CHAPTER ELEVEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Eh, ikaw... anong klase ng guy ang gusto mo?"

Nalunok ko nang di-oras ang kinakain ko. Paano naman kasi kung makatingin naman si Gilbert ay parang hindi lang simpleng curiosity ang nagtulak sa kanya para direktang itanong iyon.

"Uhm..." Siguradong masa-shock siya kapag sinabi kong nang dahil sa binabasa kong mga nobela na ang bidang lalaki ay gangster ay nagkagusto ako sa isang gangster. At siyempre, ayoko rin namang marinig ni Calix iyon. "Secret!" Ngumisi ako at kumagat ng panibagong pizza.

Ngumiti si Gilbert. Halatang nabitin. "Ang secretive mo naman."

"Ba't kasi kailangan mong malaman? Tsismoso ka rin, eh, no?"

"Kasi gusto kong malaman kung pasok ako."

Natigil ako sa pagnguya at napatitig kay Gilbert. Seryoso ba siya? Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi siya tumawa kaya siguro ay seryoso siya? Nagpapahiwatig ba si Gilbert? Lumipad ang tingin ko kay Calix. Ang grim ng face niya.

Hindi naman siguro nagagalit si Calix dahil nagpahiwatig si Gilbert na may pagtingin siya sa akin kasi nagseselos si Calix. Sa online gangster love stories lang iyon puwedeng mangyari. Hindi na ako kasing delusional ng dati.



"TYPE mo na din ba si Gilbert?"

"Sasagutin mo na ba siya?"

Pinaglipat-lipat ko ang tingin kina Alex at Sandy na nasa magkabilang armchair desk. Mahina lang ang boses nila dahil nasa classroom na kami at hinihintay ang pagdating ng teacher.

"In fairness, mabait siya. Bukod sa cute."

"At mukhang may utak."

"Sigurado magugustuhan siya ni Tita Tessa."

"Like na din namin siya para sa 'yo kasi mabait siya sa amin."

"Feeling ko bagay kayo."

"Oo nga. 'Pag pinag-combine ang pangalan n'yo... NadGil!"

"Mas pasok sa banga ang GilDine!"

"O kaya NadBert!"

"Tumigil nga kayo," mahinang asik ko. Napatingin ako kay Kara na nakalingon sa amin mula sa front row. Nakataas na naman ang kilay niya.

"Hoy, 'wag mong sabihing hindi mo type si Gilbert," nagdududang sabi ni Alex.

"'Di ba hindi mo na crush si Derrick?" Ang sikat na basketball varsity player ang tinutukoy ni Sandy. Crush din iyon ni Kara. Nawala na ang pagka-crush ko kay Derrick simula nang magkagusto ako kay Calix. "Eh, sino nang crush mo ngayon?"

"Wala." Hinding-hindi ko sasabihin na crush ko si Calix dahil baka pagtulungan akong sabunutan ng dalawa.

"Wala?" gagad ni Sandy. "Ibig sabihin, hindi mo crush si Gilbert?"

"Hindi... pa," bulong ko. "Sa ngayon, gusto ko lang siya bilang tao at bilang friend. Pero hindi naman siguro malayong ma-develop ako sa kanya."

"Ang labo mo," asik ni Alex.

Mukhang may sasabihin pa sana si Sandy pero biglang nasa harapan na namin si Kara na naka-twitch na naman ang lips habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin.

"Ang arte-arte. Por que nililigawan ni Gilbert Enriquez. As if naman napakalaking honor na maligawan ni Gilbert. Oo nga, he's cute but looks boring. Too goody-goody. Uninteresting. At saka hindi naman ganoon kasikat si Gilbert sa SCHS. Kaya 'wag kang mag-inarte diyan, no?" Tumalikod na ang bruha bago pa kami makahuma.

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon