Chapter 24: He's Alive

7.7K 178 8
                                    

I'm so sorry po hindi ako nakapag-update kagabi. Btw,.. hindi po umabot ang number of reads, comments and votes sa deal natin so isang chapter lang po ang i-uupdate ko. Thanks! Enjoy reading!

_________________________________________________________________-


Mia's POV

Parang naestatwa ako ng marinig ko ang boses na 'yon. Impossible. Akala ko iniwan na nila ako ni mama. Akala ko ako nalang mag-isa. Akala ko wala na akong pamilya. Hindi ako makagalaw at parang kusang umagos ang mga luha ko habang mahigpit parin akong yakap ng isang lalaking lubos ang pangungulila. Si papa. Ang papa kong sobrang higpit sa akin na hindi ako pinapalabas ng bahay hanggat hindi sila mama ang kasama ko. Ang papa kong sobra maglambing sa akin kapag nagtatampo ako sa kanya. Ang papa kong mahal na mahal ko at ang pinaka the best sa buong mundo.

"P-papa?" Halos pabulong na tanong ko sa kanya at patuloy parin sa pag-agos ang luha ko.

"God, you've grown so much. So breathtaking like your mother. But your still the baby I always pamper." Nakangiti nyang sabi habang maluhaluhang nakatingin sa akin. Hindi parin nagbabago si papa. Still handsome as ever kahit na medyo tumanda na siya. He's still full authority like he used to.

"P-paano? Akala ko-"

"Shhh.. I can explain everything baby. For now, magpahinga ka muna and I'm sure napagod ka sa byahe. Come, i'll take you to your room." Sabi ni papa at hindi parin mawalawala ang ngiti nya sa labi.

Nandito narin pala sila kuya Arky. Habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko daw ay ang raming katanungan na bumabagabag sa isip ko. Gusto ko sanang tanungin si papa ngayon pero sabi nya sasabihin naman daw nya sa akin.

"I know you have lots of question in your mind right now. But please, take a rest first. You still have jetlag and I don't want you sick princess." Pagkasabi ni papa nun ay binuksan nya ang isang pinto. Pagkapasok namin ay kumirot ang ulo ko. Napakapamilyar ng kwartong ito. Actually ang buong lugar ay napakapamilyar, parang nakapunta na ako dito.

"I'll take my leave now princess, rest well." Hinalikan ni papa ang noo ko at niyakap ulit ako pagkatapos ay umalis na sya. Ang daming nangyari ngayong araw na'to. Pero ang pinakamagandang nangyari ay ng nakita ko ulit si papa at nalamang buhay sya. Napansin ko ang isang picture frame sa bedside table, litrato namin nila mama at papa. Kuha ito noong sampong taong gulang palang ako at nagpipicnic kami sa isang bundok. Isa 'yong araw na 'yon sa pinakamasayang araw ng buhay ko, kumpleto kami at masayang nagtatawanan. Tama nga si papa, kamukhang kamukha ko si mama pero ang mga matang kulay lila naman ay namana ko sa kanya. Close ako sa kanilang dalawa noon dahil only child lamang ako at simple lamang ang buhay namin. Hindi kami mayaman at hindi rin mahirap. Nakatira kami sa isang tahimik na village at may nagtututor lang sa akin. Madalas kong mapansin noon ang mga kalalakihang nakasuit na palaging pumupunta sa bahay at kinakausap si papa, at pag-umaalis naman si papa ay sila ang naiiwan para bantayan kami ni mama. Hanggang ngayon pala ay nandirito parin sila.

Nakaramdam na ako ng antok kaya pinagpasyahan ko nalang na matulog. Mamaya ko nalang tatanungin kay papa ang lahat.



Yohann's POV

Nandito kami ngayon sa lugar kung saan huling narecover ang signal ni Miss Mia. Wala namang kadudaduda sa lugar bukod sa mapuno dito at masyadong liblib. Walang kabahayan kaya wala kaming mapagtatanungan.

*kring kring*

Napalingon kaming lahat ng biglang tumunog ang cellphone ni Mr. Fyron. Wala namang ibang tumatawag sa kanya ngayon dahil nandito kaming lahat. Baka naman si Misha, 'yung sekretarya nya.

"Who's this?" Narinig kong wika ni boss. Lalakad na sana ako para sa kabilang direksyon maghanap ng bigla syang sumigaw.

"WIFE?!? ARE YOU HURT BABY? WHERE ARE YOU?!? I'M COMING TO GET YOU." Sh*t! Si Miss Mia pala, bakas sa mukha ni Mr. Fyron ang labis na pag-aalala dito.

"Damm*t!"

"Bullsh*t!"

"I'm gonna f*cking kill whoever got her!!"

Sunod-sunod na mura nya ng mukhang hindi na nya kausap si Miss Mia. Parang tinatawagan nya ulit ito pero wala pa ring nangyayari kaya napapasabunot sya sa buhok na ngayon.

"Give me your f*cking laptop Laurel." Malamig na utos nya kay Xavier kaya nagmadaling lumapit ang loko sabay bigay sa laptop nya. The beast is working on his way. And I'm sure it'll be a bloody way.

"Ready my jet. I'll be fetching my wife." Wika nya pagkatapos ng mahigit limang minutong pagtatype sa laptop ni Xavier. Pero ano daw? Bakit saan ba pumunta si Miss Mia?


Mia's POV

Kinabukasan ay nalate ako ng gising kaya nagmadali akong mag-ayos sa sarili ko. Pagkababa ko ay tinanong ko agad kung gising na ba si papa.

"Yes young miss, your father is already at the kitchen. I think he's the one cooking for breakfast." Sabi ni ateng na mukhang katulong dito. Saang lugar ba 'to? Mukha kasing banyaga ang mga tao. Nagpasalamat nalang ako tapos umalis na. Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si papa na nagsasalin ng tinolang manok, ang paborito ko.

"Wahhh!! Papa ang bango po! Hihihihi... Good morning po pala." Hyper na sabi ko kay papa at tinulungan sya sa paghahanda ng breakfast namin. Noon kasi si papa ang tagaluto dahil hindi masyadong marunong si mama. Namiss ko rin ang tinolang manok ni papa na pinakapaborito ko sa lahat ng luto nya.

"hahhahahah... Ikaw talagang bata ka! Ginulat mo na naman ako. Good morning rin princess. How's your sleep?" Sabi ni papa matapos naming ihanda ang agahan namin. Sinagot ko sya na nakapagpahinga na ako ng maayos at pagkatapos nun ay kwentuhan lang kami. Kinwento ko sa kanyang ang mga nangyari sa akin simula noong 10 years old ako na nawala sila ni mama. Masaya lang kaming nag-uusap ni papa hanggang sa matapos kami sa agahan at ngayon ay nasa office naman nya kami dahil may importante daw syang sasabihin.

"Princess, what I'm gonna tell you now is for your own good so please listen carefully and try to understand my point as your father okay?. I want you to know everything. When you were about 6 yrs. old, you had an accident which led to amnesia. We used to live in here, this mansion, from the day you were born until your accident. Someone is behind it. You were about to be kidnapped from us but your bodyguard prevented it and led to that accident. From that day, we decided to hide you in the Philippines until it is deemed safe for you. We lived peacefully from then on, a normal life your mother onced wished."

Naaalala ko na, iyan yung mga panahon noong sampung taong gulang lamang ako at nakatira kami sa isang liblib na lugar. A simple life indeed.

"But they've still followed us. They wanted to get your mom instead so I would hand you to them as an exchange. But your mom was shot in the heart and died that instance. It was the most terrifying moment of my life, to hold my dying wife. I was devastated that time and wanted their blood on my own hands. I want revenge of what they did. I want to make them suffer, a long and painful suffering. But I can't just do it. I'm facing a powerful enemy, so I was left with no choice but to hide you. To make it look like you're dead and that I was all alone in this world. It was the hardest decision I've made in my whole life but I am not regretting every second of it because looking at you now is truly overwhelming. They believed that decoy for the past years but now they already know. They know you are alive and still wants you. That's why hiding you is now over and I am keeping you here for your safety. You can still do whatever you want princess but safety comes first."

Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi ni papa. Pero isa lang ang nasisiguro ko, I hate them for making my family suffer for more than a decade of our life. Pano nila naaatim na gawin yun sa pamilya ko? Sa mama ko? Punong-puno ng tanong ang isip ko pero una sa lahat ay kung sino sila. Sino sila na gusto akong kuhanin at dinamay pa talaga ang buo kong pamilya.

---------------------------------------------------------------

The Possessive Mafia's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon