Chapter 4: Frustrated and First day of School

13K 338 6
                                    

Lance's POV

Tulala parin akong nakatingin sa kawalan. Bakit?

*flashback*

Ng makita ko na yung babaeng nakabangga ni Boss kanina ay agad ko siyang nilapitan at kinausap.

"M-miss? Pwede ka bang maka usap saglit?" tanong ko sa kanya. Mukha naman syang natakot at nalilito pero ng matingnan ko siya ng maigi ay parang siya nga yung babaeng pinapahanap ni Boss maliban nalang kasi naka jacket na siya ngayon na sobrang laki sa kanya.

Agad kong tinawagan si Boss para ipaalam sa kanya na nakita ko na si the flash este yung babae pala... hahahha...

"Boss, nakita ko na siya. Nasa labas lang kami ng Burger King." Agad kong sabi kay boss.

"Wait there. I'm coming and don't let her leave. -toot- -toot- toot-" Pinatay na niya ang tawag, buti naman at medyo kumalma na ang Boss namin.

Paglingon ko sa kinaroroonan ni the flash ay napamura nalang ako.

"F*CKING SH*T!!"

Asan na ba ang babaeng yun?!?? Bigla nalang nawala!! Nalingat lang ako saglit naging si the flash na naman?!?! Palinga2x ako sa paligid na nagbabakasakaling makita ko siya pero wala talaga. Bw*sit naman!! Mapapatay pa ata ako ni Boss nito.

"Smith." Cold at napakaseryusong sabi sakin ni Bossing dahilan para mapalingon ako sa kanya.

Nanindig ang balahibo ko sa awra nya ngayon. Beastmode.

"Where.is.she." Patay kang bata ka!!! Bw*sit talaga nito bakit kasi ako pa ang unang nakakita?!?

Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil kamao na niya ang dumapo sa mukha ko.

*bogsh*

*blag*

Napahiga ako sa lakas ng suntok niya at parang nahihilo narin ako. SH*T! Galit na talaga siya. Pagkatapos nya akong suntukin ay umalis naman siya agad.

"Pfftt. Hahahahahha.." Napalingon ako sa pinanggalingan ng tawa at nakita ko ang mga g*ago na tawa ng tawa yung tipong nakahawak pa sa tiyan. Hindi ko napansin na nandyan na pala sila at nanunuod lang sa amin dahil sa takot ko kay Bossing

"Masarap ba Smith?? Hahahahha... epic ng mukha mo tol!! Instant make up ka na nyan g*go!!" Sabi ng gagong si Yohann na kakadating lang at parang alam ang buong pangyayari. Sakit talaga ng pangga ko, parang matatanggal na sa lakas ng suntok ni Bossing.

At ang mga gago nakabawi narin sa kakatawa at ngayon ay nakatulala habang nakatingin sa nilabasan ni Bossing kanina. Bakit nagkakaganon si Boss?? Anung nakain niya at ganyan sya ngayon? Ganoon ba kalaki ang atraso ng babaeng 'yon sa kanya? Panibagong problema naman ito.

*end of flashback*

Nandito pala kami ngayon sa headquarter ni Bossing at pinapanuod syang umiinom ng alak. Kakatapos lang kasi nitong mambugbog ng mga tauhan niya kanina sa training. Kaya pala pinapunta niya kami sa Mall kanina ay para sa isang underground transaction sa ilalim mismo ng Mall. Para ngang walang paki-alam si Bossing na hindi ito natuloy dahil sa lalim ng iniisip nya kanina pa. Well, it's their lost.

Tahimik lang kaming nakamasid sa kanya. Napanuod narin pala namin yung CCTV footage simula nung mabunggo ni the flash si Bossing hanggang sa natapunan siya ng kape.

Kawawa nga si Miss the flash kasi basang basa siya pero buti nalang at napahiram siya ng jacket nung kasama nung nakabangga sa kanya. After naming napanuod lahat, ay bigla nalang nag walk out si Bossing. Sinundan namin siya hanggang training area at duon na nga. Nambugbog na ang demonyo, pagkatapos halos maubos nya na lahat ng tauhan niya ay alak naman ang napag diskitahan. Walang sinuman sa amin ang makalapit sa kanya dahil baka kami naman ang mabugbog kahit nga si Adrian ay hanggang tingin lang sa kuya niya. Sayang naman kung madadagdagan ang pasa ko sa mukha. Pero ayos lang dahil gwapo parin naman ako. Right ladies? *wink*

The Possessive Mafia's BeautyWhere stories live. Discover now