ko narin ang phone ko para walang isturbo. May klase pa ako ngayong umaga kaya dadalhin ko nalang sa school ang ingredients tapos doon nalang ako magbabake. Ayos lang naman daw basta pagkatapos ay dapat linisin. 

Nagtataka nga sila ashton bakit ang rami kong dala pero hindi naman sila nagtanong kaya hindi ko narin sinabi. 

"Lady Mia. Our master wants to talk to you." Sabi ni ashton sabay abot sa akin ng phone nya. Bakit naman ako gustong maka-usap ni hubby?

"Hello?" Kahit nagtataka ay tinanggap ko nalang.

"Wife,.. why can't I call you? Are you okay there? Is something wrong?" Agad na tanong nya,.. hala nakalimutan ko na palagi nya pala akong tinatawagan at chinecheck. Pero ayos lang kasi pupuntahan ko naman sya mamaya. Hihihih...

"Hindi ko kasi nacharge ang phone ko kaya namatay tuloy hubby. De bali kay ashton nalang ako makikitawag. Ayos naman ako tsaka papunta na kaming school. Ikaw? Nagtratrabaho ka na ba?" Minsan kasi OA tong si hubby.

"Good. Tell ashton if you need anything and call me okay? I have a meeting with my investors later so I may not be able to have lunch with you. Is it alright? You can come here baby if you still have time or I can just ditch this meeting." Hala busy pala sya mamaya. Di bale ibibigay ko lang naman ang cake tsaka if hindi ko sya nakita ay magsusulat nalang ako ng note. 

"Di na hubby,.. marami pa kasi akong gagawin mamaya kaya dito nalang ako kakain. Ituloy mo narin yong meeting mo with your investors... bad kaya yang bigla ka nalang hindi sisipot. " Natawa naman sya,... kita mo nga tong taong to! Pinagsasabihan ko na nga nakuha pang tumawa.

"Fine baby,.. just stay safe okay and call me if anything happens 'aye?" ang bipolar talaga nya. Kanina tatawa-tawa pa pero ngayon ay ang seryuso naman. 

"Oo na po.. Bye hubby! Kitakits!" Pagkatapos kong sabihin yun ay pinatay ko na ang tawag at sinauli ang phone kay ashton. May tumawag uli pero si ashton pala ang sadya,... akala ko kasi si hubby yon.

Makapasok na nga.





Pagkatapos ng klase namin ay agad akong pumunta sa baking room. Ako lang mag-isa ang tao rito maliban nalang kina ashton na andyan lang sa may gilid at ang iba naman ay nasa labas ng pinto. Sinimulang ko ng ilabas ang mga ingredients ko at nagsimula na akong mag mix. Gagawa ako ngayon ng strawberry shortcake. Ang paborito ko tsaka sana naman magustuhan rin ni hubby. Sabi nga ni bessy kung may isang bagay man na sobrang galing ko daw, ay yun ang pagbabake ng cake o paggawa ng desserts. Palagi ko nga syang binabake noon pagnagtatampo sya sakin. Pagtingin ko sa relo ko ay 12 na pala. After 45 minutes ay matatapos na rin ako..

Sinabi ni ashton na kumain nadaw muna ako pero sabi ko naman mamaya na pagtapos na ako tsaka hindi pa naman ako gutom. Mukhang hindi nga sya kumbinsido pero pinabayaan nya lang ako. 

After 45 minutes ay natapos narin! Yeshh!! Tapos na ako sa paglagay ng strawberries sa gilid at ang signature kong  heart shaped strawberry sa gitna. Gumawa narin ako kanina ng cupcakes na strawberry rin para sa mga kaibigan ni hubby. Yess! Binalot ko na lahat ng cakes at nilagay sa box. Kailangan ko nalang mag-ayos kasi mukha na akong haggard sa kakabake kanina. Pupunta muna akong mall para makapagbili na rin ng bagong damit kasi mas hassle if uuwi pa ako ng bahay at tsaka baka hindi ko na maabutan si hubby.

"Let me help you Lady Mia." Sabi ni ashton at akmang kukunin ang box ng cake sa akin pero hindi ko binigay.

"Hindi ako nalang po kuya. Kaya ko naman po tsaka tayo napo." Sabi ko at nauna ng lumakad palabas. May isa pa pala akong problema. Paano ako tatakas kina ashton at sa mga kasama nyang MIB? Gusto ko kasing i-surprise si hubby pero paano ko gagawin yun kung malalaman rin nya kasi sabi nya noon kay ashton na magsabi sa kanya kung saan man ako pupunta. Hihihihihi... alam ko na.

"Kuya,.. magccr lang po ako ha. Baka po medyo matagalan ako kasi alam nyu na." Hihihihi.. I'm so smmmaaaaaaaaaaaaaaaaaaaart. Wala namang pag-aalinlangan na umuo si ashton kaya lihim akong napangiti. Pagkapasok na pagkapasok ko ay linock ko ang pinto at tumuntong sa maliit na bintana at dahandahang lumabas. Success! Ng makalabas ako ay dalidali akong tumakbo palabas ng school namin at sumakay ng taxi papuntang mall. 

Ng makarating na akong mall ay mabilis akong naghanap ng magandang dress. Dress nalang ang bibilhin ko para mas mabilis. Nakahanap naman ako ng isang off shoulder peach dress na hanggang hita ko tapos okay naman sya sa suot kong white vans ngayon. Pumunta na akong restroom nitong mall tsaka nag-ayos. Nagbihis lang ako tapos suklay dito suklay doon. Nagpowder ng kunti tsaka lip tint narin.. parang may kulang... Hala yung eyeglasses ko! Naiwan ko sa dressing room kanina nung sinukat ko ang dress, nalaglag kasi kaya nakalimutan kong isuot dahil sa kakamadali ko.  Huhuhuhu,.. bahala na nga.. Bibili nalang ako sa susunod. 

Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis narin ako at nagpahatid sa taxi papunta sa kompanya ni hubby.

"Saan po tayo maam?" Tanong sa akin ni lolong driver. Ang tanda na po ni lolo pero nagdradrive parin,..

"Sa Fyron Group of Companies po lolo." Magalang na wika ko tapos umandar na rin si lolo. Habang nasa byahe ay pansin ko ang palaging pagsulyap sa akin ni lolo. Bakit kaya? Tumingin ako sa side mirror ni lolo pero wala naman akong dumi sa mukha. 

"May problema po ba lolo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Bigla namang napakamot si lolo na parang nahihiya at ngumiti ng mahinhin.

"Ngayon lang po kasi ako nagkapasahero ng ubod ng ganda. Artist ka po ba maam?" tanong ni lolo at ngumiti ng nahihiya. Hayys.. si lolo talaga. Hahahha.. pero ano daw? Artista ako? Hihihih... pwede namin eh, magaling kaya akong umakteng.

"Ah,.. hindi po lolo. Salamat po,.. hihihi" Pagkatapos kong sabihin iyon ay nakarating na rin ako sa kompanya ni hubby. Nagpa-alam na ako kay lolo tsaka mabilis naglakad papasok. Hinahanap na kaya ako nila ashton? Mahigit 2 oras na rin simula ng umalis ako sa school. Magsosorry nalang ako mamaya sa kanila. 

Woah! Ang laki tsaka ang taas pala ng building ng company ni hubby. I think mga 100 floors ata tu.... nakakalula naman. Ang gara tignan kahit sa labas palang at puro nakacorporate attire ang lumalabas mula sa loob. This place exudes luxury on every corner. Huhuhuh... baka dapat nakacorporate attire din ako. Bahala na nga... papasok na ako...        

Nasa may entrance na ako ng biglang

*bogsh*     

Ouch! Napa-upo ako dahil sa lakas ng impact,.. tumatakbo kasi sya palabas kaya ang lakas talaga ng pagbunggo nya sa akin.

"Oh my gosh! I'm so sorry Miss! I didn't mean it ,.. " Natataranta sabi ng babaeng nakabunggo sa akin pagkatapos tinulungan akong tumayo. Buti nalang mukhang hindi napano ang cake kasi nasa kabilang side yung nabunggo nya at maagap kong nahawakan sa dalawa kong kamay.

"Okay lang po ako. Naiintindihan ko po." Sabi ko pagkatapos nya akong tulungan. Mukha syang nagtratrabaho sa kompanya ni hubby dahil sa sling at ID nya. Nag-angat ako ng tingin,... ang ganda nya. Matangkad, morena at mukhang mabait. 

"Salamat po. Una na po ako." Sabi ko sa babae at tipid na ngumiti bago umalis papasok sa kompanya ni hubby. 


Tisay. 


The Possessive Mafia's BeautyWhere stories live. Discover now