CHAPTER TWELVE

Magsimula sa umpisa
                                    

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi niya dapat malaman na may gusto ako sa kanya. Ngayon pang sinusubukan ko na siyang kalimutan. Alam kong nakatingin pa rin sa akin si Calix. Binabasa ba niya ang nasa isip ko?

"True. At minsan kahit sinasabi nating dapat na natin silang layuan, we still find ourselves doing something to be close to them. It's weird."

Napatingin ako kay Calix kaya nasalubong ko ang titig niya. Parang hindi lang siya basta nagkokomento. Parang he's talking through experience. In love ba siya? Sa ex niya o bagong babae?

Teka. Bakit parang masyado nang matagal ang pagtitig niya sa akin? Parang matiim. Parang... sa akin ba niya pinapatungkol ang sinabi niya? Nag-iwas ako ng tingin.

Tumahimik ka nga, Nadine, saway ko sa sarili ko. Tigilan mo na ang ilusyon mo.



NATUWA ako nang mabalitaan ko mula kay Gilbert na kinabukasan pagkatapos ng project namin sa Guarded Angels Orphanage ay may nagbigay ng malaking halagang donasyon sa bahay-ampunan. Natuwa ako para sa mga bata dahil mas matutugunan pa ang mga pangangailangan nila.

"Sino daw ang benefactor?" curious na tanong ko habang naglalakad kami ni Gilbert sa corridor.

"Anonymous. Hindi daw nagpakilala, eh."

Lalo akong bumilib dahil bihira na ang mga taong hindi pina-publicize ang ganoong klaseng pagtulong. Kung sinuman ang taong iyon ay napakabuti niya. "Ang bait naman niya."

"Nadine." Parang nanantiya ang tono ni Gilbert.

"Hmm?"

"Nanliligaw ba sa 'yo si Calix?"

Natigil ako sa paglalakad at hinarap si Gilbert. "Huh? Hindi! Paano mo naisip 'yan?"

"Iba kasi ang tingin niya sa 'yo noong nasa orphanage tayo. Ilang beses ko siyang nahuli na nakatingin sa 'yo habang hindi ka nakatingin. Sa tingin ko... may gusto siya sa 'yo."

Hindi ako nakaimik. Totoo kaya ang sinabi ni Gilbert? May gusto sa akin si Calix? "P-Paano mo naman nasabi na may gusto siya sa akin? Porke tumitingin lang."

"Lalaki din ako. Alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa isang babae na gusto niya. The way he looked was how a guy with interest would look at a girl."

Napalunok ako. Gusto din ako ni Calix? Hindi ako kinikilig sa sinabi ni Gilbert. Hindi! Hindi! Hindi! "A-Ano ka ba? Ba't naman magkakagusto sa 'kin 'yon? Baliw nga ang tingin sa akin n'yon, eh." Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"I don't know. Iyon ang tingin ko. So you better beware."

"Bakit? Ano sa tingin mo ang puwede niyang gawin sa akin?"

"Baka ligawan ka niya at takutin para sagutin mo siya."

"Hindi naman niya siguro kayang gawin 'yon."

Nagpakawala ng buntonghininga si Gilbert. "Nag-aalala lang ako para sa 'yo."

"Salamat sa concern mo pero 'wag kang mag-alala. Hindi gano'n si Calix."

Parang hindi kombinsido si Gilbert. Nang maghiwalay na kami ni Gilbert ng daan ay naisip ko ang sinabi sa akin ni Calix noong nasa orphanage kami. Posible kaya na talagang para sa akin ang sinabi niya?

Napangiti ako habang yakap ang libro ko sa Math.

Oo na. Kinikilig na ako. [Insert three heart emoticons here]

Pero natigilan ako. Hindi ako dapat kinikilig. Dahil kahit sakaling ligawan ako ni Calix, hindi siya papasa sa mommy ko. Hindi ako papayagan ng mommy ko na magka-boyfriend kung isang gangster ang lalaking ihaharap ko sa kanya. In other words, Calix and I were not meant to be.

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon