“If I could say what I want to say
I'd say I wanna blow you... away
Be with you every night
Am I squeezing you too tight?”

Tinignan ko lang si Dylan na parang siya lang talaga ang tao dito sa paligid. Inisip ko na kaming dalawa lang ang nandito at para bang nag-uusap lang kami. Gusto ko kasing maramdaman niya talaga ang mga sinasabi ko, kahit ayaw niya sa music.

“If I could say what I want to see
I want to see you go down
On one knee
Marry me today
Guess, I’m wishing my life away...”

Dylan, malay ko ba kung anong nagustuhan ko sayo. Basta naalala ko lang nung first year ako, nagkabanggan tayong dalawa at nahulog ang mga dala ko. Doon na siguro ako na-inlove sayo, ganun naman lagi ang mga nangyayari sa cliche love stories diba? Except lang hindi mo ako tinulungan kunin yung mga gamit ko nun. Snob kang hayop ka eh. Joke lang.

“...with these things I’ll never say.”

Maganda ang pagkaka-synchronize namin ng banda. Maayos naman ang pagpe-perform namin at wala namang nagkakamali sa mga ginagawa nila. Kung meron man, ako yun.

Confident silang lahat habang nasa stage. Mukha ngang gusto lang talaga nila tumugtog at hindi manalo. Ginagawa talaga nila ang advice nila sakin na “Relax. Just feel your moment. Have fun.

It don’t do me any good
It’s just a waste of time

What use is it to you
What’s on my mind?”

Ang tagal ko nang may gusto sayo, Dylan. Pogi ka nga, ang yabang mo naman! Suplado ka, pero ang talino mo. Sports ka, pero talo mo pa yung babaeng may PMS kung makapag-sungit! Ano ba talagang nagustuhan ko sayo? Baka ikaw nga dyan yung nang-gayuma sakin eh.

“If it ain’t coming out
We’re not going anywhere
So why can’t I just tell you that I care?”

Silang lahat, alam na nila kung gaano kita kamahal. Ikaw nalang talaga yung hindi nakaka-realize nun eh! Ang manhid mo! Yung totoo ba kasi, ilang anesthesia yung nainom mo?! Wait, iniinom ba ‘yun?

“Cause I’m feeling nervous
Trying to be so perfect
Cause I know you’re worth it
You’re worth it
Yeah.”

Kahit na ilang beses mo na ko ipinagtutulakan, andito pa rin ako at hinahabol ka. Bwisit ka. Hindi ko kasi alam kung may patutunguhan ba ‘to o wala eh. Kapag magg-give na kasi ako, nandyan ka para magpakilig ulit sakin! Pero at the same time, sinasaktan mo rin ako...

When She Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon