27

128 5 5
                                    

10:01 am



nagising lang bigla si jihoon dahil sa init. nagulat na lang siya na wala na si soonyoung sa tabi niya kaya bumangon siya agad para hanapin siya. bumaba siya at nakita niya si jeonghan na nasa sala.



"hyung, nakita mo si soonyoung?"



"umuwi na ji. may iniwan pala siya sa kwarto mo daw." sabi ni jeonghan habang nakatingin lang sa tv.





umakyat na naman si jihoon para malaman kung ano ang iniwan ni soonyoung. nakita niya agad ang choco pie at may papel sa ilalim nito.



hehe hallo

salamat pala ha. sorry kung ito lang ang afford ko. paborito mo daw yan sabi ni jeonghan hyung. hehe salamat talaga sa lahat. kung kilala mo si woozi, paki sabi na lang na may chika ako sa kanya hihi.

soonyoung

napangiti naman si jihoon at nilamon na ang chocopie. mayamaya nakatanggap siya ng tawag na galing kay soonyoung.



Call from Hoshi. . .

00:01



"hello woozi"



"hello hoshi"



"uhm. . hindi po ako si hoshi-"



"nickname mo yan soonyoung"



"ahhhhh. bakit hoshi?"





"basta"



". . ."



"ano pala ang kailangan mo?"



"hehe ang saya ko lang ngayon."



"bakit?"



"eto kasi may nakilala akong cute. baka kilala mo siya dahil naiwan mo daw ang phone sa bahay niya. basta jihoon ang pangalan."

"ah si jihoon"



"oo, tapos jusq ang sarap niyang kayakap pramis. napagaan niya ang loob ko. sumakit nga ang dibdib ko dahil sa kanya"



"grabe naman. bakit naman sumasakit ang dibdib mo?"



"masaya ako."



"masaya ka na?"



"masaya ako na kasama siya"



". . ."



"ngayon ko lang siya na kilala pero feel ko na maasahan talaga siya, woozi. yung tipong pareho sayo na basta di ko maexplain."



". . ."



"tas iniimagine ko lang ang sarili ko na nasa tabi niya palagi. sobrang saya ko na siguro. nakakagaan siya sa loob."



"bago lang kayo nagkakilala tas ganyan na."



"hehe wala lang feel ko eh."



". . ."

"magkita kaya tayo, woozi"

"ha?"

"magkita tayo."



"bakit naman?"

"gusto kitang makita sa personal"

"ha?"



"gusto kitang makita"

"bakit?"

"gusto kong makita ang taong nagpapagaan ng loob ko."

"waw, doon  ka na lang kay jihoon"

"bakit? selos ka?"



"bakit naman ako magseselos sa sa-"



"ano?"



"wala, sige na ibaba ko na to. may gagawin pa ako"



"sige bye wooziiii"

"bye hosh"



Call ended



poison; soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon