Chapter 13: First day of Intramurals (EDITED)

5.2K 148 4
                                    

GAIL'S POV:

Ngayon ang first day nang Intramurals namin at excited na ako sa mga pwedeng mangyari.

Ang mga activities namin sa first day ay Basketball. Sa second day naman ay Archery. Sa third day ay Volleyball at motocross. Sa last day naman ay Car Racing saka Mr. and Ms. Intramurals 2017.

Excited ako sa lahat ng activities pero mas excited talaga ako sa pageant knowing na sasali sina Sky at Kyler doon pero aside sa mga yan ay may mga booths rin.

Maraming booths ang itinayo nang bawat section. Ang sa amin ay butler and maid café lang naman. Ang cute di ba? Bakit kami na end up sa ganitong booth?

Flashback--

Nasa loob kami ng classroom. Wala kaming class ngayon dahil busy ang mga teachers. Maya-maya pa ay pumasok bigla si Jaylen sa loob ng classroom namin.

"Attention everyone!" Tawag pansin nito samin kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya. "Sabi nang adviser natin ay kailangan daw natin mag-isip nang booth na itatayo dahil require yun sa lahat." Saad nito. "Any suggestions?" Tanong niya naman kaagad.

Marami ang nag suggest pero napapangitan kami kaya nag-isip pa kami nang iba hanggang sa nagulat na lang kami nang si Sky na mismo ang nagsuggest.

"Butler and maid café." Malamig na suhestiyon nito. Gulat kaming napatingin sa kanya, hindi dahil sa suggestion niya kundi dahil sa nag suggest siya.

Napansin naman niya siguro na nakatingin kaming lahat sa kanya kaya napakunot-noo kaagad ito.

"What?" Malamig na tanong niya samin dahilan para mapaiwas naman kaming lahat ng tingin.

"So, payag ba kayo doon?" Tanong ni Jaylen ng makarecover na siya sa gulat. Pumayag kaming lahat since maganda naman at cute, pero sa kasamaang palad. Nag hands up ang isa naming kaklase.

"Yes Rhia?" Tanong ni Jaylen.

"We want all the royalties including Gail and Sky to be the committees in our booth at kayo rin ang magdadamit nang butler and maid. Kami naman ang mag de-design and mag-aayos nang booth natin." Suhestiyon nito at naupo na kaagad.

Nag suggest rin ang isa pa naming kaklase kaya tumayo ito at sumagot.

"Suggest lang po. Paano kaya kung sabihin natin sa kanila na kapag bibili sila sa booth natin ay libre selfie or groufie with the royalties and also Sky and Gail?" Tanong nito.

"I'm in!" Justine happily exclaimed. Napaismid na lamang kami. Playboy talaga 'tong isang 'to.

Pumayag rin ang iba including James, Jaylen, me and Zhaira habang si Sky ay nalukot ang mukha including Kyler. Natawa nalang ako nang palihim.

Actually, wala naman akong violent reaction about it because I found it cute. Aangal na sana silang dalawa nang pumasok bigla si Principal dito sa room namin.

"Pumayag na kayong dalawa, I know mas tatangkilikin ng mga students pag kayo ang magiging butler and maids sa booth ninyo." Pangungumbinsi nito habang nakangiti saming lahat.

Marami pang argumento ang nangyari hanggang sa wala na silang nagawa kundi ang pumayag kaya kaagad kaming naghanap ng mga attire para sa Café namin.

Ang cute nga eh, para kaming mga Japanese nito.

End of Flashback----

Yun ang nangyari kaya kami na end up sa ganitong booth. Naputol naman ang pagmumuni-muni ko ng biglang magsalita si Zhaira. "Gail, magbihis ka na ng maid attire." Utos nito sakin. Napatingin naman kaagad ako sa kanya.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon