Chapter 15: Good

11.7K 237 5
                                    

Mia's POV

Hmmm...hmmmmm.... hmmmm

Ang bango ng unan ko ahh,.. kaamoy ni Thunder.. hihihihihi... Ang lalaki ng amoy tapos ang fresh pa. Ang lambot rin ng kama ko ngayon, ang sarap tulugan. Makabangon na nga, may pasok pa kasi ako. Hayyysss.... buhay.

Pagbangon ko ay nashock ako ng bongga!! Waaahhhh!!! Hindi ganito yung kwarto ko!! Pinalitan ba ni bessy ng designs kaya naging black, white and silver ang theme ng room ko?!? Hhuhuhuhuhu.... gusto ko ng purple and pink, yung dating room ko. Bababa na sana ako ng kama ng biglang bumukas ang pinto.

"Waaahhhh!!! Thunder! Bakit ka andito sa room ko?!?" Tanong ko sa kanya ng pumasok ito na may dalang tray ng pagkain. Ang bango naman tsaka mukhang masarap. hihihihi....

"Good morning to you too baby. You seem fine, don't bother to stand up. I already brought your breakfast, so eat it up." Pagpipigil nya sa akin ng akmang tatayo ako at inilapag nya narin sa kama ko yung pagkain. Mukha talagang masarap kaya kumain narin ako. Hihihihi.... hindi na ako nagpakipot pa. Hala may nakalimutan ako!!

"U-uhmm, k-kumain ka na ba?" Alanganin kong tanong sa kanya kasi nakatitig lang siya sa akin habang ako ay wagas kung lumamon.

"Nope. I'll feed you." Nakangiti nyang sabi sa akin sabay agaw sa kutsara ko at sinubuan nya na ako. Nggii!!! Ang daya nya talaga!! Mabilis kong kinuha sa kanya ang kutsara ng akmang sasandok siya at ako na mismo ang sumandok at sinubo sa kanya. Mahirap na baka siya naman ang magkasakit eh sabi nya pa naman kanina na hindi pa siya kumakain. Kain lang kami ng kain at nagpapalitan sa pagsubo. Mukhang ang saya naman niya at ang lapad ng ngiti kahit ngumunguya.

"D-do you f-forgive me b-baby?" Tahimik na sabi nya matapos naming kumain. Huh? May kasalanan ba siya sa akin? Siguro yong pagiging madaya nya.

"Oo naman. Kahit naman na ganyan ka ay tanggap pa rin kita." Sabi ko naman sa seryusong boses. Ang seryuso nya kasi.

"Really?!? You're accepting the fact that I'm a mafia boss?!?" Natutuwang wika nya at parang masaya siya. Ahhh...iyon ba ang tinatanong niya?

"May tanong lang ako? Pumapatay ba kayo ng inosente?" Tanong ko na parang natatakot. Nakakatakot naman talaga eh. Natigilan naman siya sa tanong ko pero agad namang ngumiti.

"Is that what you're worried about? Of course not. We only deal with those imbecile demons. The race which should be eliminated for good. Besides, we let the law pull the trigger and if they can't, we'll just do it ourselves. They can't stop us anyway." Ahhh.... kaya naman pala. Ang bait nya talaga!! Hihihihihihi......

"Ahhh.... mabuti naman. Nga pala, bakit ka nandito? Binago pala ni bessy yung design ng room ko.. hindi man lang siya nagpaalam pero ang ganda nga eh." Sabi ko ng linibot ko ng tingin ang buong kwarto.

"No baby. I'm here because this is my room. You're in my room particularly in my house. Ashton brought you here when you fainted at your school." Sabi nya sabay tingin ng seryuso sa akin. Hala! May kasalanan ba ako?

"You should have taken care of yourself a lot more. But due to the fact that you seem to ALWAYS forget that, I shall make sure to never make it happen again." Sabi nya na nakatingin ng mataman sa akin. Huhuhuhuhu.... galit nga siya!! Tututol na sana ako ng tingnan nya ako ng masama kaya napatahimik nalang ako. 

"Sorry na hubby.... huhuhuhu.... hindi na mauulit." Sabi ko ng nakayuko... ayaw kong mapagalitan na naman niya eh.

"W-what did you just say?" Sabi nya na parang biglang bigla. Ano bang masama sa sinabi ko?

"Alin ba doon?? Yung nagsosorry ako? Hindi na talaga mauulit... promise!" huhuhuhu.... hindi ko na talaga uulitin..

"N-no.... the h-hubby part.." Sabi nya ng pautal-utal habang medyo namumula. May sakit na rin ba siya? Naku nahawaan ko ata siya... huhuhuhu...at tsaka ayaw ba niyang hubby ang tawag ko sa kanya? Sabi kasi ng advertise sa TV pag galit daw ang isang lalaki sa'yo, na kaclose mo, ay tawagin mo daw sya sa gamit ang isang endearment. Hubby ang unang endearment na pumasok sa isip ko kaya 'yon nalang ang ginamit ko. Tsaka close naman kami diba? Palagi nya nga akong nililibre.

"Bakit namumula ka? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya at hinawakan ko narin ang noo nya,...

o_0

Hala 'bat sya mas pumula? huhuhuh... malala na ata ang sakit nya..

"N-no! I'm fine. A-answer my q-question." Sabi nya na medyo hindi na namumula ang mukha nya...

"A-ayaw mo na hubby ang tawag ko sa'yo?? Sige wag nal-"

"NO! Call me hubby. And from now on, I will call you my wife." Sabi nya na parang nagdedemand talaga. Hay naku.... napakademanding talaga ng lalaking to. Pero parang gusto ko naman ang my wife na itatawag nya daw sa akin eh.... hihihihihihih....

"Hihihihiji..... sige!! Ang galing natin hubby!!" Sabi ko sabay hagikhik... hihihihi...

"Hahahaha... You're too childish my wife. By the way, I need you to meet someone. He's your doctor and he'll do some check ups on you to make sure you're already fine." Sabi nya sabay tawa... ang gwapo nya talaga pagtumatawa... parang kumikislap siya..

*knock knock*

Tumayo naman siya para sana buksan yung pinto pero bago paman ay binuksan na ito mismo ng kumatok. Siya na ata yung doctor na sinasabi ni hubby. Mukha naman syang doctor..... gwapo na doctor... hihihihi..

"What the f*ck Steel?!?! Don't you f*cking know how to f*cking wait?!? Do you wanna die?!?"

o_O

Nakakatakot talaga 'tong si hubby... Palagi nalang parang galit sa iba. Buti sa akin hindi..... 

"Chill Fyron! I just wanna introduce myself to the gorgeous lady in your bed." Sabi nito sabay taas ng kamay na parang sumusuko. Mukha syang playboy at malayo sa normal na doctor na seryuso palagi.

"One f*cking mistake and I'll torture you."

"Ano ka ba hubby!! Huwag mo ngang tinatakot ang doctor ko. Hihihihi... pagpasensyahan nyu na po siya. Talagang mainitan po ang ulo nya at medyo bastos." Sabi ko nalang sa doctor. Nakakahiya kasi na ang bad niya tapos wala namang ginagawang masama yung doctor. Pagtingin ko kay hubby ay nakatingin parin sya ng masama sa doctor ko pero yung doctor ko naman ay tumatawa lang ng mahina.

"Just don't mind him my wife. Do your f*cking job idiot." Hay.... kahit kailan talaga, ang bad parin niya.

"Hey there Mrs. Fyron. Let's start shall we?" Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya at sumagot nalang sa mga tanong niya.

Haayyysss... natapos rin. Sabi ni Doc ay ayos naman daw ako at huwag munang gumawa ng nakakapagod na gawain kasi baka daw mabinat ako. Saan na kaya si bessy? Dati kasi pagmagkakasakit ako ay si bessy ang nag-aasikaso sa akin o kaya ay si dylan noong nasa kanila pa ako. 

------------------------------------------------------------

Tisay.

The Possessive Mafia's BeautyWhere stories live. Discover now